1.

314 8 4
                                    

"Eunji! Bumili ka nga ng sibuyas sa tindahan."

"Opo." Kinuha ko yung pambili ng sibayas sa nanay ko at tsaka gumora.

Nakow! Makikita ko nanaman ang not-so-panira ng araw ko, si mr. boy pick up. Yung lalaking yun? Sagad sa buto ang kakornihan! Di ko alam kung maiinis ako o ano kasi pupunta nanaman ako sa tindahang kung saan dun lagi nakatambay yung lalaki na yun.

Kilala si Chanyeol sa lugar namin bilang mr. boy pick up at kapit bahay namin silang magpapamilya. Wala ibang alam na gawin yun kundi banatan ako ng usong-usong gawain ng mga kalalakihan ngayon, ang tinatawag nilang 'pick up lines'.

Di ko nga alam kung kikiligin ba ko o maiinis kasi nga halos lahat na ng babae sa lugar namin, binanatan na nya. Etong mga babae naman, kinikilig. Di nila alam binobola lang sila ni Chanyeol. Korni nya lang. Pero ako ang mabenta sa listahan nya ng mga pinipickup-an. Kala nya uubra sya? Ha ha.

Malapit nako sa tindahan, at tanaw na tanaw ko na si Chanyeol. Umiinom sya ng coke. Jusko Lord, ikaw na bahala at baka maupakan ko 'to. Huminga ako ng malalim bago pumunta sa tindahan. Dire-diretso lang ako at ayokong makita ang mukha nya.

"Manang, pabili nga po ng sibuyas." Nilapag ko na yung bayad at naghintay na ibigay sakin yung sibuyas, malamang. May kutob akong tinitignan lang ako nito ni Chanyeol. Syempre di ko sya titignan, kala nya gwapo sya. Tch.

"Hi Eunji. Eraser ka ba?"

Ayan na. Dumating na ang oras. Kalma ka lang Eunji, kalma ka lang. Hinarap ko sya at nginitian na halatang naaalibadbaran ako sa mga pinagsasabi nya.

"O Chanyeol, andyan ka pala. Bakit?"

"Kasi naman, di ka mabura sa isip ko." Ano ba naman ito. Tinalikuran ko nalang sya at di na pinansin. Maya-maya pumunta sya sa kabilang gilid ko at pinatong yung siko nya sa harap ko at nagsalung-baba.

"Teka! Asan ka pala kagabi?"

"Nasa bahay lang ako. Bakit nanaman?!"

"Wala ka kasi sa panaginip ko. Sayang naman." Hinarap ko sya at nginitian ng may pagka-sarcastic at tumawa lang sya. Teka anong nakakatawa?!

"Nakalunok ka ba ng kuwitis?"

"Bakit?"

Mr. Boy Pick Up (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon