KABANATA 26
hindi na virgin
"Baby, I'm sorry..." ngumiwi ako habang sinsabi iyon. Pinagmasdan ko ang mukha niya at wala akong nakitang reaksyon. Napalunok ako nang tumaas ang kilay niya at lingunin ako.
"Sorry na. Ang tagal mo kasing bumalik e." ngumuso ako.
Hindi ko na mabilang kung naka ilang sorry na ako simula ng bumalik siya dito. Pagkatapos niya akong yakapin dahil sa sobrang pag-aalala ay sinabi ko ang totoo sa kanya na hindi totoo yung tinext ko. Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at saka ako nilagpasan.
"You could've just told me na bumalik na ako." malamig niyang sabi.
"Kung iyon ba ang tinext ko, babalik ka?" tumaas ang kilay ko ng tanungin iyon. Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. Saka ako napa irap sa hangin.
"See? Hindi diba? Kaya ka nga nag walk out kasi nagalit ka sa akin at ayaw mo akong makita!" nahimigan ko ang pait sa aking boses. Bahagyang napa awang labi niya sa sinabi ko. Akmang magsasalita pa ulit siya nang tumayo na ako at nagtungo sa mga maleta.
Binuksan ko ang maleta ko at naghanap ng swimsuit. I need to calm down. I need to fucking calm down. Nang mamataan ang pulang two piece ay agad ko itong kinuha at sinara ang maleta. Nagtungo ako sa bathroom upang magpalit. Sinuot ko sa loob ang two-piece, pagkatapos ay pinatungan ko ito ng t-shirt at shorts.
"Where are you going?" sinalubong ako ni Topher pagkalabas ko ng bathroom. Lalagpasan ko na sana siya ngunit hinigit niya ang braso ko.
"Saan ka pupunta?" ulit niya sa mariing tono. Napasinghap ako nang maramdaman ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang 'yon dahilan kung bakit napatingin din siya doon. Maingat niyang inalis ang pagkakahawak sa akin at huminga ng malalim.
"I'll just take a dip." Matipid kong sagot. Dahan dahan siyang tumango at nagtungo sa may maleta. Kumunot ang noo ko nang humugot siya ng t-shirt mula doon.
"I'll go with you." tintigan ko siya na ngayon ay nagpapalit na ng damit. Umiwas ako ng tingin nang mahanap niya ang mga mata ko. Itim kasi ang damit na suot niya kanina. Pinalitan niya ng puti. Ngayon, pareho na kaming naka puti.
"Mags-swimming ka rin?" nagtataka kong tanong sa kanya. Bahagya siyang umiling at matipid na ngumiti. Giniya niya ang beywang ko papunta sa pinto ng suite bago muling magsalita.
"Babantayan lang kita." Sagot niya nang makalabas kami ng suite.
"Bakit ka nagpalit ng damit?" tanong ko nang makarating kami sa elevator.
"Just in case." Seryosong sagot niya at saka ako tinignan. Hindi na muli ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa pool sa may Mountain Wing.
Napakagat ako sa aking labi nang matagpuan ang kakaunting tao na naroroon. Quarter to eight na nang huli kong sinilip ang oras. Tamang tama, alas diyes pa naman ito magsasara. Napatingin ako kay Topher na dire-diretsong naglakad sa may deck chair at naupo. Sinundan ko siya para doon ilapag ang mga damit ko.
"You're really going to strip here?" seryoso niyang tanong sa akin. Tumaas ang kilay ko at napatingin sa paligid. Wala namang masyadong tao! At isa pa, nakakatamad pumunta ng cr. Tatanggalin ko na lang naman ang t-shirt at shorts e. Tumango ako sa kanya sabay hubad sa puting t-shirt na may tatak na Gucci.
BINABASA MO ANG
Tricked (Salazar Siblings Series #2)
RomanceColeen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give in to someone she just met. She knew what a one-night stand means, and she was confident that she wil...