Prologue

683 12 2
                                    

Third year highschool ako noon. Nung mismong araw na kinasusuklaman ko.

Pauwi ako noon galing eskwela, alas tres kasi ng hapon ang awasan saamin. Kami lang ni mama ang magkasama sa bahay, nasa dubai kasi si papa. Isang beses lang kasi kung umuwi si papa sa tatlong taom niyang pagt-trabaho niya doon.

Nakatira kami ni mama sa isang maliit na paupahan dito sa bayan. Hindi naman ako ganoon nahihirapan sa buhay na meron ako, sapat lang iyon para saakin.

Tumawid ako saka dire-diretsong pumasok sa pinto. Nasa second floor ang inuupahan namin. Umakyat na ko at lumakad papunta sa panglimang pinto.

Pinihit ko ang doorknob at saka pumasok. Pero laking gulat ko ng puro basag at sira ang gamit sa sala.

May naririnig rin akong sigawan sa kwarto. Iisa lang ang kwarto dito sa bahay. Double deck naman ang kama kaya hindi ko katabi sina mama.

Inilapag ko ang backpack sa silya saka dahan dahang pumunta sa kwarto.

"Tatanglan ko ng matres ang kabit mo, dado! Tarantado ka, sana hindi na lang ako pumayag na mangibang bansa ka, kung yan lang rin naman ang ka-hayupang gagawin mo!" kumbalabog ng malakas ang dibdib ko sa sinigaw ni mama.

may kabit?... Si papa?

"P-paanong..." bulong ko.

Nakatayo lang ako sa harap ng pinto at patuloy na nakikinig sa usapan nila.

"Bahala ka na sa buhay mo, Ayoko na rito! Sawa na ko sayo!" sigaw ni papa,
Tumulo na lang ng kusa ang luha ko habang sinasabi nila lahat iyon. Nakarinig ako ng yapak at maya-maya lang ay bukas na ang pinto.

Tumingala ako at nakita ang natigilang si papa.

"Pa..." tangin na sabi ko saka tumingin kay mama na nakaupo sa kama habang nakayuko ang ulo't natatakapan ng palad ang mukha.

Napa-buntong hininga si papa saka ako nilagpasan. Lumakad lang si papa at rinig na rinig ko ang mga bubog na lalong nababasag dahil sa pag apak niya, rinig ko rin ang pabagsak na sara ng pinto.

Napayuko na lang ako.

Maraming araw ang nagdaan at naging malupit saakin si mama. Parati niyang karamay ang mga alak na tinutungga niya gabi gabi. Tatlong linggo na nga akong hindi pumapasok, nagtitinda kasi ako ng kalamansi sa palengke. Ayaw na daw kasing magtrabaho ni mama.

Madaling araw na kung umuwi si mama. Parati siyang lasing, kung minsan nga ay habang natutulog ako ay bigla na lang niyang hihilahin ang paa ko at uutusan niya akong bumili pa ng yosi o kaya bote ng alak. Minsan naman ay may maghahatid na mga lalaki kay mama.

Nung hapon'g iyon, ay babalik ako sa palengke. Ika-anim na linggo kong pagliban sa klase.

Dalawang beses akong bumabalik sa palengke. Sa umaga dahil, maraming mamimili sa ganoong oras, maraming dumadayo galing ibang baryo. Sa hapon naman ang pangalawang beses dahil, magdadagsaan uli ang mga mamimili para bumili ng pang ulam sa gabi.

Isinukbit ko na sa aking balikat ang isang maliit at itim na pouch bag. Naka t-shirt at tokong lang ako, kaninang umaga ko pa nga ito suot. Wala pa rin si mama, umaga siya umaalis dito sa bahay, kaya halos hindi na kami nagkikita kahit iisa lang ang bahay at kwartong tinutulugan namin.

Kinuha ko sa lamesa ang isang malaking bilao ng kalamansi, at lumakad palabas.

Two hundred sixty five pesos lang ang kinita ko kaninang umaga, sana naman mas mataas kita ko ngayong hapon.

