Bata lang ba talaga? (One Shot)

199 6 2
                                    

Mula nang magkakilala kami, sabi ko sa sarili ko "GUSTO KO TONG TAONG TO" yun yung salita na nasabi ko sa sarili ko. Valin ang pangalan nya.. Napunta sa pa comment comment, pa like like sa facebook naming pareho pero nung araw na yun may boyfriend sya. Edward ang pangalan. Kaya nawalan ako ng pagkakataon na sabihing gusto ko sya. Naging taga payo nya ako tuwing nagkakaroon sya nang problema kaya mula nun nagkakausap parin kami.

Lagi akong natutuwa sa tuwing ang mga notification ko ay galing sa kanya. Masarap sa pakiramdam yun diba. May mahal ako ng mga oras na yun..Pareho lang kami..Pero nanatili pa rin kami sa pagiging magkaibigan. Lumipas ang mga araw di pa rin kami nagkakasawaan..

hanggang sa..

SINGLE

Single na sya. Nagkalabuan ba? Pero balita ko.. SELOS ang dahilan. Medyo seloso raw ang Edward kaya wala nang pagmamahalan sa kanila ang namamagitan. Dahil ako ang kanyang advisor, payo naman ako agad..mahal ko sya eh.. Pero wag kayo ha! hindi sa nangangaliwa ako o may thirdparty sa pagmamahal ko sa girlfriend ko. Mahal ko yun at alam nya yun. Hindi ako nagkulang sa kanya. Umabot kami ng isang taon.

Pero sa buong taon na yun isa si Valin sa mga babaeng pinagselosan ng girlriend ko.

Hanggang sa..

Araw araw na kami nag aaway ng girlfriend ko dahil sa mga babaeng binibintang nya na kaibigan ko lang talaga.

Mahirap bang paniwalaan yun? Hindi naman sa lahat ng pagkakataon dapat sa kanya lang panahon ko. May mga bagay din naman na kailangan AKO LANG MISMO.

Hindi naman sa nagmamayabang na gwapo ako, na habulin ng babae pero siguro dahil sa mga salita ko o mga payo ko na naibibigay sa kanila. Yung tipong unti unti na silang nahuhulog sa akin at hindi ko iyon ginusto. Walang halong malisya ang pagbibigay ng payo ko para sa kanila. Wala rin akong balak na habulin ang atensyon nila para magmukhang "SIKAT?"

wala akong pakealam, basta ako pagnagmahal FOCUS.,

Hindi nagtagal..,makalipas ang isang taon..

SINGLE

Single na rin ako..

Patuloy pa rin ang usapan namin ni Valin. Naikwento ko na rin sa kanya ang nangyari sa akin., Madaming nalilink na mga babae sa akin..Kadalinggo nagpapalit ako ng real status ko sa Facebook. Yung iba, sineseryoso ako, yung iba naman alam ang limitasyon. May mga nahuhulog sa akin, meron namang gusto ako dahil sa mga magagandang kuha ko sa litrato.

Pero si Valin bihirang magpalit. Patuloy ko lang na sinisilip ang mga larawan nya. Dun ako nakatutok sa ALBUM nya at isa pa sa kapansin pansin, sa lahat kasi ng photo nya hindi sya gumagamit ng Camera 360, Cymeria o Retrica na sa tulong ng mga iyon ang TUYO nagiging FISH FILLET (You what I mean)

Stalker na ba ang matatawag mo sa ginagawa ko? Na yung lahat ng status nya ay pinagkokonek..

Bigla syang nagchat..

Sya: Hi batang father.

Nagulat ako kasi batang father na ang tawag nya sa akin.

Nung una BATA lang ang tawag nya sa akin. Ewan ko kung ano ang trip nya at iyon ang tawag nya sa akin. Nagkaroon ng father hindi dahil tatay na ako ha! Kundi dahil naikwento ko sa kanya na gusto kong magpari tsaka bagay naman daw kasi good advisor daw ako.

Para hindi sya magtampo, sinubukan kong magreply..

Ako: Hi Ms. White Chocolate

Yun naman ang tawag ko sa kanya dahil tinuruan nya akong gumawa ng white chocolate sa tulong ng bear brand powder ng ako ay boryong boryo sa bahay.

Bata lang ba talaga? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon