Chapter 36 - First Mission

2K 47 0
                                    

Napapabuntong-hiningang sinuot ko ang black metalled suit.

"Ano ba kasing klaseng misyon to?"

Nagkibit-balikat lang si ate Shany. Tumingin ako kay kuya, napatingin siya sakin pero binalik lang ang tingin sa computer.

I sighed, I guess I have to find out?
Napatingin ako kay ate Shany ng may inabot siya sakin na dress.

"Don't tell me... susuotin ko rin yan?"

Tumango lang siya, I rolled my eyes, hindi na ba sila magsasalita?

Napakunot-noo ako bg may inabot siya sakin na... listening device ba yan?

Kinuha ko yun at sinuot sa tainga ko.
Inayos ko yun bago ko sinuot ang dress. Mahaba yun at medyo masikip sa part ng bewang mo, kaya kitang-kita kung gaano ka ka-sexy.

Sinuot ko yung maliit na belt para sa baril, iniangat ko ang skirt ng dress at sinuot ko sa legs ko. Kinuha ko rin ang maliit na mic, hindi naman nakikita yung listening device at yung mic dahil sa buhok ko.

Mga ilang minuto ay natapos rin ako.
Napatingin ako kay ate Shany at tumango lang siya.

"May kasama ka."

Nangunot naman ang noo ko. Kasama? Sino?

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon.

0_0

"Red?"

Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Hi!"

Tumingin ako kay ate Shany na ngumiti lang rin sakin.

"You're attending a party Serena. So, you need a partner."

Napatango-tango naman ako.

"Ok, if you say so."

Tumingin ako ulit kay Red at nginitian siya. Naglakad ako papunta sakanya at hinawakan siya sa balikat. I smiled sweetly at him.

"Let's go?"

Napangiti ako ng unti-unti siyang pumupula.

"Ok. Let's go."

Tumango siya at hinawakan ang kamay ko bago kami lumabas.

Pumasok kami sa elevator at pinindot ang 6th floor. Mga ilang minuto ay bumukas na rin iyon. Lumabas kami at pinindot niya ang remote ng kotse.

Napatingin kami sa isang kotse ng bigla itong tumunog at umilaw. Namangha ako sa ganda nito.

Lumapit kami don at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Ladies first."

Nginitian ko siya bago sumakay.

"Thanks."

Sinira na niya ang pinto bago umikot papunta sa driver's seat. Sumakay siya at pinaandar ang kotse bago niya ito pinaharurot. Napahawak ako sa handle ng bigla itong bumilis. I rolled my eyes when I heard Hunter chuckled.

Napaawang ako ng bumukas ang malaking gate ng isang tunnel. Ito na yata ang pinakamalaking gate na nakita ko.

Pumasok na kami sa tunnel.

"Umm... wala akong makita."

"Night vision activated."

Rinig kong sabi ni ate Shany.

"Naririnig niyo pala kami?"

Umuoo naman si ate Shany, napatango naman ako at tiningnan si Hunter na seryosong-seryoso sa pagmamaneho.

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now