Pagkarating sa palengke ay umupo na agad ako sa madalas kong pwesto sa tapat ng isang gulayan.

Nakakapagod ang ganitong pamumuhay, at higit sa lahat ay nakakasawa rin. Paulit-ulit kasi ang nmga kilos at nangyayari saakin sa isang araw. Para bang recorded lahat ito, kaya inuulit ko lang din.

Aalokin mo ng kalamansi ang bawat dumaraan, minsan dadaanan ka lang. Minsan, dedekwatin pa ang ibang tindang kalamansi. Mga batang lansangan na walang magawa.

Napabuntong hininga na lang ako. Survival of the fittest ika nga.

Sumunod ang ilang araw, linggo, buwan. Hanggang sa nag-suicide si mama. Sa kwarto mismo. Muriatic acid daw ang ininom ni mama.

Nagpunta sa lola sa libing ni mama at tinulungan ako sa lahat. Kukuhain daw ako ni lola sa maynila. Katulong siya sa isang pamilya doon,pagaaralin daw ako, pero tutulong ako ng kaunti sa paglilinis.

Tahimik lang ako buong byahe. Nakatitig sa bintana at walang kinakain miski kahit anong alok ni lola saakin.

Napaayos ako ng upo ng makita ko na ang mga nagkukumpulang mga sasakyan, nagtataasang buildings, magagandang gusali at makukulay na ilaw sa kalsada.

"Nasa EDSA na tayo! Baba na ang baba!" sigaw ng kundoktor.

EDSA? ang ganda naman dito.

Walang bumaba o nagsalita tulad ng inaasahan ng kundoktor kaya nagtuloy tuloy ang byahe hanggang sa isang terminal ng bus.

Bumaba kami ni lola, bitbit niya ang kanyang bayong habang nakasunod ako sa kanya. Nakasukbit sa aking kanang braso ang pula kong backpacm habang hila ko sa kaliwang braso ang maleta.

Nasa tapat kami ng isang tindahan ng mineral water at mga d-kutkot na pagkain.

"Ano ang gusto mo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?" tanong niya.

Napabuntong hininga ako dahil hindi ako nakakaramdam ng uhaw miski ng gutom.

Umiling ako saka inayos ang pagkakabitbit sa backpack.

"O siya, sige. Maghintay ka rito't may kakausapin lang ako roon." turo niya sa isang pwesto sa may dulo ng terminal, may pay phone doon.

Tumango na lang ako, saka siya lumakad papaalis.

Lumipas ang ilang minuto at dumating si lola na nakangiti.

"Tara na!" masigla niyang sinabi.

Lumakad kami palabas ng terminal saka si lola kumatok sa salamin ng isang itim at magarang sasakyan.

Binuksan ng kung sino sa loob ang bintana't saka ngumiti si lola.

Napakunot na lang ako ng noo.
Sino kaya ang poncio pilato na iyon?

Bumalik saakin si lola saka kinuha ang maleta ko. Inilagay niya ito sa likurang bahagi ng sasakyan.

Sinenyasan niya ako na pumasok sa back seat. Sinara ko ang pinto matapos pumasok.

Maya maya'y humina ang takbo ng sasakyan sa tapat ng malaking gate ang sasakyan. Malaki at kulay itim ang gate na may naka engraved na El Mansion De Cordova.

Dinungaw ako ni lola sa kanyang likuran at saka nginitian.

Dinaanan namin ang isang malaking fountain na dalawang anghel na kapwa nakataas ang tig kaliwang paa saka may hawak na rosas.

Tumigil ang sasakyan sa mismong pinto ng mansion. Bumaba si lola saka ako tinulungang buksan ang pinto, saka ko siya tinulungan para kuhain ang aking maleta.

Napatingala ako habang dinadama ang bawat haplos ng malamig na simoy ng panggabing hangin.

Saka ako inaya ni lola papasok sa mansion.

Unreachable (Cordova Series 1)Where stories live. Discover now