P R O L O G U E

51 0 0
                                    

Sa pagkakatanda ko, walong taong gulang ako noon nang mapansin kong walang time para sa akin ang parents ko. Maaga sila aalis para asikasuhin ang family bussiness namin at gabing gabi naman uuwi kung kailan sinakop na ako ng antok. Halos isa hanggang dalawang araw na lamang kami magkita-kita sa isang buwan. Madalas nila akong iwan kila lolo at lola. Dumating din ang araw na magkasakit sila at mamatay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko noon dahil sila na lang ang nagpaparamdam na mahalaga ako. Hanggang sa isang araw naisip ko na lang na bakit hindi ako gawan ng parents ko ng big sister? Kaya nagsimula na akong kulitin sila na bigyan nila ako ng older sister na lagi lang naman nilang tinatawanan.

"Princess, hindi na pwede yun. Kung gagawa man kami ng mommy mo, ikaw na ang magiging big sister." Natatawang paliwanag ni daddy sa akin na sinang-ayunan naman ni mommy. Nagpapaawang lumapit ako kay mommy.

"Mommy, tutal birthday ko na bukas. Kahit wag na tayong magpa-party, tutal wala naman akong mga kaibigan, tsaka gastos lang naman yun, sayang ang pera natin. Pwede po bang big sister na lang ang iregalo nyo sakin? Gusto ko ng b-big sister, m-mommy~" at hindi ko na napigilang mapangawa dahil sa inaasam kong napaka-espesyal na regalo sa buhay ko. Noon pa lang alam ko na talagang magbabago ang buhay ko pag nagkaroon ako ng nakatatandang kapatid.

At handa ako sa pangyayaring iyon.

Kinabukasan nun birthday ko. Akala ko talaga naawa sila sa pag-iyak at pang-uuto ng ka-cute-an ko. Hindi pala. Doon ko napatunayang napakapangit kong umiyak. Kasi kinabukasan nun nagpatuloy ang birthday party na pinahanda ng parents ko sa akin. Walang akong nakitang big sister. Ang saklap. Para akong na-busted.

Dinamdam ko yung araw na yun. Dumating ang ilang oras, ilang araw, ilang buwan at ilang taon hanggang sa tumungtong ako ng labindalawang  taong gulang. Talagang tiniis ako ng parents ko. Hindi talaga nila ako binigyan ng big sister.

Hanggang sa isang araw, hapon noon nang magising ako sa mahimbing kong tulog...

"Hello? Peters' Residence, who is this?" Magalang na tanong ko sa kabilang linya na agad kong ikinabahala dahil sa kaseryosohan ng pagtikhim nito.

[Is this Ms. Claire Peters, the daughter of Gray Peters and Clarisse Peters?]

"Yes sir. Bakit po?" Kunot noong tanong ko sa lalaking baritono ang boses sa kabilang linya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Napalibot ang tingin ko sa buong bahay. Asan pala sila mommy? Linggo naman ngayon ah. Wala silang trabaho.

[Wag po kayong mabibigla sa sasabihin ko, ma'am. Naaksidente po kasi ang parents nyo sa isang car accident.]

Unti-unting gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabing iyon ng taong nasa kabilang linya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Parang isa lamang itong napakasamang panaginip.

Pagdating ko sa ospital na pinagdalhan ng ambulansya sa parents ko, kasama ang grand parents ko sa side ni daddy, ay sinabi ng dead on arrival ang parents ko. Hindi ko na naabutan pang buhay ang mga ito. Pero...

"Miss Claire. Sumunod po kayo sa akin."

Kunot noo kong tinitigan ang isang dalaga na nakahiga sa hospital bed. She's unconcious.

"Sino sya?" Nilapitan ko ang dalaga at marahang hinimas ang pisngi nito. Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa kanya. Maganda sya. Marahil ay naakit lang akong hawakan sya kahit na walang kulay ang mukha nya.

"Hindi nyo po sya kilala? Pero yakap yakap po sya ng mommy nyo noong natagpuan namin sila sa loob ng nakataob nilang sasakyan. At ito naman po ang yakap yakap niya." Inabot sa akin ng pulis ang isang black suit case na nanginginig kong kinuha sa kanya. Tumango at nagpasalamat ako sa pulis bago nya ako iwan. Hindi na ako nagdalawang isip pa kung bubuksan ko ba ang suit case na ito o hindi, dahan dahan ko itong binuksan. Iningatan ni mommy ang dalagang to. At iningatan ng dalagang to ang suit case na hawak ko. So ibigsabihin ay kailangan ko din itong ingatan. Marahang kinuha ko ang mga papeles sa loob nito. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mabasa ang mga nakasulat dito.

Application Form for Prospective Adoptive Parents?

Last Will Testament

Certification of Adoption?

Heart Cleo Peters?

Gusto kong umiyak. Ang daming nangyari sa araw na ito ngayon. Hindi ko alam kung gusto ko pa ba ng big sister. Kung noon palang alam ko na na mangyayari to. Dapat hindi na ako nanghingi ng big sister pa sa parents ko.

Pero mommy, daddy, ako pong bahala sa kanya. Aalagaan ko sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DAMNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon