Kabanata 10

12 1 0
                                    

I'm sorry

"Hmmm mukhang matagal na siguro relasyon nila sir Paul at Cara" ani ni Kaye na kanina pa namamasid.

Kumurap ako at nilingon siya. Hindi niya pala alam yung tungkol samin ni Paul. Ngumisi siya sa pinakita kong reaksyon

"Don't worry, walang forever Jaffy Dion Aleria"

Umirap na lamang ako. Whatever Jaff. Ikaw lang naman ang gumagawa ng malisya na talaga namang walang kayo fuck.

Pagkatapos namin mag grocery ni Kaye ay umalis na kami sa mall. Una namin hinatid si Kaye sa kanilang bahay dahil gutom na daw ang kaniyang mga Kapatid.

"Okay na ba yan? Feeling ko kulang yan sa mga Kapatid mo Kaye eh."

Kanina pa ako nag aalala sa tatlong delata na binili ni Kaye sa kaniyang mga Kapatid.

"Naku! Ano ka ba, Okay na to Jaff sweldo ko na sa sabado kaya Okay na to."

Sa isang taon naming pag sasama ni Kaye Kilala ko na ang kaniyang ugali. Ayaw niya yung pinipilit siya , at ang tapang niya sa mga bagay bagay. That's why I liked her.

Kinuha ko ang dalawang pack ng hotdog at binigay sa kanya .

"Oh ayan, Hindi ako mamimilit na libre yan, babayaran mo nalang ako okay na ba Kaye?"

Ngumiwi siya sa alok ko pero sa huli ay tumango naman siya . Pagkarating ko sa bahay ay binigay ko ang mga pinamili ko kay Yaya Casey. Nag pasalamat siya sakin pagkatapos nun ay umakyat nako sa kwarto.

I took a bath at pag katapos nun humiga na ako sa kama kanina ay marami na kaming kinain ni Kaye sa mall kaya hindi ko na naisipan mag dinner.

My phone beeped once. Bumaling ako sa aking telepono at tiningnan kung sino ang nag message it's Kaye.

Kaye: Tinawagan ako ni Sir Gordon hiningi niya number mo, binigay ko sabi niya importante daw para sa school.

Biglang lumakas ang pintig ng Puso oh shit. What is he doing? Ano nanaman itong pakulo? But wait, maybe sa school nga siguro ito. Rereplyan ko na sana si Kaye nang biglang tumunog ang phone ko.

Unknown number...

I know it's him. Nanginginig ang aking kamay habang sinagot ang tawag niya.

Narinig ko ang kaniyang hingal sa kabilang linya.

"Hellow." He said in a tone of husky.

Tumindig ang balahibo ko sa kaniyang boses. oh men Jaffy... boses niya palang nakaka Laglag panty na fuck!

Bumangon ako at umupo ng matuwid.

"Good evening Sir Gordon, napatawag po kayo?" I said in a formal tone.

"Sir?. Hindi na tayo sa Paaralan Jaff."

I hate you. Gusto ko siyang sigawan! So tinawagan niya lang ako para lumandi ganon? Nasan na yung Girlfriend niya! Bat ako trip neto ngayon?

"Sir, kung Wala naman tayong pag uusapan, pwede ko na ba ibaba ang telepono? Matutulog na ako"

Hindi ko maiwasan maging cold ang Turing ko sa kaniya pagkatapos kong malaman ang tungkol sa kanila ni Cara.

"Are you mad?" He said in whispered

"Ha? Ofcourse not sir"

"Jaffy... Tell me. May nagawa ba akong mali?"

"Bullshit." Malutong kong mura fuck syempre may nagawa kang mali!

"Watch your language young lady."

SeenWhere stories live. Discover now