Killer 7

57.1K 2.6K 192
                                    

K I L L E R 7
༻─────── ·☠· ───────༺

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, kaagad kong naramdaman ang sakit ng aking batok. Nasaan ako?

Inilibot ko ang aking paningin, doon ko napansin na nasa condo na ako ni Luther, tahimik ang buong kwarto. Paano ako napunta rito?

Itinukod ko ang aking kamay upang makaupo sa kanyang malambot na kama, doon ko unti-unting naalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Sa takot kong baka may nangyaring masama sa kanya ay mabilis akong tumayo, napansin kong damit na niya ang aking suot.

Humahangos na lumabas ako sa kanyang kwarto, malalaki ang aking hakbang na pumunta sa kusina at doon ako nakahinga nang maluwag nang makitang nandoon siya.

Hubad-baro na nagluluto, hindi ko alam kung bakit nangilid ang aking luha. Mabilis akong lumapit sa kanya at mahigpit niyakap ang hubad niyang katawan, naramdaman kong natigilan siya sandali bago haplusin ang kamay kong nakapalibot sa tiyan niya.

"Wife, you okay?" malumanay na tanong niya saka pinatay ang sindi ng kalan.

Dahil sa tanong niya ay lalo akong napaiyak, mabuti na lang at maayos siya, mabuti at walang masamang nangyari sa kanya dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung sakali man may mangyari sa kanya. Paniguradong sisisihin ko ang aking sarili.

"A-Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo, hubby. T-Takot na takot ako, akala ko iiwan mo na ako. Hindi ko ata kakayanin kapag nangyari 'yon," pag-aamin ko saka mas ibinaon ang mukha sa kanyang likuran.

Bahagya akong kumalma nang maamoy ang natural niyang amoy na lagi kong hinahanap-hanap.

Hinawakan niya ang kamay ko at binaklas iyon upang harapin ako, nang humarap siya ay nagtama ang mata namin. Masuyo niyang sinapo ang aking mukha, puno ng pagmamahal niya akong tinitigan, parang may humaplos sa puso ko nang punasan niya ang basa kong pisngi gamit ang kanyang hinlalaki.

"I will not going anywhere without you, wife. Huwag ka na mag-isip ng kung ano-ano, ang mahalaga ngayon ay maayos ang pakiramdam mo. May masakit ba sa'yo?"

Mabilis akong umiling kahit masakit ang leeg ko, ayoko na siyang mag-alala pa.

"P-Paano ako napunta rito, Luther? Anong nangyari roon sa killer? Sa mga guard? Hindi ka ba nila nakita?" naguguluhan wika ko.

Malakas siyang bumuntong-hininga.

"Nakatago ako, nakita ng mga guwardya ang lalaki saka nila hinabol, hindi ko na alam ang sunod na nangyari, binalikan kita sa rooftop pero wala ka. I looked around and I saw you outside the abandoned room, kinuha ko ang pagkakataon na abala ang mga guwardya para makaalis tayo." Napatango ako sa sinabi niya.

Hinawakan ko ang kanyang kanan pisngi. "Mabuti at walang masamang nangyari sa'yo Luther, p-patawad kung hindi ako nag-isip ng gano'n hindi ka naman mapipilitan sumama at hindi sana tayo malalagay sa gano'n sitwasyon, dapat sinunod na lang kita na tumahimik na lang," mahinang sabi ko.

Tipid siyang ngumiti, inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabing na sa aking mukha, kumunot ang kanyang noo nang mapatingin sa isang parte sa aking leeg, sinipat niya iyon. Kaagad nanlaki ang aking mata dahil sa realisasyon.

Shit!

Kaagad ko iyon tinakpan.

"What is that, wife?" nag-aalalang tanong niya.

"W-Wala 'to tumama lang siguro nang mawalan ako ng malay," pagsisinungaling ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin na bigay iyon ng ibang lalaki.

Sandali niya ako tinitigan bago malakas na bumuntonghininga.

"Anyways, what happened to you last night? Bakit ka nawalan ng malay?" tanong niya.

Umayos na kami ng tayo, nagbaba ako nang tingin habang inaalala ang nangyari.

Ayokong magsinungaling kay Luther, hindi ko gusto ang pakiramdam na may itinatago ako sa kanya kaya ibinukas ko ang aking bibig upang ikuwento sa kanya ang nangyari, simula nang bumalik ako sa rooftop hanggang sa mawalan ako ng malay, inamin ko sa kanya kung ano talaga ang nasa aking leeg.

Kita ko ang paggalaw ng kanyang bagang, kaagad ko iyon hinimas upang pakalmahin siya.

"D-Don't be mad Luther," mahinang sabi ko.

Sandali niya akong tinitigan. "Sorry I was not there to protect you," sabi niya.

Ipinagdikit niya ang aming noo, mariin akong pumikit. Mahal na mahal ko 'tong lalaking ito, siya lang.

Dinampian niya ng halik ang aking labi, suminghap ako nang maramdaman ang kuryente na kumalat sa aking buong katawan, para akong napapaso sa kanyang labi.

Bahagya akong napadaing nang himasin niya ang aking balakang, walang kahirap-hirap niya akong pinangko at ipinatong sa lamesa habang hindi inaalis ang aming labi.

"Luther..." mahinang daing ko.

"Hmm," sagot niya.

Mas inilapit niya ako sa kanyang katawan, hinawi niya ang hita ko upang magkaruon siya ng pwesto sa aking gitna. Halos mapa-arko ang aking likod nang ikulong niya ako sa mainit niyang bisig.

"I miss you so much, wife," bulong niya sa akin.

Tumindig ang aking balahibo dahil doon, lalo't sapuhin niya ang kanan kong dibdib.

Hindi ito ang unang beses na hawakan niya ako, karaniwan ay nagawa na namin iyon. Hanggang doon lang, make out. Karaniwan ay tumitigil na kami kapag alam namin na sobra na.

Bumaba ang halik ni Luther sa akin leeg, napahawak ako sa kanyang balikat dahil doon. Umawang ang aking labi nang himasin niya ang aking hita at mas ibukas iyon, pinuwesto niya ang sarili doon habang nasa bisig pa rin ako.

"You tastes so good," bulong niya.

Suminghap ako nang karagatin niya ako roon, bigla akong napadilat dahil may bigla akong naalala. Parang kaparehas ng pakiramdaman kagabi, pero imposible? O sadyang gano'n lang talaga ang pakiramdam ng halik sa leeg?

Siguro ay napansin niyang natigilan ako kaya tumigil siya, pinagpantay niya ang mukha namin.

"Sorry, did I scare you?" nag-aalalang aniya.

Napailing ako, mahigpit niya akong niyakap.

"I can wait, I love you," bulong niya.

____________________
SaviorKitty

My Boyfriend is a KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon