Family

3 0 0
                                    

Hi, I'm Shanaia Dela Cruz. Galing ako sa isang wealthy family, lahat ng bagay nakukuha ko. Syempre, dahil yan sa mga magulang ko. Matatawag ko nang isang perfect family ang meron ako, kahit busy kaming lahat may oras pa rin kami para magbonding. Si Mommy ay may ari ng business na ang tawag ay Elysian Bakeshop, samantalang si Daddy naman ay namamahala sa isang company. Tapos yung dalawa kong kapatid ay nasa college na, ako naman ay Senior High School under Accountancy, Business and Management. 

Maayos lahat, masaya kami, nagkakatampuhan pero nagagawan naman ng paraan. Ang saya lang tignan, hanggang sa isang araw nalaman namin na may kabit si Daddy. Gumuho ang mundo ko, lalo na si Mommy. Hindi nya alam kung anong gagawin nya, akala ko pipiliin kami ni Daddy ayun pala mas pinili nyang sumama ka kabit nya. Halos lahat ng ari arian napunta sakanya, nalugi na ang business ni Mommy. Ang perfect kong buhay, nawala na. Ngayon ay nangungupahan na lang kami. Nagpupursigi si Mommy na pag aralin kami, para makapagtapos kaming lahat. Ako naman, naiinggit ako sa mga classmates ko. Kasi sila nakakagawa sila ng mga assignments nila online nang hindi gumagastos. 

Nagpupursigi din akong mag aral at mag ipon, makalipas ang ilang buwan nakabili na ako ng sarili kong gadget at nakapagpalagay na kami ng wifi namin. Hindi mangyayari yun kung hindi kami magtutulungan, kaya ayun nakakagawa na ko ng assignments ko nang hindi gumagastos at umaalis. Nakakapasok na ko ng Top 10 sa klase namin, onti onting gumiginhawa ang buhay namin. Kahit iniwan kami ni Daddy, proud pa rin ako sa Mommy ko na nagpakatatag para sa amin. Kahit papaano, perfect family pa rin ang maituturing ko samin. Masaya ako dahil nalagpasan namin ang pagsubok na binigay sa amin, masaya ako dahil walang sumuko sa amin. Masaya ako kasi mahal na mahal ko ang pamilya ko

Story by: Maricris Tarrobago

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

E PortfolioWhere stories live. Discover now