"Happy 3rd Anniversary Oxygen ko!", hiyaw ko habang hinahaplos ang tarpaulin na may imprenta ng mukha ng mahal ko na nakadikit sa headboard ng aking kama.
Yes, anniversary namin ngayon ni Oxygen ko. Tatlong taon ko na siyang minahal. Tatlong taon ko na rin siyang gusto.
Oo na crush ko lang siya at best friend niya lang ako pero balang araw, magiging jowa niya na 'ko. Itaga niyo yan sa bato.
Oxygen talaga ang pangalan niya. Oxygen Isaac Ramirez. Crush ko siya simula Grade 7. Ang tagal rin nun noh. Hanggang sa naging bestfriend ko siya since last year. Sabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Kaya determinado pa rin ako na hindi ko siya susukuan hanggang kamatayan haha.
Maaga akong gumising ngayon kahit inaapoy pa ako ng lagnat. May paghahandaan kasi ako para sa Mr & Ms Nutrition 2017. Don't expect me mga prenz, like duhh!! Hindi kaya ako kagandahan. Si Oxy kasi ang susuportahan ko sa pageant na yun. May representative sa bawat section na Mr and Ms Nutrition. Pero nasa ibang section si Oxy. But hindi pa rin ako nito mapipigilan sa pagsupport sa kanya mamaya kahit na ikagalit pa yun ng president ng room namin. Eh hindi naman mananalo yung representative namin for sure yun.
"Morning Ma! Gusto mo pagtimplahan kita ng kape ?", hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Dali-dali akong pumunta sa kusina at itinimpla ang paborito niyang kape.
"Ano na naman ba ang kailangan mo? Teka, may lagnat ka pa diba? Naku wag ka na lang muna pumasok. Aba'y alas kwatro pa lang,gising ka na. Dapat nagpapahinga ka lang para gumaling-galing na 'yang sakit mo."
"Wala na akong lagnat Ma kaya okay lang ako tsaka may kailangan lang po akong bilhin. Mga school supplies lang naman po. Please",pakiusap ko pero totoo naman talaga na school supplies ang bibilhin ko, para sa cheer ko nga lang kay Oxy hehe.
Walang pag-aalinlangan na nilabas ni Inang madir ang wallet niya na color baby pink with unicorn design(regalo ko 'to dati nung birthday niya) at inabutan ako ng pera. Hayss thanks Papa God, may ilang oras pa akong kailangang ikasya para matapos ang mga pangcheer ko.
Kanina pa ako pinagpapawisan sa mga dinidikit ko kaya pinunasan ko ang noo ko. Mainit pa rin. May lagnat pa rin. Bukas na lang ako magpapahinga. Friday naman ngayon kaya oks na yun.
♡♡♡♡♡♡
Bago bumukas ang welding shop ng kapitbahay namin na sobrang ingay na daig pa ang tilaok ng manok kung magpagising sa ibang kapitbahay, ay nilisan ko agad ang aming tahanan.
Pagpasok ko sa Xefiall Academy, sinita agad ako ng guard. Hindi ko raw suot ang ID. Agad ko namang hinanap sa Hello Kitty designed bag ko.
Wait nga lang. Saan ko na nga ba nalagay ang ID na yun?......
Parang sa bulsa ko lang nilagay eh....
Hala nasaan ka na ?!
Palagi na akong nawawalan ng ID at ayoko na palitan pa yung ID na yun dahil panglima ko na atang palit yun....Parang... may kumakalabit sakin. Si Manong Guard talaga, hindi makapaghintay.
"Sandali lang po manong. 'Wag niyo naman po ako pamadaliin. Maaga pa naman eh"
Pero kalabit pa rin siya ng kalabit. Hinarap ko na lang ang kanina pa kalabit ng kalabit.
Nawala ang kunot ng noo ko ng iabot sakin ang kanina ko pang hinahanap na bagay. Magpapasalamat na sana ako sa kanya....
"Nakita ko yan malapit sa Bookshop. Naxel right? ". Mukhang outsider siya,nakapantalon at white t-shirt kasi . At sa tingin ko isa o dalawang taon ang tanda niya sakin. In fairness ang cute niya. Kanina dumaan muna ako sa Bookshop para bumili ng ilang pentel pen kaya siguro dun ko nahulog ang ID.
"Nakita mo naman siguro ang info ko dyan,diba? Malamang ako si Naxel dahil nandyan ang mukha ko oh!",iritable kong pinakita sa kanya ang picture ko na nasa ID. Hay naku! Sinira niya na agad ang araw ko. Maiwan na nga 'to baka nagsisimula na ang klase dahil naubos ang oras ko sa kakahanap sa sira-sirang ID na yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/146843544-288-k63026.jpg)
YOU ARE READING
My Kind Of Oxygen
JugendliteraturOxygen, minsan ang ini-inhale natin, pero minsan crush ni Nax. For Naxel, being the best friend of her crush is one of her dreams. And it happened sa isang nakaka-awkward na pangyayari. Sa pagsimula ng pagkakaibigan nila, nag-umpisa na rin ang mga...