Sorry

8 0 0
                                    

Carl's Pov

Nagguilty ako sa ginawa ko kay Angel. Tama nga ako, Ibang klase siyang babae. Ngayon at hindi ko na siya nakakasama naging malungkot din ako para sa sarili ko.

@Classroom

Naririnig ko sa mga Classmate ko ang mga bulungan nila. May bago daw na students dito. Sino naman kaya yun?

Natahimik sila sa pagbubulungan ng may pumasok na 2 estudyante sa classroom namin.

Tumibok ang puso. Nabalot ang mukha ko ng gulat at pagkalungkot.

"CAAAAAARL!" Sh*t ang aga aga suntok agad ang naabot ko. Binawian ko din ito ng suntok.

"Ano bang problema mo?! Sino ka ba ha?!" Ang yabang nito ah? Di porket gwapo siya at may kasamang maganda Ganyan na siya. Tekaaa, Ganyan din ako dati ah. -_____-

"Ako? Ako ba talaga ang may problema dito?! Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo ha!

Bakit mo nakayang saktan si Angel?!" Si Angel? Kilala niya si Angel? Napatingin ako sa Id nung lalaki at. WTH?! Si Zurel pala toh.

"Zurel tumayo ka na diyan. Tama na yan. Nagsasayang kalang ng oras sa halimaw na yan. " Tinayo niya si Zurel sa pagkakaibabaw sa akin. Hindi ako nagkakamali si Angel ito ah. Ayan na ba ang sinabi niya na pagbabalik?

Natapos na ang 2 Subjects namin at nag Breaktime na.

Sinundan ko si Angel ng patago.

"Ano kaya iniinom niya na gamot?" Bulong ko sa sarili ko.

Sinubukan ko siyang lapitan kaso biglang dumating si Zurel na parang nilalayo sa akin si Angel..

Hindi ako pumasok ng Ilang araw at napagtanto ko sa sarili ko na mali ang ginawa ko. Maling Mali. Inaamin ko din na natamaan na ako kay Angelica.

Iisa lang ang nasa isip ko ngayon. Kung paano ako hihingi ng Sorry kay Angelica. Hindi ko naman iniisip kung mapatawad niya ako agad agad.

gusto ko lang malaman niya na This time I'm really serious.

Mr. Playboy ✌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon