xii.

176 14 139
                                    

MANDY

"Oh, Mandy? Napatawag ka?" ani Kuya Chan sa kabilang linya.

Nandito na ako ngayon sa apartment ko. Pagkatapos ko kasing kainin ang sopas na ginawa ni Hyunjae ay nagpasalamat ako ta's bumalik na agad dito.

Umupo ako sa sofa ko. "K-kuya, may gusto lang sana akong itanong."

"Sige, ano yun?"

"Chan hyung! Kinukuha ni Hyunjin yung Snorlax kong plushie! Hyung, baka sirain niya! Shet, yung baby ko!" sabi ni Changbin mula sa kabilang linya. Naku, nagkakagulo na naman doon sa bahay.

"Minho, puntahan mo nga muna yung mga yun. Kinakausap ko lang 'tong si Mandy," sabi ni kuya kay Kuya Minho. "Mandy, nandiyan ka pa?"

"Ah, oo."

"So ano na nga yung itatanong mo?"

Bumuntong-hininga ako at sinabi na sa kanya, "Kilala mo ba si Hyunjae? Lee Jaehyun ang totoo niyang pangalan pero Hyunjae na lang ang tinatawag ko sa kanya. Para kasing pamilyar siya sa 'kin."

Sandaling natahimik si kuya.

"Kuya?" tawag ko sa kanya pero 'di siya nasagot.

"Kuya, nandyan ka pa ba?"

"Ah, oo."

"Kilala mo ba si Hyunjae?"

"Oo, kilala ko siya."

"Talaga?"

"Oo. So nagkita na pala kayo?"

"Oo, kuya. Katabi lang ng apartment ko yung kanya."

"Ahh... may nasabi ba siya sa 'yo?"

"Na ano?"

"Yung may kamukha ka o pamilyar ka sa kanya."

"Wala naman pero yung mga kaibigan niya, oo. Tinawag nila akong "Gwen" like, sino yun? Ta's tuwing nagkakatitigan kami ni Hyunjae, parang may mga nagfa-flash na scenes sa isip ko ta's bigla na lang sasakit yung ulo ko. Ba't kaya ganoon? Magpapa-check up na nga ako bukas eh."

"M-mandy..."

"Oh, kuya? Bakit? Okay ka lang?"

"S-si Gwen kasi..."

"Ano'ng meron kay Gwen?"

"Ikaw... i-ikaw si Gwen."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Kuya, paano--"

"Mandy, na-aksidente kayo ng mga magulang mo dati. Namatay sila pareho at sa kabutihang palad, nabuhay ka pero na-comatose ka ng ilang buwan. Luckily, nagising ka pero nagka-amnesia ka naman. Wala ka nang ibang kamag-anak na mapupuntahan kaya kami na lang ang kumupkop sa 'yo. Naospital kasi si Seungmin noon ta's saktong kagigising mo naman noong binisita namin siya. Edi noong tinanong ka ng mga tauhan ng ospital kung saan ka na pupunta since wala ka nang mga magulang, sinabi namin sa kanila na kami na ang kukuha sa'yo. Feeling kasi namin, kakailanganin mo kami. Gusto pati namin na tulungan ka. Alam kasi namin yung feeling na naiwanan ng pamilya."

Nanikip ang dibdib ko. Tinakpan ko ang bibig ko at nagsimulang umiyak.

"Nakuha namin yung mga gamit mo sa bahay ninyo. Pati pala yung sa mga magulang mo pero iilan lang doon ang kinuha namin. May nakita ako roon na diary. Sa'yo yung diary na yun. Binasa ko yung laman noon. Sorry kung ginawa ko yun ha? May mga gusto lang kasi akong malaman. Nalaman ko roon ang mga nangyari sa 'yo. Yung moments na kasama mo ang pamilya mo, mga kaibigan mo, at especially, yung boyfriend mong si Hyunjae."

mandy ∥hyunjaeWhere stories live. Discover now