CHAPTER FIFTEEN: Weirdo

605 18 1
                                    

Clerxiene
~•~

"I'm Duse Dashel..." inilahad niya ang kamay niya sakin at ngumiti.

"I'm Clerxiene Dayle." inabot ko ang kamay niya at sinuklian ang ngiti.

Naglahad din si Arys ng kamay sa kanya. "Arys Jyler De Vera..." napatingin ako kay Arys. Ngayon ko lang narinig ang buong pangalan niya. Nakakapagtaka na sinabi niya yun ng buo ngayon.

"Hey, I'm Eurydice Faye." naglahad siya ng kamay at ngumiti. Inabot yun ni Dashel at ngumiti rin siya. "Sorry about sa attitude ko kanina." dagdag pa ni Eury. Tumango nalang si Dashel sa kanya.

And lastly, itinapat ni Dash ang kamay niya kay Jairsen. Isa pang nakakapagtaka ang kanina niya pang pagiging tahimik. May problema kaya siya?

"Hey?" itinaas baba ni Dashel ang palad niya na parang nagsasabing tanggapin ni Jairsen.

"Ah... I'm J-jairsen Lim..." nakipagkamay siya kay Dash pero parang nahihiya siya or what.

"Dashel..." ngumisi siya kay Jairsen na hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitiwan ang kamay niya.

"Ehem..." nag fake cough si Arys na naka agaw ng atensyon namin. Halatang nagulat si Jairsen kaya napabitaw sa kamay ni Dash. Napairap naman sa kanya si Eury at bumulong ng 'playboy'.
Parang ang weird nila ngayon.

Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Dash. "Sasama ka ba samin pabalik ng Veirsaleiska?" tanong ko sa kanya.

"Oo." simpleng sagot niya na nakapagpangiti samin.

"Isa nalang ang kulang..." bulong ko.

Saan ko naman sisimulan hanapin ang natitirang isa? Hindi naman pwedeng umasa ako sa compass at hintayin itong tumunog.

"Fire element nalang ang kulang diba?" napatingin ako Dash. Ngumisi siya sakin. "Parang nakita ko na siya.."

~•~
Dashel


"Saan mo siya nakita?" takhang tanong sakin ni Clerxiene.

Ngumiti ako sa kanya. "Sa may abandonadong building malapit dito."

"Puntahan na natin. Baka nandun siya ngayon." tumayo si Eurydice at nagsimulang lumakad palabas.

Nagkibit balikat kami at sumunod na sa kanya. Habang naglalakad palabas ng bahay. Naririnig ko ang bulong ng mga halaman.

'May masamang nilalang!' paulit ulit nila 'yang binabanggit. Maigi kong pinakiramdaman ang paligid. May parang itim na mahika ang nakamasid.

"Huwag kayong maghiwa hiwalay." seryosong saad ko. Napatingin sila sakin na parang nagtataka. Magtatanong pa sana sila nang biglang may mga humarang samin.

Hindi sila Dark Shadows. Mga dark fairies sila. At lubhang delikadong kalaban. Lalo na't ang wangis nila ay katulad ng tao. Ang ibig sabihin lang non ay malakas nga talaga sila.

"Sino sila?" medyo pabulong na utas ni Eury.

"Dark fairies." tipid na sagot ni Clerxiene.

Hinanda ko ang sarili ko kahit alam kong wala kaming laban sa kanina. They were about to attack us nang may pumigil sa kanila.

I'm not sure kung siya ang pinuno. "I'll spare your life if you'd tell me where your mother is..."

'Drecamore! Delikado siya!' sigaw ng mga halaman.

Drecamore? Ang nag iisang diwatang lalaki. Siya ba ang naging kasintahan noon ng aking ina? Siya ang nag traydor sa lahat ng fairy at sa Veirsaleiska kapalit ng kapangyarihan. Bakit niya pa hinahanap si mama?

"Answer the damn question kid!" iritadong saad niya.

Ngumisi ako at umiling. I won't betray my mom. Dibaling mamatay ako huwag lang niya malaman ang kinaroroonan nito.

"Patayin siya!" utos nito at naglaho.
Pasugod na sa akin ang mga dark fairies nang may humarang sa harap ko.

Si Jairsen...

"Anong ginagawa mo?" usal ko. Hindi niya ko pinakinggan. Tuloy siya sa pagkontrol ng hangin sa paligid ng mga kalaban. Hindi kami naapektuhan dahil inutusan ko ang mga halaman na bigyan kami ng oxygen.

Maya maya ay isa isang naglaho ang mga diwata.

"Salamat..." utas ko ng lumingon siya sakin. Tumango siya at bahagyang ngumiti.

Hindi na namin pinansin ang nangyari. Wala namang naganap na masama. Tumuloy kami sa pagpunta sa abandonadong gusali upang mahanap ang huling diamante.

"Masyado pang maaga para maparito siya." sabi ko at lumingon sa mga kasama ko.

"Anong maaga ka dyan? 8:00 pm na kaya!" sabi ni Eury.

"Nagugutom na ko!" maktol niya.

Tinignan ko siya at halatang hindi siya sanay magutom. Ngumiti ako at tinuro ang kabilang parte ng kalsada. Sa hindi kalayuan ay may karinderya.

"Are you saying na dito tayo kakain?" maarteng aniya.

"Wala tayong choice..." sabi ko. Ito lang ang pinakamalapit na kainan.

"H'wag ka nang umangal kumain ka nalang." saway ni Jairsen sa kanya ng akmang sasagot pa siya.

Nagsimula na kaming kumain at ganon din siya. Hindi ko alam kung ako lang pero ang weirdo ng pagiging tahimik ng katabi ko.Si Arys at Jairsen. Si Clerxiene na kaharap ko ay napapatingin at ngumingiti na naging parang weirdo din para sakin. Si Eurydice naman ay panay ang irap na hindi ko alam kung para saan.

"Manang, magkano lahat?" tanong ko sa nag aasikaso ng matapos kami. Sinabi niya ang bill at agad kong binayaran.

Nine thirty nang makabalik kami sa abandonadong building. Nandon na ang lalaking inaabangan namin. May kasama siya na mga kaibigan niya. At may mga kaaway din siya ata.
Mukhang riot ulit ang madadatnan ko.

Napatingin ako kay Clerxiene nang tumunog ang hawak niyang compass.

"Nasaan sa kanila?" pinasingkit niya ang mga mata para hanapin ang kung nasaan ang lalaki ng tinutukoy ko.

"Bakit parang iba naman ang suot nilang kwintas?" bulong niya.

"Hindi niya suot ang kwintas niya." sabi ko na ipinatagtaka niya. Kunot ang noo ngunit di na nagtanong.

Medyo malayo kami sa kanila. Hindi pansin na pinagmamasdan namin sila dahil nakatago kami sa likod ng matayog ng puno.

"Mukhang mahihirapan tayo lumapit sa kanya..." pagkasabi ko non ay nag umpisa na ang gyera. Nag umpisa ng magsuntukan ang mga lalaki at maghampasan ng dos por dos. 

"Sino ba sa kanila?" tanong ni Eury.

"Yung matitirang nakatayo." im pretty sure na mananalo ulit siya sa bakbakan. Ito ang pangatlong beses na mapapanood ko siya. At ito na nga ang pangatlong beses na nakita ko siyang nakatayo pagkatapos ng gulo. Parang walang nangyari sa kanya dahil hindi manlang siya naupo para magpahinga.

Lalakad na sana siya paalis ng may humarang sa kanya ng daan. Alam kong hindi sila normal. Mga dark shadows sila. Pero bakit parang normal lang sa lalaking ito ang makakita ng parang demonyo?

He's weird. Ni hindi manlang siya tumakbo o nagulat. Normal lang siyang nakatayo na parang walang kaharap.

"Tara na." sabi ni Clerxiene.

The Powerless Immortal Princess [VKSeries #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon