Nadarama

8 0 0
                                    

Sa panahon na tayo'y nagkasama
Puso ay nakuha mo na
Di na mabago ang siyang nadarama
Na tila ikaw na ang nagpapatakbo ng buong sistema.

Titig mo na malagkit
Sa isip ko'y di na mawaglit
Mga banat mong makukulit
Sa isipan tumatakbo ng paulit ulit.

Sa ilang buwan na ating pagkakakilala
Ako sayo'y di nangangamba
Hindi malaman kung anong meron ka
At puso ko sayo'y napakapanatag sinta.

Aking pananaw na negatibo
Iyong binabago
Sa mga pananaw mo na positibo
Ito'y unti unting naglalaho.

Sa tuwing tayong dalawa'y magkasama
Kapaligiran ay di alintana
Tanging ikaw at ako lang ang siyang nakikita
At mga tao sa paligid ay nawawala.

Sa ilang araw na walang kumunikasyon
Di malaman kung anong gagawin na aksyon
Tanging ikaw lang ang nagbigay inspirasyon
Sa buhay kong di alam kung ano ang distinasyon.

PERO dumating ang araw at biglang nagbago
Pag ibig mong ipinadama, biglang naglaho
Mga pangakong isinatinig, iyong napako
At mga plano sa isat isa'y biglang gumuho

A Broken Heart with a Broken Trust (a CONFESSION of the BROKEN HEART)Where stories live. Discover now