Chapter 2: Are you insulting me?
*****
Rhose POV
Sa sinabi ni Aya dun ako natauhan. She's right, di naman kasi natin masasabi kung hanggang kailan tayo mananatili sa mundo kaya habang mas maaga pa gawin mo na ang lahat ng gusto at nararapat mong gawin.
Pinanood ko lang sya habang papunta sya sa may gilid ng gate.
'Di na makita ang buong pader nito dahil sa mga baging na nakadikit dito mula sa ibaba hanggang sa pinakatoktok nito.
Hinawi nya ang mga baging na nagtatago sa pader sa may kanang bahagi malapit sa gate at may kung anong pinindot sya roon.
Dahan-dahan itong bumukas at namayani ang isang nakakakilabot na tunog na gawa ng bakal na gate.
Kung hindi ko lang siguro alam kung ano ang lugar na toh, siguro kanina pa ako umatras at tumakbo sa takot pagkakita pa lang sa itsura ng gate.
Makaluma ang desenyo nito. Kung titignan ay para itong haunted gate na may nakatagong haunted house sa likod.
Pero sabi nga nila 'Don't judge a book by it's cover' dahil pagbukas ng gate ay bumungad sa amin ang isang napakagandang tanawin.
Hindi ito yung klase ng magical academy na studyante agad ang makikita pagkapasok mo pa lang. O 'di kaya'y isang napakatayog at malapalasyong akademya.
Kundi itong tanawin na ito ang unang bubungad sa iyo.
Para itong harden dahil sa makukulay na halaman at nagtatayogang mga puno na makikita sa paligid.
Sa pinakagitna ay makikita mo ang isang makapal na kumpol ng mga halaman na nagmimistulang kweba.
Napalingon ako sa may gate dahil sa isa na namang nakakakilabot na tunog gawa ng pagsara nito.
"Ano? Okay ka na?" Mataray na tanong ni Aya.
"Oh, kasalanan ko sayo at tinatarayan mo ako?"
"Bakit, bawal?"
Gustong-gusto ko 'pag nagsasalita sya para kahit naman papaano ay 'di mapanis ang laway nya pero minsan talaga gustong-gusto ko nang lagyan ng zipper ang bibig nya 'pag nagsasalita na sya. Paano ba naman kasi, tahimik nga pero 'pag nagsalita naman direct to the point at pilosopo.
"Arggh..Oo okay na ako."
"Buti naman."
"Anong 'buti naman' ang pinagsasabi mo dyan?"
"Siguraduhin mo lang na 'di ka magsasalita ng mag-isa dun. Baka tawagin kang baliw. Ayaw kong madamay."
"Anon-"
I wasn't able to finish what I'm about to say because she already interrupted me.
"Tara na nga. Baka kung saan pa mapunta ang usapan na ito."
Hinila nya ako patungo sa parang kweba ng halaman.
Mga ilang hakbang lang mula sa bukana nito ay mararating mo ang parang pader na gawa sa halaman.
Humanap ako ng ibang pwedeng daanan namin ngunit kahit saan ako tumingin ay wala talagang ibang daan.
The garden outside this cave is only an illusion. Kaya kahit lumakad nang lumakad ang kung sino man sa harden na yun ay wala pa rin syang mararating. Walang ibang makikita kundi walang hanggang halaman na puro illusion lang. So that means that this is the only way.
YOU ARE READING
Adventure of the Royalties
FantasyInakala ng lahat na sila ay patay na pero ang totoo ay hindi pa. Isang araw sila ay magbabalik sa mundong kanila talagang kinabibilangan. Ano kaya ang gagawin nila? Manatili lang ba silang tahimik hanggang sa dumating ang araw na yun? O sasabihin an...