Most Embarassing Moment

135 3 0
                                    

NOTE: Wala itong prologue dahil mas maganda po talagang walang prologue yung ibang story. Minsan po kasi sa prologue nalalaman na nung iba kung ano yung pinaka-plot ng story eh.

~~~~~

Yuri Sandoval's POV

"Leche ka! Lumayas ka na dito! Walanghiya ka! Sinasabi ko na nga ba,may babae ka! Huhuhuhu."

"Whatever! Ayan ka na naman sa mga drama mo! Hindi ka na nasanay sa akin!"

Haaaaay. Nyemas. Nag-gegyera na naman dito sa bahay. Mga Mommy at Daddy ko sila. My dad is a casanova actually.

Bakit sila nag-pakasal? Arranged marriage. Mommy ko lang talaga ang inlove na inlove kay Daddy.

I'm Yuri Sandoval nga pala. 16 years old. I'm a Fourth Year Highschool.

Kami may-ari nung school ko but hindi PA ako kilala bilang anak ng may-ari tho I'm popular bilang heartbreaker.

"Fvck you,asshole!"

*BLAG BLAG BLAG BLAG* Nag-babatuhan na sila ng mga gamit =______=

Tinakpan ko yung tenga ko para hindi ko sila marinig. Kaso ang ingay ingay talaga. Nung hindi na ako nakatiis, dali-dali akong nag-bihis tapos lumabas ng bahay.

Brr. Ang lamig sa labas... buti na lang nakapag-dala ako ng jacket. Actually 11:30 na kasi.

Dahil ayokong mag-bar ngayong gabi,pumunta na lang akong 7/11. Kumuha ako ng noodles then nilagyan ko na ng hot water. Tapos umupo ako dun sa pinaka-dulo na may katabing window.

Ilang sandali pa may pumasok na dalawang mag-syota na nag-aaway.

"You cheater! How dare you! Lalandi ka na nga lang sa harap ko pa!" sabi nung girl na umiiyak na

"Ang ayoko sa lahat yung mga babaeng over protective! Alam mo naman na casanova ako diba?! Pero nakipag-on ka pa rin sa akin! Kaya you have to accept the fact na laro lang ang meron sa ating dalawa!" Wow ha. Si kuya pa talaga ang galit. Ang lakas ng loob! Isa na yan sa mga dahilan kung bakit ako naging heartbreaker. Gusto kong makita ng mga girls na dapat hindi kami lagi ang nasasaktan. Dapat ang mga boys din.

"Fvck you!" sabi nung girl tapos umalis na agad

Kawawa naman yung girl... siguradong sobrang sakit nun sa side nya...

Pero wait... Casanova yung boy?! Ugh,naalala ko tuloy si Mommy...

Habang inuubos ko yung noodles ko... isa lang ang tumatakbo sa isip ko... yun ay ang maipag-higanti si girl... para siyang si Mommy... One-sided love.

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa ibang boys ako gumaganti at hindi kay Daddy. Well... para saan pa? Sigurado namang wala siyang magiging paki-alam. Ang tanga naman kasi ni Mommy at ayaw pang hiwalayan si Daddy... kesyo wala daw siyang ibang mamahalin kundi si Daddy... sus. True Love? Naaaaaah. Sino ba ang nag-pauso ng salitang True Love at papatayin ko?!

"Miss pwede maki-share ng table?" pag-tingin ko sa guy... what the hell?! Siya yung lalaking casanova! Well well well... its okay. Atleast siya na mismo ang lumapit sakin diba? Magagawa ko na din ang plano ko sa kanya. Better watch out Kuya casanova. I'll make sure your life will be a living hell and I'll make sure too that I'll tear your heart into pieces. Mwahahaha.

Casanova Meets HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon