Chapter 1 - COFFEE SHOP

6 0 0
                                    

Ang hirap mabuhay.

Ang hirap nang buhay.

Ang hirap nang mabuhay ng isang tulad kong...

Isang tulad kong maganda.

Pinagtitinginan na naman ako dito sa loob ng coffee shop ni Tita Cass. Bakit ba sa tuwing nandito ako, laging dumadami yung mga tao? Well, normal naman na yun. Kaso alam niyo yun, gusto mong pumunta sa isang place na open for everyone pero gusto mo ng privacy. Magulo. Magulo ang utak ng mga magagandang tulad ko.

"Same order ba, Sam?"

"Yeap! Padagdag lang nang cheese cake. Thank you."

Kilala ako nang buong crew dito kasi nga tita ko ang may-ari. May special treatment rin ako, tulad nang imbis na hintayin ko ang order ko para bitbitin ito papunta sa pwesto ko, eh may crew na maghahatid ng order ko sa table ko.

Pumunta na ako sa favorite spot ko sa second floor ng cafe. Laging naka-reserba ang table na to para saakin kasi alam rin ni Tita na ito ang spot ko.

Nilabas ko ang favorite book ko na bagong bili ko lang kanina bago ako pumunta rito. Nakipag-patayan pa ako bago ko makuha ito. Charot.

"Sam, here's your order." Nilapag nang crew yung order ko sa table ko. I just smiled at him. Di ko naman siya kilala para makipagchikahan pa ako.

Siyempre, tulad nang ibang mga millennial, social media is life din ako. I took out my phone from my bag to take a picture of my food with my new book beside it.

"Happy time is coffee time. #coffeeislife"

I am really fond of instagram kaysa sa facebook. I just love taking pictures and stuffs. Tsaka iwas jejemon dito e.

Habang kumakain ako, binabasa ko na yung librong hawak ko.

Maya-maya lang my phone beeped and notified me that it's time to go home. Isang oras lang kasi ako dito sa coffee shop. Usually after work, dito ako dumidiretso at 30 minutes to 1hr akong tumatambay dito para hindi ko maidala sa bahay yung stress ko sa work. Bago ako umuwi, nag CR muna ako to freshen up.

Bakit nandito to? Nadala ko pala ito dito? Well.

Ang weird lang dahil paglabas ko ng CR, nakita ko ang libro ko na nakapatong sa may lavatory sa labas ng CR. Hindi ko matandaan na dinala ko pala ito. Well, I guess makakalimutin na nga ako dahil sa stress. I just shrugged it off, took the book and bumalik na sa table ko para kunin ang bag ko.

"Magnanakaw ka."

Napalingon ako sa taong nagsalita sa gilid ko. A guy wearing a white polo shirt, and jeans with a laptop bag hanged in his shoulder was standing beside me and looking at me straight in the eye.

Wth? Ano daw? Magnanakaw daw ako? Ano ang ninakaw ko?

What the hell is this guy talking about?

"Excuse me? Ako? Magnanakaw? Ninakawan ba kita?"

"Oo, isauli mo yang libro ko."

Napatingin ako sa librong hawak ko. Anong sakaniya to? Eh akin to. Kakabili ko pa nga lang nito kanina.

"Ehem. I think you're mistaken, Mister. Saakin ang librong ito. Kabibili ko lang nito kanina."

"No, that book is mine."

"Baka mayroon ka rin nito, pero meron rin ako, Kuya. Baka na-misplace mo yung sayo."

The Stolen BookWhere stories live. Discover now