*01*

663 9 0
                                    

Jackie's POV

Ako nga pala si Jackie Mae Reyes. Pero Jackie lang ang tawag nila sakin. Well except sa Bestfriend ko kasi ang tawag nya sakin JaMie, ewan ko kung bakit. Im 18 years old. Si Ivan Jay Luckerson, sya ang bestfriend ko since bata palang kami. Mas matanda sya sakin ng isang taon lang naman. Yung mga mommy kasi namin magbebestfriend din so ayun nakilala namin ang isat isa. Nung una ayaw ko sakanya kasi lalaki sya at suplado pa pero nung nagtagal nakilala ko ang totoong ugali nya. Mabait sya, he's so caring, matalino, gwapo. Kumbaga sya yung Prince Charming na hinahanap ko kaya nga nainlove ako sakanya eh. Oo inlove ako sa bestfriend ko. Pero ... alam ko naman na bestfriend lang tingin nya sakin. Sa pagkakaalam ko may girlfriend na nga yun eh. Minsan nga iniisip ko na magtapat sa kanya pero nauunahan ako ng takot na baka mawala sya sakin. Na baka iiwasan nya ko at hindi na kami magiging bestfriend kaya tinatago ko nalang yung nararamdaman ko.

And enough of that ...Summer ngayon alam nyo bah !!

*KRINNNNGGGGG* - tunog yan ng phone ko. May nagtext at pag tingin ko kung sino ..

From: Bestfriend Ivan

Jamie gala tayo. Namiss na kasi kita. Tagal nating di nagkikita ah

Kyaaaaaaah ! Namiss nya daw ako. Buti naman, palagi nalang kasi yung girlfriend nya.

To: Bestfriend Ivan

Sige bah. Pero sunduin mo ko sa bahay namin.

-reply ko sa kanya

From: Bestfriend Ivan

Tss.Sige na nga napakademanding mo. haha

Pagkabasa ko sa text nya agad akong naligo tapos nagbihis. Nag aayos ako sa buhok ko nung may biglang kumatok

"Nak, nandyan na si Ivan sa baba"- mommy ko yan

"Mommy pakisabi nandyan na saglit nalang"- sabi ko kay mama

Pagbaba ko nandun na sya sa sala at nakikipagkwentuhan sa kapatid kong si Jess na 8 years old pa.

"Anong pinag-uusapan nyo dyan"- ako habang naglalakad papunta sa kanila.

"Wala ka na dun ate. Bye Kuya"- si Jess sabay takbo papunta sa kwarto nya

"Lets go"- sabi ko sakanya

"Tara"- ngumiti sa sakin

Sabi nya sa mall nalang daw kami pupunta. Sa kotse tahimik lang, walang umiimik kaya naman

"Himala ah, wala kayong date ng girlfriend mo?"- tanong ko

Ngumiti lang sya sakin at sinabing -"wala"

Pagkatapos nun tahimik na ulit kami. Sabagay hindi naman to masyadong nagsasalita, sa akin lang naman to madaldal eh at pati narin pala sa family nya at sa family ko at yung mga close friends nya.

---

Nandito na kami sa mall at kumakain ng ice cream chocolate flavor.

"Kailan nga yung first anniv. nyo ng gf mo?"- tanong ko

"Ngayon"-sabi nya

Ngayon ?? eh bakit kasama nya ako ??

"Kaya nga kasama kita ngayon eh kasi...."-dagdag na sabi nya

"Ano?"- tanong ko

"Tulungan mo naman akong magluto ng adobo. Favorite nya kasi yun"- sabi nya sakin

Ah kaya pala nagpasama sya sakin dahil..dahil gusto nyang matutong magluto ng adobo para sa girlfriend nya. Hay buhay bat ganito ang nararamdaman ko. Bakit sakanya pa kasi ako nahulog eh.

"Sige bah"- sagot ko

"Talaga! Salamat! I love you na talaga bestfriend"-sabi nya

Kung alam mo lang mahal din kita. Mahal na mahal kita higit pa sa pagiging bestfriend.

"Sus bola"- sabi ko

Ayun bumili kami ng mga ingridients sa pagluto ng adobo. Gabi nya daw kasi isusurprise yung gf nya eh. Bumili na rin kami ng mga chips at drinks kung sakaling magutom ako sa kakaturo sa kanya. One time kasi nung tinuruan ko syang magluto soup antagal bago ako nakakain kaya para hindi ako magutom bibili na ko ng foods.

Pag uwi namin hinanda ko na ang mga gagamitin namin sa pagluluto habang sya naman ay nasa sala at nanunuod ng tv.

"Ui. Halika na dito"- tawag ko kay Ivan.

"Ok. So ano na ??"- tanong nya sakin

Kaya ayun tinuruan ko sya ng mga ganito, ganyan, hiwa doon, hiwa dyan at kung ano-ano pa.Nasugatan nga sya sa kutsilyo eh. Pano ba naman kasi mali yung pagkahawak nya ng kutsilyo. Grabe ang effort nya sa girlfriend nya. How I wish na sana ako nalang yung pinagluluto nya ng adobo kasi favorite ko din yun eh. Pero hindi mangyayari yun . Hindi.

"Ah nga pala diba favorite mo tong adobo??"- tanong nya habang nilalagay yung adobo sa isang lalagyan

"Oo naman. Bat mo natanong??"- sabi ko

"Pwede mo bang tikman??"- tanong nya. Kumuha sya ng maliit na bowl at nilagyan ng adobo

"S-sige"- sabi ko na nauutal

"Gusto ko kasi.... bestfriend ko yung unang makatikim nung niluto ko eh"- sabi nya

Anudaw ??! Mahina kasi ang pagkasabi nyang yun pero dinig ko parin

"Anung sabi mo?"- paninigurado ko

"Wala"- sabay gulo sa buhok ko

"Sige. Alis nako . Salamat Jamie ah"- sabi nya

Pag alis nya, niligpit ko nya yung mga kalat sa kusina. Pagtingin ko sa may mesa, napansing kong naiwan ni Ivan ung isang lalagyan na nilagyan nya ng adobo. Tatawagan ko na sana sya nang may napansin ako, may nakalagay na sulat..... galing kay Ivan

"Kainin mo yan Jamie ah. Tandaan mo ako ang nagluto nyan. ^_^"- yan yung nakasulat

Hay Ivan ... bat hindi ko kasi masabi sayo yung nararamdaman ko para sayo. Natatakot kasi ako na mawala ka sakin eh. Ano ba talagang mas matimbang ??

Ang pagkakaibigan namin? o ang nararamdaman ko?

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon