Chap 5. Chances

2.7K 39 4
                                    

TOTS

Tapos na game ng mens feu. So eto na nga. Di ko alam kung ano ba nararamdaman ko, magkahalong kaba at tuwa kasi pagkakataon ko na. Pagkakataon ko ng mas makilala sya kasi kaming dalawa lang naman magsasama for the next few hours. Hehe Kaya ko to!

"Sige na una na ko. Puntahan ko na si doy dun ah. Ingat kayo" pag papaalam ni kyle samin.

"Sige ate, pasabi sakanila congrats ah!", sagot ni Celine. Ang sweet nya magsalita hayyy.

"HOY DIANA MAE TOTS CARLOS!" humarap sakin si kyle at nanliliit mata sakin kaya naman napanganga ako.

"iuwi mo si celine ng buo ah. Walang labis walang kulang. Subukan mo gumawa ng kalokohan susugurin ka namin sa katipunan! Ingatan mo ceddy namin ah" sabi sakin ni kyle na tila ba nagbabanta.

"Yes po. Di ko po sya hahayang masaktan. Iingatan ko po sya tulad po ng gusto nyong mangyare. I'll take care of celine like no one else do. Aalagaan ko sya." Sabi ko ng nakangiti at sabay tingin kay celine. Napatingin naman sya sakin. 1, 2, 3, 4, 5, 6... 6 na segudo kami nagkatitigan. Mata sa mata. Puso sa puso? I hope so..


Celine

"Yes po. Di ko po sya hahayang masaktan. Iingatan ko po sya tulad po ng gusto nyong mangyare. I'll take care celine like no one else do. Aalagaan ko sya."

huh? Ano ba yun? Ano ba ibig sabihin nya dun? Tinignan ko sya kung seryoso ba sya. At oo, mukhang seryoso sya. Ilang segundo rin kami nag katitigan. Bakit parang umiinit mukha ko? Bakit ba kasi ganun sya magsalita? Baka she's nice lang talaga. Pero yung mata nya. Parang may gustong sabihin. Wag ka mag assume celine, nakikipagkaibigan lang sayo yung tao!

Sumakay na kami ng car ni tots. Pinag bukasan naman nya ko ng pinto. Ang gentle naman nya hayy. Pagkaupo nya, tinitigan nya ko at tumaas ang dalawa nyang kilay at ngumuso. Ilang beses nya tong inulit. Nanghihingi ba sya ng kiss?! Jusko wag puu! Masyado kang mabilis!

Nilapit nya katawan nya sa sakin. Papalapit narin ng papalapit mukha nya sa mukha ko. Yung kamay nya tatangkain na kong yakapin. Tila ba bumagal yung nasa paligid ko. Kaya naman napapikit nalang ako. Jusko! Papi ka oo, pero please lang dahan dahanin natin toh!

"Seatbelt first, for you safety." Sabi nya na may kasamang pag kindat. Di ako makagalaw. Kinuha nya yung nasa gilid ko. HAYY. KINABAHAN AKO DUN NG SOBRA SOBRA!

"Sabi ko kay kyle kanina na aalagan kita, so..." Ngumiti sya. At nakatitig lang ako sakanya

"Okay ka lang?" Tanong nya dahil nakita nyang nagulat ako sa mga pangyayari. Nakakahiya ka ceddy!

"Gusto mo ba bili muna tayo food para may nakakain ka habang nasa byahe?" tanong ni tots habang nakangiti. Bat ba ganyan sya. Lumalabas pag ka papi nya.

Habang nasa kotse, kung ano ano pinag uusapan namin. Sinusubukan ko ng maging madaldal para di rin sya antukin habang nag dadrive. Saka siempre gusto ko sya mas makilala pa. Kung ano ano ginagawa namin. Yung topic namin kung san san na napupunta. Pinapakanta ko rin sya. Kumakanta naman din sya. Masunurin..

Malapit na kami sa pinto art, at feeling ko malapit na rin kami sa isat isa. O baka feeling ko lang talaga yon. Chos!

