MGA TUNTUNIN AT REGULASYON

15 2 1
                                    

Dahil nabasa mo ang "MAHALAGANG BAHAGI" ---

Ahoy, Mate! Maligayang pagdating sa ppangatlong pahina! Ano ba ang nilalaman ng patatlong pahina?

MGA TUNTUNIN AT REGULASYON

1. LAHAT NG MANUNULAT NA MAY LIMANG KABANATA- PATAAS AY PWEDENG-PWEDE SUMALI

- Kahit na anong estado mo pa sa buhay, kahit na ano pa ang kulay mo, basta't may lima ka nang kabanata sa akda mo, pwedeng-pwede ka sumali!

2. TAGALOG, ENGLISH, TAG-LISH

- 'Yan lang ang pwedeng language at Pinoy/Pinay lang ang pwedeng sumali.

3. KAILANGANG I-FOLLOW ANG ACCOUNT NA ITO.

-Kinakailangan upang mabanggit ko ang UN mo bawat pairings. Kapag nafollow niyo ang account na ito, huwag kayong mag alala, kayo'y ipa-follow ko din.

4. ILAGAY SA INYONG READING LIST AT LIBRARY.

-Upang updated kayo sa bawat mangyayari sa book club.

5. ACTIVE

- Dapat lamang upang maisagawa nang ayos ang inyong gawain. Kailangan din, active kayo sa activity ng book club (kung mayroon nga 😂)


6. MAGTINO AT MAKIPAGHALUBILO SA BAWAT CREW (MEMBERS)

-Dapat lamang para makagawa kayo ng friendship pati na rin ang Kapitan.

7. RESPETO

- Dapat lang. Ang bawat isa ay marunong rumespeto at hindi mangbastos.

8. 2 PARES SA BAWAT PAGPAPARES


- Ibig sabihin, isa lang ang kapartner mo sa bawat pairing ngunit depende kung dalawa o tatlo ang sinali mong akda pero magkakaiba naman ang kapartner mo.

9. DAPAT BASAHIN

- Sa task, dapat lamang basahin ay Prologue, Chapter 1, 2, 3, 4. Kapag walang prologue, simulan sa chapter 1 hanggang 5. Huwag isali ang author's note, character list, announcement. Hanggang 5 parts ang babasahin.

10. PARAAN NG PAGBIBIGAY NG KOMENTO

- Sabihin sa kapares kung ano ang nais sabihin sa maayos at mabuting paraan.

Sa unang talata, ibigay ang maganda at maayos na komento na masasabi sa iyong nabasa.

Sa pangalawa, magbigay ng payo at maaaring itama ang pagkakamali ng kapareha sa maayos na paraan. 'Wag kakalimutan ang magpaumanhin upang may respeto sa isa't isa.

11. PAHINTULOT

- Ang pahintulot na aking tinutukoy ay ang kasabihan kung nais niyo pang sumali, umayaw o huminto. Sa baba, iyon ang inyong sasabihin kapag nagtagumpay o natapos niyo ang inyong task

Ako si (palayaw) ay humihingi ng pahintulot na muling sumali/ umayaw/ huminto sa susunod na pagpapares.

Kung ikaw ay nais o tuluyan nang aalis sa barko, magpaalam at sabihin ang dahilan ng pag alis sa pamamagitan ng pagbigay ng mensahe, iPM.

Kung ikaw naman ay hihinto muna sa pagsali ay magpaalam rin sa akin at sabihin ang dahilan. Ika'y bibigyan ng dalawang linggong pahinga.

12. IPAALAM AGAD ANG PROBLEMA.

- Kung nagkaproblema sa kapares, pagpapares o username mo, ipaalam din agad.

⚓⛵

Kung hindi mo kayang gawin 'to, dumayo ka na lang sa ibang book club, Savvy?

At kung ika'y pumapayag sa mga alintuntunin at regulasyon, sumagot ng "Aye, Kapitan!" at idugtong ang quote ng barko. Asahan ko 'yan! 😂

Pirates of the Caribbean: The Book ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon