"Ma'am Aya! Dito po!"
Napalingon ako sa isang lalakeng hawak hawak ang isang karatulang naglalaman ng aking pangalan. Iniwas ko ang aking tingin at dumiretsyo sa labas ng NAIA Terminal 2.
"Ma'am!" Napatalon ako sa paghawak niya sa aking balikat.
"I'm not Aya!" Agad kong sambit.
Ipinakita niya ang litrato ko at agad kong tinabig ang kamay niya saka ako tumakbo.
"Ma'am! Teka lang po!" Rinig kong sigaw niya.
Takbo lang ako ng takbo kahit napakainit dito sa lecheng Pilipinas.
Nakakita ako ng jeep at agad akong sumakay dito.
Iikot naman siguro ito sa buong Maynila diba? Ganoon naman sa London.
Makikita ko naman siguro ang tutuluyan ko.
Hindi ko namalayang sa sobrang pagod ko ay nakaidlip na pala ako.
"Ano baaa" Tugon ko sa sumusundot ng pisngi ko.
*Bloop*
"5 minutes pa"
*Bloop*
"ANO BA! SABING-AHHHHH!!!!!! SINO KA?!" Galit kong sambit.
"Miss, tapos na ang biyahe ko at hindi ka pa rin bumababa. Hindi pwedeng 5 minutes pa." Sabi ng isang matangkad na lalake na may supladong mukha.
Napalingon ako sa paligid ko. Sht! Oo nga pala nasa Pilipinas na ako.
"Nasa condo ko na ba tayo?" Tinignan niya lang ako ng nagtatakang mukha.
"Tinatanong kita kung nasa condo ko na ba tayo!" Napasigaw na ako dahil nakakairita ang pagtitig ng mga mapupungay niyang mata.
"Ah..H-Hindi ko alam kung saan a-ang condo m-mo. Jeep ang sinakyan m-mo hindi taxi."
Napatingin ako ng masama sakanya. "Umuwi ka na miss. Tapos na akong mamasada."
Kinuha niya ang gamit niya at saka dire-diretsyong pumasok sa bahay kung saan nakaparada ang jeep.
Napatingin uli ako sa paligid ko. What the heck. Nasaan ako?
*Krrrrr*
Napahawak ako sa tiyan ko.
HIS POV
*knock knock*
Ah! mukhang si tatay na 'to. Sakto at malapit nang maluto ang paborito niyang sinigang.
"Teka lang po!" Sigaw ko. Nagpunas muna ako ng kamay bago tumungo sa pinto.
Pagkabukas ko ng pinto. "Tay hiniram ko nga pala 'yong Jeep ni-Ahh! A-anong g-ginagawa mo d-dito?" Utal utal kong sambit sa babaeng sumakay ng Jeep na pinasada ko kanina.
Napatingin siya sa likuran ko at parang asong nag-aamoy ng makakain. Tinuro niya ang niluluto ko.
"I'm Hungry" Simpleng sagot niya at dire-diretsyong pumasok sa bahay namin.
"T-teka! Sino ka ba? At hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, anong ginagawa mo dito?"
Nakaupo siya sa bilog na lamesang madalas kong pinagkakainan.
"NAGUGUTOM NA AKO!" Galit niyang sambit.
Napa-buntong hininga na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagluluto.
Habang hinahalo ko ang sinigang napasulyap ako sakanya. Napatingin ako sa mga bagahe niya at binasa ang nakapaskil sa gilid nito.
"Aya Hermosa...London.." Pabulong kong pagbasa.
Bumalik ang tingin ko sa kanya at napatalon ako nang makitang nakatingin din pala siya sa akin.
"WHAT THE HELL ARE YOU LOOKING AT"
Ibinalik ko ang tingin ko sa niluluto ko. "Hindi mo pa sinasagot ang mga tanong ko."
Iniwanan ko ng ulam si Tatay at saka dinala ang lutong sinigang sa mesa. Kasama na rin ng kanin at tubig.
Umupo ako sa harap niya at hinainan hetong si Aya ng pagkain. "Aya ba ang--" Bago pa ako makapagsalita ay dali-dali niyang kinain ang pagkaing hinain ko.
Grabe! Kakaiba! Masarap ba masyado ang luto ko o isang linggo lang talaga siyang hindi kumain?
"Gusto ko pa"
"Haaaaa? Eh nakalahati mo na ang kaldero--" Sinamaan niya ako ng tingin. "S-sabi ko nga"
Tahimik lang ako habang kumakain kami. Tama bang papasukin ko ang babaeng ito? Paano kung serial killer pala to?
"Haaaaaaay! Nabusog ako." Napatingin siya sa akin. "Hoy lalake. Saan ang kwarto mo?"
"Seven ang pangalan ko. Diyan sa pintuang 'yan"
T-TEKA?
"Anong gagawin mo sa kwarto ko?"
"Tanga ka ba? Ano bang ginagawa sa kwarto?" Namula ako at napayuko. "M-Marami"
Inangat ko ang ulo ko at naabutang nakakunot ang kanyang noo at masamang nakatingin sa akin.
"Manyak"
Dire-diretsyo siyang pumasok sa kwarto ko.
"Aya Hermosa. Dito muna ako matutulog."