1

41 2 3
                                    

Rpw, madami ditong ganap sa roleplay world.

You can fake your identity, your age, your name, or even your sexuality.

Ganon sa rpw.

Masaya sa rpw, swerte mo kung merong kang kaibigan.

Malas mo naman kapag nahulog ka.

Once na mahulog ka, talo ka.

(This story is inspired by Xiuminology's I love you, but it's rpw)

---

Zhany's POV

Grabe, sobrang proud ko sa sarili ko na nakatapos ako ng 7 na episodes. Syempre bakasyon na kdrama uli! Namiss ko to no, yung wala kang aabalahin na assignments and stuff--

"Zhany!!!" Napatayo naman ako sa sigaw ng mama ko. Ano nanaman nagawa ko...

Agad ako bumaba, at nakita ko si mama na nakatutok sa laptop.

"Bakit wala pang episode 8 yung while you were sleeping, bakit ganon?" Pfft-- kala ko kung anong problema ni mama..

"Ewan ko ma. Di naman ako director niy--"

"K."

Wow...

"Ma, puntahan ko lang si Melody." Yung kapitbahay friend ko yun. Sobrang close kami. You know, childhood friend.

"Sige bumalik ka mga 10 na ng gabi ah?"

Pfft. Oa ma.

Umalis na ko at pinuntahan si Melody. Si Melody yung friend ko na kasama ko sa lahat. Kaklase ko siya sa school, magkasama kami mag work shop sa sayaw, kasama rin kami sa rp.

Nga pala, Lee Sungkyung rp ako. Si Melody naman is Kathyn Bernardo rp. Oh diba? Goals kami. Hahaha, magkasama rin kami sa group. Fsg dati, pero naging tropa nalang kasi madaming umalis. Trap Queens yung pangalan ng fsg namin noon. And may Trap Kings din, which is nandon yung mga boys. Kami ni Melody member search ng group na yon. Kaso ayun nga, nawala na yun kaya naging tropa nalang kami don.

Nakita ko si Melody, nakahilata habang nagpophone. Tignan mo tong babaeng to. I bet, kachat niya yung ka-rs niya. Rp to rp lang sila. Babae yung op non, bilib ako kay Melody kasi okay lang sa kanya na babae yung op non. Wala siyang pake basta ginagawa niya yung work niya as a roleplayer.

"Hoy bruha!"

"Ay, puta." Hahahaha, nagulat si ulol e.

"Anong oras ka nanaman nakatulog niyan ah?"

"Syempre... 4! HAHAHAHA!"

"Hay nako ka. Naadik ka na dyan. Sabi ko na dat hindi na kita tinuruan mag rp eh."

"Che!! Ikaw nga nbsb sa rpw eh! Hahahaha!"

Hay, kung alam niya lang. Jusko, kaya ko nag rrp para ma-attract mga readers, di para lumandi.

Tyaka kakagaling ko lang sa matinding break up no. First crush, first love, first heartache. Nag rp rin ako para libangin ko sarili ko.

"Uy, Zhan! Hanap tayo ng bagong pips para sa tropang Charan!"

Humiga ako sa tabi ni Melody, na busy kachat yung ka-rs niya..

Nagpost ako sa wcc ng,

Hi! This is 숭귱! Magdadagdag lang kami ng tropa para sa tropang Charan. Leave a comment if you're interested.

It's started in a RP WORLD Where stories live. Discover now