“Love will find you in a most fortuitous way."
----“Sandra Roxxane! Anong oras na? Sinabi ko naman sayo diba tigilan mo ng kakapuyat mo sa internet! Bumangon kana diyan first day na first day niyo late ka?”
Bakit ba ako nagkaroon ng kuya na mas maingay pa kaysa kay mama?
“Oo na ano ba?!! Wag mong hilahin yung kumot ko baba na ko. Oo na!” Nayayamot na inagaw ko ang hawak niyang kumot ko.
“Siguraduhin mo lang!” Ibinato niya sa akin ang panda pillow ko at lumabas na ng pinto.
I wonder why would I have to be stuck here with kuya? Pwede namang doon nalang ako sa Manila, I can live on my own. I hate how boring my life here kung di lang dahil sa internet matagal na kong nabaliw.
I do my morning routines and prepare myself for school. Hindi ko ma-explain ang kabang nararamdaman ko siguro dahil wala akong kaibigan dito? How can I survive? Hays. Namimiss ko lang lalo yung mga kaibigan ko sa dati kong school.
“At last bumaba kana din? Handa na ng almusal senyorita.” My ever sarcastic brother.
“ Don’t be too hard on her Dy. Hi Sandra.” Thank God at andito si Ate Margaux ang girlfriend ni kuyang malayo ang ugali sa kanya.
“Thanks ate.” I smiled at her.
We eat at peace. Pagkatapos ay tinulungan ko si kuyang mag-ayos.
“What would be your first class, Sandra?” Ate Margaux, asked.
“I don’t know ate di ko pa po nakukuha yung schedule ko. Baka orientation lang ngayon.” I answered.
“Senior High ka diba, grade 11 to be exact?”
Nangunot ang noo ko, “Yes. Bakit?” I asked.
“Nothing. I’m just wondering baka kasi ma-meet mo yung pinsan ko or maybe maging mag-classmate kayo. Accountancy and Business Management yung track niya by the way.” Kinindatan ako ni ate.
“Edi masaya yun para naman may kaibigan na ko dito sa lugar na to.” I rolled my eyes at kuya.
“Hindi yun babae, Xang.” Sabat ni kuya.
“Ano? Akala ko magkakaroon na ko ng kaibigan dito wala din pala. Alis na ko baka mahuli pa ako.” Sinukbit ko ang bag ko sa aking balikat.
“Bakit hindi ba pwedeng maging magkaibigan kayo kahit lalake siya?” Pahabol ni ate bago ako tuluyang makalabas ng bahay.
Siguro advantage na din na walking distance lang yung school namin mula sa bahay para less hassle.
Inaayos ko ang tie ng aking uniporme nang biglang may bumangga sa may likod ko. Hindi naman ganon kalakas pero na-out of balance ako mabuti nalang at nakahawak ako sa kotseng nakaparada para di ako bumagsak sa kalsada.
“Pasensya na ate, hindi ko sinasadya. Pasensya na.”
Sigaw ng lalake habang tumakbo ulit papalayo.
“Aba't pasensya ka diyan! You’re road! Aish!” Sigaw ko kahit di ko alam kung narinig niya ba ako. Isa lang ang sigurado ko taga St. Paul College din siya dahil sa suot niyang uniform. Hay naku, hayaan na nga.
BINABASA MO ANG
Fortuitous Love
Teen FictionSandra Roxanne Chavez also known as 'Xang' is a transferee student from Saint Paul College. Iniisip niyang magiging boring ang 2 years niya sa Senior High School but little did she know her life will change as she meet her new found friends and Ther...