"Alaga ka ni kyle noh?" Tanong nya bigla

"Oo eh. Wala daw kasi nag aalaga sakin charot!" Sabi ko. Napatingin naman sya sakin. Hala, bat ko nasabi yon?!

"Ako nalang mag aalaga sayo. okay lang ba sayo?" tumingin sya sakin ng nakangiti. Binelatan ko nalang sya as a response. Di ko alam kung nag bibiro sya. Pero naramdaman ko nanaman yung init sa mukha ko. Ano ba naman yan, aircon pls!

"Bakit, ayaw mo ba? bawal ba? hahaha!" Dugtong neto. Ah, sinusubukan ako neto ahhh.

"Pwede naman. Di ko lang kasi alam kung mapapanindigan mo yang hirit mong yan",sabi ko. Ewan ko bat ko nasabi yon. Bahala na!

"Yes 100%, if bibigyan mo ko ng chance." she said it in a serious way while looking at my eyes. Parang namanhid buong katawan ko. Sobrang init. Sobra akong natetense sa pinagsasabi nya. Di ko maintindihan sarili ko. Half of me ay kinikilig, and the other half ay takot. Nagbibiro lang ba sya? Seryoso ba? Di ko maintidihan.


Tots

Nandito na kami sa pinto art museum. Pero bago bumaba ng sasakyan ay inabot sakin ni celine yung phone nya.

"Picture tayo! First pic ever! hehe" pacute nya sakin. Oo na, cute ka na celine..

Tinaas ko naman kamay ko at nagtatangka ng kumuha na picture pero pagtingin ko sa screen. Nag aayos pa sya ng buhok nya. Kaya naman napabungingis ako at sabay kuha ng litrato. Ang cute nya kasi sa picture. hahaha!

"Uy, di pa ko ready eh! Kainis to!!" Sabi nya ng nakanguso pa. celine bat ka ganyaann.

"Maganda naman ah. Ganda mo nga dyan eh." Pagpapaliwanag ko ng nakangiti sakanya. Nakita ko sya namula sya. Pero biglang umirap at diretso baba na sya. Youre so fuckin cute when you smile celine. Sigurado na ko. Desidido na ko. Magpaparamdam ako sakanya. Bahala na!!

Nag iikot ikot na kami dito sa pinto art. I need to research something about art. Bat ba kasi may subject tayo na feeling major no? Maya maya nakita ko si celine. Nag sstory. Nakisingit naman ako at hinayaan nya lang. Ilang beses din ako nasama sa story nya. Tuwang tuwa kami parehas sa pinag gagawa namin. Pero nung pinanood nya ulit. Nanahimik nanaman sya. Ano ba problema neto??

"Uy may problema ba? Sabihin mo naman sakin." Pagtatanong ko.

"Wala, mood swing hehe" sagot nya pero di ako kumbinsido.


Celine

Patay na, di ko naman sinasadya na makasira ng ship eh. Ang daming nag rereply sa story ko at nagagalit. Dapat pala di nalang ako sumama.

*New message from Yhan

Hi beh, samahan mo ko kumain pls. Nag cecrave ako!

Reply: Okay beh be there later see you!

"Ahm tots, okay lang ba kung mauna na ko? Samahan ko lang bestfriend ko kumain." pagpapaalam ko

"Huh? Ihahatid na kita." sagot nya

"Di na ano ka ba. Kaya ko naman na." pagpupumilit ko. distansya celine. Mahirap na nako.

"No. I insist. Hatid kita. Kargo kita celine, di ko kaya kung may mangyare sayo. Lets go", sagot nya at bigla naman nyang hinawakan kamay ko at hinatak pabalik kung san kami nagparking.

Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko. Yung paglalakad namin feeling ko 1 oras. Pero infairness, ang lambot ng kamay nya. Kaya di ko mapigilan na humawak pabalik. Tumingin naman sya sa kamay ko, at tumingin sakin. Ngumiti nalang sya sakin. Shocks, ano ba tong nararamdaman ko!!


(๑•﹏•)

Talo piyu, pero babawi yan sa game 2! lets go tamarraw!!

The Best Unexpected (toline) Where stories live. Discover now