ASA

1.4K 46 25
                                    

////

Hi  :)) I'm Happy, yeah that's my name! at dahil sa Happy ang name ko , pinaka-masayahin, palatawa, at pinaka-maingay sa grupo namin, Isa pa sa 'pinaka' sa akin ay, yung ako ang pinaka-maVOCA , yung tipong sasabihin lahat ng kung anong mapuna, panget man o maganda, maVoca din ako pagdating sa mga nararamdaman ko, lalo na sa crush ko. Palagi ko kasing sinasabi sa crush ko na gusto ko sya, yun nga lang palagi kong nakukuhang sagot? "WALA" at "ASA".

Magkakasama kaming dito sa tambayan. Syepre kasama si crush. Eh ano pa nga ba ang gagawin ko?

"Hoy! Harvey , ikaw ilang beses ko ng nasabing gusto kita pero parang wala lang sayo? ' sabi ko habang patawa-tawa lang ako.

"Tss"

"Ano ba dapat kong gawin para magustuhan mo din ako? sige nga sabihin mo nga"

"WALA, ASA naman"

"Wooo! basted ka na naman Happy! Ayos lang yan! hahahaa" nag tawanan naman ang mga kasama namin.

"Hahaha , Alam ko na yun nuh!! haha paulit-ulit ko bang sabihin sa kanyang crush ko sya at  paulit-ulit din nyang sabihing 'ASA' diba?! hahaha"

Nagtawanan na lang kami, Naku! tatawa tawa lang ako pero ang puso ko? Basag na! di nga lang basag eh, durog na! sa paulit ulit na sakit dahil sa kanya. Pero eto naman si ako tatanga tanga. Paulit ulit umaasa kahit walang pag-asa. Eh gusto ko talaga sya eh.

'Magugustuhan mo din ako!' yan lang palagi ang sinasabi ko sa sarili ko tuwing sinasabihan  nya ak ng Asa.

////

"Happy parang hindi ka 'happy' ngayon?  may sakit ka ba?" tanong nila sakin.

"uh? wala, ewan ko ba bigla na lang akong nawala sa mood eh"

"huy! wag kang ganyan hindi kami sanay! cheer up!"

Pero kahit anong pilit nila sa akin wala parin. Parang kakaiba kasi yung pakiramdam ko.

"HAPPY!!!!!"

Lahat naman kami napatingin kay Charmaine, na sobrang lakas kung makatawag sa pangalan ko.

"Oh?bakit?' matamlay kong tanong.

"hinahanap ka ni ano!! may sasabihin sayo!"

"Nino? eh, pakisabi wala ako sa mood ngayon next time na lang sabihin mo" wala talaga akong gana.

"HANUKABEE!!! tawag ka ni HARVEY mo!! dali!!"

Nang narinig ko naman yung 'Harvey' na yan, bigla naman akong napatayo.

"Huh?saan daw? ngayon na ba? tsk! ikaw naman kasi hindi mo sinasabi agad eeh!" bigla naman akong nataranta.

"hahaha kanina lang para kang lantang gulay narinig mo lang pangalan ni "harvey" umariba ka na naman!"

"Eh saan ba sya?dali pupuntahan ko na sya, baka magbago pa isip nun...oh my wait for me may harvey!!! eeeyy" at kinilig kilig pa talaga ako.

Sobrang taas ng energy ko. May pa hop-hop pa akong nalalaman at todo ngiti pa. Eeey!! tawag daw kasi ako ni Harvey eh!! minsan lang mangyaring tawagin nya ako.. Ako na! ako na talaga ang HAPPY!!

Nang di kalayuan, nakita ko na sya, pero kausap si Camille, at nakangiti sila parehas at masaya. Para namana biglang kumirot yung puso ko. Ang sakit eh! Puch* naman oh! Eto ba yun? kaya nya  ako pinatawag para ipakita na masaya sya sa iba? at para matigil na ang pag-iilusyon ko sa kanya? Alam ko ang O.A ko na! pero naman!.

Inantay ko munang makaalis si Camille bago ako lumapit. Feeling ko sasabog ako. Naiiyak ako. Gusto kong sabihin nasasaktan na ako.

Lumapit ako sa kanya.

"Bakit mo ko pinapunta dito? Ano? para ipamukha na 'wala' talaga akong pag-ASA sayo?? Harvey naman!! ano ba kasi dapat kong gawin para magustuhan mo ako??"

Wala na akong pake kung magmukha akong ewan o nagmamaka-awa sa kanya. Ewan ko ba sa katangahan ko. Bwiset kasi bakit sya pa eh.!

"Happy, wala"

"WALA? ayan na naman yang si wala eh, tapos ano? si Asa? sabagay Asa naman kasing magustuhan mo din ang isang katulad ko?" 

hindi ko na napigilan yung mga papansin kong luha.

"Hindi mo ko naiintindihan Happy"

"oo hindi talaga kita maintindihan..."

"Wala ka naman dapat gawing para magustuhan kita."

"Paulit-ulit? unli? pasensya na , naiintindihan ko na pala ngayon, ahaii tanga lang kasi ako eh."

"Hindi nga eh"

"Oo na nga eh"

"MAHAL KITA Happy,

kaya WALA ka ng dapat gawin para magustuhan kita, dahil

ASA-puso na kita matagal na"

///////

an: Sensya naman , hahaha wala lang kasi akong magawa sa buhay at naisip ko to. Yung kapatid ko kasi pinasahan ako ng mga banat nya...

comment and vote? hahaha kung gusto nyo lang naman eh :))

ASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon