Beginning

4 0 0
                                    

First day of school




Sobrang kinakabahan ako dahil wala akong kilala sa mga magiging classmates ko, although andun rin naman mga schoolmate ko nung highschool. Iba pa rin talaga pag college. I'm taking up Bachelor of Secondary Education Major in English. Tibay dba? Lakas ng loob kong mag English major di naman ako magaling mag English.



"Nay alis na ako." Paalam ko kay nanay at ura-uradang umalis dahil medyo malayo ang byahe ko.




Habang nasa byahe, halo halo ng mang inasal ang iniisip ko, charot. Halo halo yung nararamdaman ko. Kaba, excitement, nerbyos? At para narin akong natatae.



Nakasakay na ko papunta mismo sa University na papasukan ko.




6:45am ng makarating ako sa school. May nag announce na 7am ang flag ceremony kaya mag form na ng lines sa PSC ground.




After ng flag ceremony, may konting message lang ang Director ng Campus at nag proceed na kami sa aming respective classrooms.


Pagpasok ko ng room nakita ko yung schoolmate ko na si Melay, Melody ang real name niya. Sa section na yon, iba iba pa ang major.





"Melaaaaay! Kamusta? Dito ka pala?" Bati ko sakanya na may ngiti. Habang namimili kung saang upuan ko uupo.


"Oo dito nga. Ikaw rin pala ate shee? Dito na tayo upo. Tabi tayo." Sagot niya sakin, at tinuro ang upuan na sinabi niya. Second row kami which is malapit sa table ng prof.



Habang wala pang prof ay nag usap muna kami ni Melay tungkol sa kung anong bagay lang. Filipino pala ang kinuha niyang major. Halatang kaming dalawa lang talaga ang magkakilala. Maingay ang classroom dahil sa mga piling magkakaklase na magkakakilala na dati pa.





Dumating ang prof, introduction dito at doon. Buong first day ayun lang ang ginawa. Dagdag na yung mga di magkana mayaw na Assignments twing first day. 3 subjects lang ang mayron kami sa isang araw. Which is dalawang beses lang namin nammeet every week.




Maraming adjustments ang nangyari. Hanggang sa nagkakilanlan ang bawat isa at nag karoon na ng kanya kanyang grupo.




First year college palang pero parang mababaliw na ko sa subject naming Psychology. Andaming projects eto na nga ang ineexpect ko eh, di easy ang college. First year palang patayan na.






2 months later....





Habang vacant namin before next class ay naglilibang kami ng mga kaibigan ko, si Melay, Liez, Kelly, at Tere.



Nasa function hall lang ang buong section namin habang nag iintay sa susunod na subject.



Habang nag kkwentuhan kaming magkakaibigan nakaramdam ako ng pagtawag ng cr sakin.




"Mga bakla, iihi lang muna ko." Paalam ko sakanila at tumayo na papuntang cr. Ang layo ng nilakad ko dahil 3rd floor ang function hall at nasa tabi pa ng building ng Education ang CR.






Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa mga estudyanteng naka P.E at naglalaro ng badminton.






May isang lalake dun na nakaupo sa tricycle na nakapukaw ng pansin sakin. Maputi sya, gwapo, mukhang matangkad dahil sa haba ng binti nya, at lalong nagmukhang gwapo dahil sa tshirt niyang puti.





"Ay baka sa malayo lang gwapo yan. Makaihi nalang", bulong ko sa sarili ko at dumiretso na sa CR.





Paglabas ko ng CR ay naisipan kong dumaan kung saan may mga estudyanteng nag babadminton. Titignan ko kung sa malayo lang ba talaga gwapo. (Landi ko rin eh hanap lalake)






Nang papalapit na ko sa pwesto niya ay, nakatingin na ako sakanya habang siya ay busyng busy makipagtawanan sa mga kaklase niya.





Nang makalapit ako at napagmasdan ko na ang mukha niya.





O_________O





"Hala gwapo nga, matangkad pa. Nakaka gv yung ngiti" sabi ng utak ko nung napagmasdan ko na sya. Dali dali akong umakyat papuntang function hall.


"Mga bakla! May gwapo sa PSC!" Excited kong banggit sakanila na hinihingal pa.




"Asan?" Tanong ni Melay at agad agad dumungaw sa bintana at hinanap.





Lahat ng mga kaibigan ko, ay nakadungaw na sa bintana.



"Ayun oh, yung nakaputing tshirt! Nag babadminton." Turo ko sakanila





"Kyaaaaah ang gwapo nga!" Tili ni Liez na dumagundong sa tenga naming lima.





"Tara babain natin alamin natin pangalan." Dagdag ni Liez pagtapos niyang tumili.





"Teka teka. Ako nauna eh. Akin na yun ah? Crush ko na yun?" Pag papaalala ko. Aba first come first serve yata.





"Oo sayo na yun, aalamin lang natin pangalan para naman matuwa ka." Pag aassure nya sakin na sakin nga lang na crush yun. Which is, kinatuwa ko na agad.






Bumaba kaming tatlo ni Liez, at Melay, si Kelly at Tere ay napag isipang maiiwan nalang para may sisigaw kung sakaling andun na yung prof namin.




"Tara lumapit na tayo." Sabi ni Liez samin. Nagmamadali masyado tong babaeng to. Nakakainis.




Habang papalapit kami, napansin rin  naming may mga babaeng lumalapit don at may tinatanong dun sa lalake.





"Mukhang isa yun sa mga karibal ko ah?" Pabiro kong sabi kay Melay.





"Ang gwapo naman kasi nyan. Wag kana magtaka." Sagot niya at napansin naming nakalapit na si Liez don.





Sumunod ako agad, si Melay biglang umatras nahihiya daw sya sa gagawin namin. Pero go parin kami ni Liez.






"Kuya anong pangalan mo? Crush ka kasi nun oh?" Sabay turo ni Liez kay Melay na kinagulat neto.





"Jeiz po." Sagot sakanya nung lalake.




"Osige salamat. Uyyy Jeiz daw pangalan!" Sigaw ni Liez kay Melay na ikinatawa ko.





Tawa kami ng tawa habang pabalik sa function hall.





"Okay kalang Melay?" Tanong ko sakanya dahil nakasimangot sya.






"Mukha ba kong okay? 'tong si Liez trip ako eh"




"Hayaan mo na. Wag kana tampo, para sakin naman yun dba?" Pag lalambing ko sa kaibigan kong todo simangot.




Umayos na si Melay at inaasar asar parin siya ni Liez.




Jeiz pala pangalan niya. Ay teka?




Anong surname niya?

-
Hello! Sana madagdagan ang readers nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm inlove with him, the guy whos inlove with another girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon