The Wedding

303 11 4
                                    

The Wedding

--

August 14, 2014

This is it Anna. Pagtapos nang araw na to Mrs Montenegro ka na.

Ngayon kasalukuyan akong minimake-upan ng bakla kong pinsan.

"Mother? Anong feeling nang ikakasal ka na?" Sabi ni Bakla.

"Wala naman. Masaya. Hindi makapaniwala. Kaya ikaw magpakalalake ka na para naman maranasan mo ikasal." Tumawa ako. As if magiging lalaki pa siya.

"Ano ka ba mother! Kakahiya naman, Bakit? Porke bakla hindi na pwede ikasal? Hindi lang nagpapakita ang One true love ko." I nodded. Kase may point siya. Hindi porke gay siya eh hindi na siya pwede ikasal. May mga rights tayo kaya wala akong karapatan kung sino man ang gusto niya pakasalan. Love wins.

"Hindi mo na 'yon mahahanap." Tumawa ako ng malakas sa pagbibiro ko sa kanya.

"Aray!!" Nag action na pa siya na tila nasasaktan talaga.

Baklang to talaga. Hindi mabiro, sabunutan ba naman ako.

"Ano ba naman beki! Biro lang, Ayusin mo na yan. At nang makapunta na ako ng simbahan. Oras na eh."

"Oo na. Nagmamadali? Nagmamadali?"

Makalipas ang halos kalahating oras, Natapos din akong ayusan. Pag kakasal talaga dapat todo ayos? Hindi ako sanay e.

Pagkatapos nang lahat-lahat lumabas na ako ng bahay upang sumakay na ako sa wedding car. Kinakabahan ako. sobrang kinakabahan.

Pagpasok ko nang kotse nag sign of the cross muna ako.

After a several mins. Nasa simbahan na ako. Noong pagbaba ko ng sasakyan, Inalalayaan ako ni Mama at Papa sa pagpasok. Tanaw ko mula sa loob ang aking groom na si Daryl.

Nagsimula nang maglakad ang mga Bride's maid ko. Hanggang sa ringberrer nalang. At eto na. Ako na. ang lalakad, nasa gitna ako nina mama at papa.

You are the one who makes me happy
When everything else turns to gray
Yours is the voice that wakes me mornings
And sends me out into the day

I love the way on how they serenade us with the song 'you'.

Nagsimula na din palang tumugtog ang bridal's march. Nakakatuwa lang kase sobrang ganda nang ipinatugtog nilang song.

You are the crowd that sits quiet listening to me
And all the mad sense that I make

You are one of the few things worth remembering
And since it's all true
How could anyone mean more to me
Than you?

Wala nakong mahihiling pang iba, Wala na. Si Daryl lang, sapat na para mabuhay ako sa mundong ito. Mahal na mahal ko siya.

Sorry if sometimes I look past you
There's no one beyond your eyes
Inside my head the wheels are turning
Hey, sometimes I'm not so wise

Sana kahit anong manyare sa ating dalawa, mas magiging strong pa tayo, dahil hindi ko alam kung ankng magiging buhay ko kung wala ka sa tabi ko. Mahal na mahal kita.

Nsa kalagitnaan na ako ng paglalakad ngayon, tanaw na tanaw ko na mula rito si Daryl.

You are my heart and my soul, my inspiration
Just like the old love song goes

You are one of the few things worth remembering
And since it's all true
How could anyone mean more to me
Than you?

Alagaan mo sanang mabuti ang mga magiging anak natin. Sana tulungan mo akong mapalaki ng maayos ang mga ito at may takot sa Diyos.

Beyond your eyes

You're my heart and my soul, my inspiration
Just like the old love song goes

You are one of the few things worth remembering
And since it's all true
How could anyone mean more to me
Than you?

Kahit na sa kahuli-hulian nang aking hininga ikaw pa din ang aking mamahalin. Daryl Montenegro, Mahal na mahal kita.

Nasa harapan na ako, Humiwalay na sa akin si mama at papa.

Kinuha na ni Daryl ang aking kamay at lumakad na kame papunta sa Altar ng simbahan.

"Ngayon, Wala ba sa inyo ang tumututol sa kasalang ito?" Sabi ni father. Please for the pette's sake. Wala sanang manggugulo.

Naghintay kame na may tututol, mga 3 mins 'yon, pero wala. I took a deep breath. Thank God.

"Kung wala sa inyo ang tumututol, Umpisahan na natin ang kasalang ito." The priest began.

"Sige po father." sabay naming sabi ni Daryl.

"Ikaw, lalake, Tinatanggap mo ba si itong si babae, bilang iyong kabiyak, sa hirap at ginhawa? Maging sa kamatayan? Nangangako ka bang aalagaan mo siya, at ang mga iyong magiging anak, sa kabila ng kahit anong pasakit?"

"Opo father, Nangangako po ako.." sabi ni Daryl. It felt so good hearing the vow of your love one.

"Ikaw naman babae, tinatanggap mo ba itong si lalaki, bilang iyong kabiyak? Sa hirap at ginhawa? At nangangako ka bang tutulungan mo siya sa pagpapalaki ng maayos sa inyong mga magiging anak?"

It took me for a while to answer.. kinamabahan ako.

I took a deep breath. "Opo father, Nangangako po ako.." Finally, nasabi ko din.

"Ngayon, Lalake. Maari mo ng halikan ang iyong asawa. At kayo ay ganap nang mag-asawa, binabasbasan ko na kayo. You may kiss the bride." Sabi ni father. Kinakabahan ako pero nawala ito ng halikan ako ni Daryl. Ibang halik 'yung naramdaman ko. Ibang iba sa mga halik niya noon.

At hinalikan niya ako ng mga 5 seconds.

Nagpalakpakan naman ang mga taong dumalo ng aming kasal.

Pinuntahan na kame ng aming mga magulang.

Picture dito, Picture doon.

Paglabas namin ng simbahan ay binuhusan kame ng maraming petals nang bulaklak.

"Mabuhay ang bagong kasal!"

"Woooohh!"

Tapos hagis nang bulaklak.

Pagpasok namin ng kotse, tinanong niya ako.

"Ilan gusto mong maging anak?" sabi niya at ngumiti ito. "Kaya mo ba ang labing dalawa?" habol niya pa at tsaka tumawa.

Hinampas ko siya sa braso. "Ginawa mo naman akong aso Mi amor." Sabi ko tsaka sabay kaming nagtawanan.

He sigh! "I can't believe na akin kana talaga." He kissed me once again. "Saan pala honeymoon natin Mi amor?" tanong niya.

"Gusto ko sa Paris Mi amor, Center of Love kase ang Paris.." I said.

"Maganda nga doon Mi amor, Sige doon nalang, Punta tayo bukas. Papabook nako for 3 days doon."

I smiled. "Sige Mi amor. Mahal kita Mister Montenegro."

"Mahal na mahal din kita Misis Montenegro.."

And now, I Anna, Officially a Mrs. Montenegro

Sulyap (Completed, Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon