February 15, 2010

28 0 0
                                    

February 15, 2010


Dear Diary,


Most unforgettable moment of my life: February 14, 2010, Glitterati Hotel, St. Augustine Academy JS Prom

Sobrang... AAAAHHHHHHHH! Oo. Literal na napatili talaga ako ngayon habang sinusulat ko 'to. Ganon kalala 'yung kilig ko mula sa nangyari kagabi. At konti nalang din talaga madudurog na 'tong unan ko kakapisil ko. Sorry, may hangover pa ako eh!

Okay... ganito 'yon. Ke-kwento ko sa'yo kung anong nangyari kagabi.

4 p.m. palang full force na ang artista make-up artist na kinuha nila Tita Yura at mommy para ayusan ako. Tapos, si Tita Yura naman nag-ayos ng buhok ko. Simpleng kulot lang. After one hour mukha na akong normal na babae. Haha! Well, alam mo naman ang Love Lyn. Walang ka-ayos ayos sa sarili.

Alam mo kung ga'no ko ka-ayaw mag-prom. Ayaw ko ng mga gown, make-up, at mga alahas. Pero, grabe. Na-amaze talaga ako nung nakita ko 'yung sarili ko lalo na nung sinuot ko na 'yung gown galing sa T&O Couture. Wala na akong ibang naisip kundi sana mapansin ako ni Robin.

And guess what.

NAPANSIN NGA AKO NI ROBIN!

Shocks. Naalala ko na naman 'yung sinabi nya... "Crush ko naman talaga 'yan eh." WAAAH. Yes, maniwala ka. Sinabi nya 'yon. And I wish totoo 'yon. Kaso, malabo. Malabong malabo. Asa pa 'ko.

But seriously. That made me happy. It might seem shallow... but it was really big for me. Robin Castillo, the guy everybody like, the guy I've been crushing on for years, the guy who makes my heart flutter with just the sight of him. How could I not blush?

And then came the slow dance part. Akala ko quota na 'ko sa low-key compliment nya sa'kin na 'yon. Pero hindi pa pala sya tapos pakiligin ako. Honestly, I totally forgot about the slow dance part. Busy kami ni Ika sa desserts non nung lapitan nya 'ko at ilahad 'yung kamay nya sa harap ko. Medyo hindi romantic 'yung approach nya, pero the fact na ini-invite nya akong sumayaw, bakit hindi ako kikiligin don? Robin Castillo, naka-tux, naka-lahad ang kamay sa harap ko. PLEASE. Syempre, ako si pakipot, I tried to ignore it kahit sa loob loob ko kilig na kilig na ako. But he insisted at hinila na nya ako. So, YES. Si Robin ang first dance ko. Pati na rin last. Grabe. Hindi ko pa rin alam kung pa'no 'ko naka-survive sa buong kanta na 'yon. Hindi ko talaga inexpect na makaka-sayaw ko sya. It wasn't actually a dream, but it felt like dream come true.

One more thing I'm happy about? After two years, nakapag apologize rin ako sa nagawa ko sa kanya nung first year. He's truly a gent when he said to just let it pass. Lalo akong na-in love sa kanya. I thought... I needed something to stop me from liking him more each day.

By the way, I won the Prom Princess award. And what made it more exciting is that Robin won the Prom Prince award. For a night, I felt like Cinderella. Hindi naman meant sa'kin ang prom, pero because of Robin, I thought for a moment that it was. Imagine? Parang Cinderella talaga. I got to dance the prince of our batch, Robin. At naging princess pa ako.

Until Rose (definitely not sleeping beauty because first and foremost, Aurora 'yon) came acting like the 12 midnight curfew.

Last night was a dream and the fact that Robin is actually in love with somebody else woke me up.

Hay... Robin! Ano ba? Bakit mo ba ako pinapaasa? Or... ako lang talaga 'yung umaasa?

De, okay lang. At least Robin gave me something romantic to remember every time I will think of high school. Wala na akong magagawa sa gusto ng puso ni Robin. So, I'll just enjoy what I have. Kahit papa'no, masaya ako. Napasaya mo ako, Robin.

Well, like Cinderella, I think I need to come back to my senses and normality.

Goodbye, Prince Charming Robin.


Love,

Love

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love, LoveWhere stories live. Discover now