Chapter 2

12 3 0
                                    

♦♦Lea POV♦♦

"Waaahhhh"

Napasigaw ako dahil sa lalaking kaharap ko. Hindi lang kaharap, katabi ko pa.

"Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko? Bakit ka nandito?" Tanong ko na pasigaw. Nagising naman ito na mukhang hirap dumilat. "Lumayas ka rito! Layas!" Pilit ko 'tong hinahampas ng unan ko pero, hindi naman ito tinatamaan.

Kinusot-kusot niya pa ang mata niya at naghikab bago niya ako tingnan ng kakaiba. 'Yong tingin na nakakatunaw? Tapos bigla siyang nag-smirk.

"What a beautiful view!" Nakatalumbaba niyang bulalas habang nakangiting tumitingin sa'kin.

Pinukpok ko ng unan ang mukha nito pero, tumagos lang ang unan na hawak ko.

"Ahahaha! Kahit kailan hindi mo ako masasaktan, multo kaya ako! Ahaha!" Saad niya na may halong tawang nakakaloko.

"Lea! What's wrong?" Tanong ni Ava na mukhang hingal.

Nilapitan niya ako at tinitigan ng mabuti.

"Wala naman palang nangyari sayo, tapos sisigaw sigaw kapa ng malakas!" Inis na bulalas ni Ava.

Napangiwi nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Nakita ko naman ang multong lalaki na mukhang sinusuri si Ava.

"Sorry, nanaginip kasi ako ng masama?" Sagot ko. Napakamot pa ako sa ulo ko dahil hindi ako sigurado sa sinabi ko.

"Hay naku Lea, sa susunod nga wag kang sisigaw." Pagtataray nito.

Nakita ko na nilalapit ng multong lalaki ang mukha nito kay Ava kaya kumuha ako ng unan at hinagis sa mukha nila.

"Ano ba Lea! Para ka namang isip bata eh." Hindi ko namalayan na si Ava lang pala ang tinamaan ng unan. Ngumisi nalang ako at nag-sorry muli.

Pagka-alis ni Ava ay binato ko ng masamang tingin ang multong lalaki dahil kanina pa siya tawa ng tawa at humahawak pa talaga siya sa tiyan niya.

"Hoy, ikaw!" Tugon ko na nagpatigil sa tawa niya.

"Ako? Ako ba?" Pagmamaang maangan nito.

"Oo ikaw! Obvious ba? Tayo lang naman ang nandito?" Inis kung pukol sa kanya.

Yumuko lang ito na may pahikbi-hikbing pagtawa.

"Kagabi kapa eh! Ano ba talaga gusto mo?" Sigaw ko rito.

"Kung tulungan mo na kaya ako. Eh 'di sana, hindi na kita ginugulo pa." Baling niya sa'kin habang nakataas ang dalawang kilay nito.

I'm InLove with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon