*02*

214 5 0
                                    

Lumipas ang mga panahon, graduate na kami ng college ngayon pero itong nararamdaman ko para sa bestfriend ko hindi pa :(

May celebration sa bahay namin. Ayoko sana ng mga ganyan bagay pero nagpupumilit talaga cla mommy at daddy eh kaya a na akong nagawa kundi sumang ayon nalang. Pero umuwi na sila mommy sa bahay pagkatapos ng graduation jasi magp-prepare pa daw sila doon.

Naghihintay ako ng taxi ngayon kasi ginamit nila mommy yung kotse ko kasi nasira ang kotse nila at pinapaayos pa.Habang naghihintay ako may taong nilagay nya ang kamay nya sa mata ko at sinabing ...

"hulaan mo kung sino to"-sabi nya

"Duh ! Syempre ikaw yan Ivan"-sabi ko at tinanggal yung kamay nya sa mata ko

"Ikaw lang naman ang nagpapatibok ng ganito kabilis sa puso ko"- pero syempre mahina lang ang pagkakasabi ko nun kaya hindi nya ito narinig.

"Ano?? Anong puso"- o diba hindi nya narinig . well except lang sa word na puso

"Wala sabi ko sama ka ba sa bahay?"- pag iiba ko sa topic

"Hindi ako makakapunta eh. Magcecelebrate din kasi kami nila mommy"- sabi nya . Sayang naman :(

"Ah ganun ba"- ako

"Pero pupuntahan kita sa inyo bukas kaya wag kang mag alala"- pagkasabi nyang yun, napangiti ako.

"Oh may taxi na"-sabi nya sabay turo sa taxi

"Sige ah sakay na ako. Bukas ha siguraduhin mo"- sabi ko saknya at sumakay na sa taxi.

Naranig ko pa nga ang sinabi nya na- "Yes Boss"

---

Nandito ako ngayon at naghihintay sa sala dahil maya maya lang ay susunduin na ako ni Ivan. 8:00am kasi ang sabi nya at 7:36 palang so kailangan ko pang maghintay ng ilan pang minutes.

Meanwhile ...

"Jakie, anak nandito na si Ivan"- sigaw ni mommy. Nasa kwarto kasi ako ngayon, boring kasi sa sala eh

Dali dali akong bumaba sa kwarto at pag punta ko sa sala nakita ko syang nakaupo at nsnunuod ng tv. Ngumingiti pa sya. Ang gwapo nya talaga kung nakangiti.

"Hey"- kinalabit ko sya

"Oh halika na"- sabi nya sakin

"Sige tara na"- pagsang-ayon ko sakanya

---

Nandito na kami ngayon sa isang restaurant. Kumakain kami dito syempre. Actually ang tahimik nga namin eh. Hindi kasi sya nagsasalita.

Ang sasarap ng mga inorder kong pagkain !! Ngayon lang kasi ako nakakain dito eh . Ang sarap pala ng mga pagkain !!

"Ahmm....ahm..Jamie...ano...ahm"- si Ivan. Finally nagsalita na rin sya

"Ano yun??"- sabi ko

"paanobamagpropose"- sabi nya na parang alien .. hindi ko kse maintindihan kase ang bilis nya magsalita

"Hah . pakiulit hindi ko narinig"- ako. hindi ko kasi talaga maintindihan

"Sabi ko tulungan mo kong magpropose"- sya

Pagkasabi nyang yun, para akong nanghina. Nanggigilid na ang mga luha ko. Parang anytime mahihimatay ako. Ang sakit kasi ... ang sakit sakit ng puso ko ngayon. Siguro hanggang dito nalang, hanggang dito nalang talaga kami ...

"S-sige, payag ako" - sabi ko nalang.

Kaya pumayag ako dahil gusto ko pa syang makasama dahil alam kong forever bestfriend nalang ako.

"Talaga !! I love u na talaga bestfriend ! "- sya .

Niyakap nya ako at niyakap ko rin sya. Ang puso ko ang sakit na .

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon