LARO TAYO #67

24 3 1
                                    

Laro tayo tagu taguan wala sa likod wala sa harap pagkabilang mong tatlo at mag tatago na ako. Isa,dalawa,tatlo,
Teka mag tatago pa ba ako? nung nasa harapan mo na ako di mo na ako makita? Pano pa kaya kung mag tago pa ako, ayyyy pano mo pala ako makikita kung iba naman yung
hinhanap mo.

Laro tayo tumbang preso akio yung lata at ikaw yung tsinelas na naging sanhi ng pagtumba ko....

Laro tayo batong bata ako yung bola na ini iwas iwasan mo......

Laro tayo taya tayaan ako ang taya at hahabulin kita habang hinahabol mo sya......

Laro tayo patintero ako ulit ang taya ,pero anong ginawa mo? Nilampasan mo lang ako.....

Laro tayo bato bato piks dahil sa laro nato hindi pwedeng magkaparehas na bato, papel, at gunting,. Pero ano ikaw yung nanalo dahil ako yung gunting at ikaw yung maliit na bato.....

Na realize ko na kahit isang laro wala akong panalo. Kaya mag papaalam na ako sa larong pang bata na to ayako na...

Uwian na hindi na masaya....

LARO TAYOWhere stories live. Discover now