Chapter 1

63 3 0
                                    

Let's go to the beach, each Let's go get away They say, what they gonna say? Have a drink, clink, found the Bud Light....Starships were meant to fly Hands up and touch the sky Can't stop 'cause we're so high Let's do this one more time

Dali-daling pinatay ni Arianne ang cellphone niyang tumutunog. Tiningnan niya ang oras: 5AM. Papatayin niya sana ito at babalik sa pagtulog ng ng maalalang importante nga pala ang gagawin niya ngayong araw ng Sabado. Routine changing para sa kanya. First time in five years na may nakaschedule siyang gagawin on a weekend maliban sa maghapong pagtulog at pagbabasa ng romance pocketbooks.

Dali-dali siyang bumaba at uminom ng gatas at pagkatapos ay naligo na siya. Tiniis niya ang malamig na tubig. Pagkatapos ay nagbihis na siya ng kanyang bagong biling jogging suit. In less than 30 minutes, she is all set to start her new day. Excited na siyang simulan ang napulot na bucket list. Her first stop is Quezon City Circle. Magjojogging siya.

Mabilis siyang nakarating sa Quezon City Circle dahil walang traffic. She found the place very peaceful. Marami-rami na rin siyang nadatnang nagjojogging doon. Huminga siya ng malalim at sinimulan na ang maharang pagtakbo. Nakakadalawang ikot pa lang siya ay hinihingal na siya. Naupo siya sandali sa isa sa mga bleachers doon. Inilabas niya ang napulot na bucket list para ireview. Mga ilang minute na siyang nagbabasa ng maramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin. She met a pair of smiling eyes.

"Hi, I'm Tom. Is that a bucket list? It really looks familiar to me. Pwede ko bang tingnan? ", friendly niyang tanong sa akin.

Nakatulala yata ako sa kanya at hindi agad naprocess ng utak ko ang sinasabi niya kaya naiabot ko ng wala sa oras ang papel. I find his smile so distracting.

"Wow. Miss ikaw ba may gawa nito? Nakapulot kasi ako ng ganitong papel. Baka ikaw pala ang may-ari noon."

"As in parehas na parehas?" Lutang pa rin ang isip na tanong ko.

As in. Parehas na parehas," natatawang pag-uulit niya sa sinabi ko

Nagkatinginan kami at nahulog sa malalim na pag-iisip.

"Ahem. Hindi ako ang may gawa niyan ha," basag ko sa katahimikang namagitan sa amin. "Actually, napulot ko lang rin yan. Bored ako kaya ginawa ko naman ang nasa unang list. Eksakto namang Sabado."

"Hindi nga? Saang area mo napulot? Ano nga pala name mo Miss? Kanina pa tayo nag-uusap dito ni hindi ko pa rin alam ang name mo. Pwede ba akong maupo sa tabi mo?"

"Sure." Naisip ko na sana hindi masyadong eager ang pagpayag ko. "And I'm Arianne. "

"Nice meeting you Arianne." Inabot niya ang kamay ko. Nagtatakang napatingin ako doon.

"Handshake?"

Napahiya ako. Gosh, hindi na yata ako marunong ng proper etiquette. Lumilipad ang isip ko. Nakipagkamay ako sa kanya. I felt a bolt of electricity. Kaagad kong binawi ang aking kamay. Hindi naman siya naoffend. Ngumiti siya sa akin.

" It's weird you know. Nakapulot tayo ng parehas na papel. Napulot ko iyong sa akin along Ayala Avenue while waiting for a cab, just yesterday. Ikaw?"

"Sa bus stop din along Ayala Avenue. Kahapon lang din. Bakit mo naisipang gawin ang nasa list? Hindi ikaw ang tipo na mukhang nagpapaniwala sa mga bucket list. At napulot pa ha? Buti sana kung ikaw ang may gawa niyan which I doubt if you will ever make one."

"Ang dami mo na agad nasabi Miss ha. Para bang kilalang-kilala mo na ako," tumatawang komento nito.

Medyo napahiya naman ako sa sarili ko. May tendency talaga akong magbabble minsan. Itinikom ko ang aking bibig.

"Since para tayong pinagtagpo ng tadhana, why don't we do the list together?"

"Nagbibiro ka ba?" I looked at him and saw that he is dead serious.

"We could try. Tingnan mo. Ang nasa second list is to visit three new churches. Its not that dangerous. Simbahan naman ang pupuntahan natin. Di ba mas masaya kung may partner in fun ka naman? Sige na, gusto ko rin kasing tapusin ang list at alam kong kakantiyawan ako ng kabarkada ko kapag sila ang niyaya ko dito."

"Alam mo for a guy, makulit ka din."

"So papayag ka na? Promise hindi ako masamang tao. I'll show you my ID, my NBI Clearance, Police Clerance. "

"Tumigil ka nga. Kung magbibigay ka ng mga documents na iyan. Magbibigay din ako."

"Meaning, payag ka na?"

"Browse muna natin ulit ang list. "

Sabay nilang binasa ang napulot na mysterious bucket list.

Live your life to the fullest. Do something new today. Try this bucket list.

1. Jog at the Quezon City Circle on a Saturday, 6 to 7 in the morning.

2. Visit three new churches in one Sunday.

3. Take a stroll at the historic Luneta Park.

4. Sing a song in a videoke machine.

5. See a local romantic comedy movie on a first day showing.

6. Join a community service.

7. Watch a live concert.

Important reminder: Do this bucket list one day a time.

And in that particular order.

Seize the day. Good Luck.

"Medyo detailed talaga ang pagkakagawa niya ng list no? Tingnan mo ang nasa number 1, may oras pa. Tapos dapat sundin pa ang pagkakasunod," komento agad nito.

"Oo nga. Pero ordinary lang ang mga nakalagay. Pero ewan ko ba, ang tagal ko na dito sa Manila pero surprisingly hindi ko pa nga nagagawa ang mga iyan."

"So, is it a deal? Tatapusin natin ng sabay ang nasa list?"

First time niyang gagawin ito and for once in her life she really wants to. She wants to experience fun and adventure. Baka nga ito na ang kailangan niyang gawin para naman maging exciting ang buhay niya.

"Yes."

The Bucket ListWhere stories live. Discover now