Alam nyo nakakatawang isipin kung paano nasasabi
ko
sa sarili ko na I believe in love. Nakakatawa sya
kasi sa buong buhay ko, ni wala pa yatang nagpakita
sa
akin o nagparamdam ng lintek na pagmamahal na yan.
Ang
ibig kong sabihin yung pagmamahal na tipong
nakakabaliw.
Sabi pa nga minsan nung isa, We,re better off as
friends. PUCHA! Kaibigan?! Sa lahat ng ginawa ko
para
sa kanya at sa lahat ng sinakripisyo ko, kaibigan
lang
pala ang habol nya sa akin. Ano ba ito lokohan lang?
Pero sige, sabi ko move on, move on.
Tapos itong isa naman sabi Mabait lang ako sa
babae
kaya ako ganito sa iyo. Lalong masakit! Bakit?
Hanep
naman kasi. Bibisitahin ka linggo-linggo sa bahay,
magiging sweet sa iyo, kakantahan ka pa, yayakapin,
hahalikan at higit sa lahat sasabihing napakaganda
at napakabait at ano ba yun special, girl ka sa
kanya. Hindi mo aakalain na normal lang pala nyang
ginagawa yun. Ikaw naman, mafofall ka, hindi mo
mapigilan. Pero wala ka namang magawa. Ang sabi ko
naman sa sarili ko ngayon, it,s your loss, not
mine.
Yung iba naman, eh di syempre manliligaw. At dahil
likas akong dalagang Pilipina, papakipot muna ako.
Kung kailan mo na sasagutin, saka naman hihinto.
Bakit? Aakalain na hindi mo sya gusto, na pinaasa mo
lang at wala kang kabalak-balak sagutin. Guys, isang
advice lang, hindi naman kayo paaasahin ng mga babae
kung wala silang gusto ni katiting sa inyo. Maaaring
mali ako, pero karamihan sa amin, kaya pinapatagal
eh
dahil gutso kayong subukan kung hanggang saan ang
tagal nyo at syempre kung gaano kayo kaseryoso. Yan
lang naman ang drama namin, masanay na kayo. At ano
naman ang sabi ko naman sa sarili ko ngayon? Bahala
ka! Marami pa naman dyang iba! Tapos sige move on
ulit.
Ito ang pamatay sa lahat. Nanligaw si lalaki,
sinagot ni babae. Maganda na sana ang relationship
tapos isang araw, sasabihin na lang sa iyo, Break
muna tayo. magiging busy kasi ako Iniwan ka na lang
basta ng dahil sa isang dahilang hindi mo
maintindihan. Ni hindi mo alam kung gusto mong
sabunutan o suntuk-suntukin ng paulit-ulit baka matauhan pa.
Haay Pagbig nga naman !
Taena ! kakaloka !