HER POV
Minulat ko ang mga mata ko. Puti.
"Oh gising ka na pala"
Tinignan ko ang taong nagsalita. si Mama.
"May masakit ba sa'yo?"
Umupo sya sa upuan katabi ng higaan ko.
"Wala naman po. Medyo nahihilo lang ako. Napasobra ata ang tulog ko."
"Naku! ikain mo lang yan. Ano bang gusto mong kainin?"
"Maya maya na po mama. Di pa naman ako gutom."
"Osya sige."
Hinaplos nya ang ulo ko.
Haaaay. nakakarelax talaga. Isa ito sa nakakapag pa'relax sakin. Lalo na pag si Mama ang nagawa.
Nginitian ko si Mama.
"Ang Ganda talaga ng anak ko."
"Syempre naman Ma. Saan pa ba ko magmamana?"
"Edi saakin! Hahaha"
"Hahaha Mama talaga"
pagkatapos kong sabihin yun, KATAHIMIKAN ang namuno sa pagitan namin ni Mama.
Pinagmasdan ko ang paligid.
"Andito na naman ako."
"Nanikip ang dibdib mo kagabi at nawalan ka ng malay kaya ka namin sinugod dito."
Haaaaaay. Sawang sawa na ko sa hospital bed na ito.
"Ang sabi naman ng doctor eh mag stay ka muna dito for one week"
"One week?"
"Oo" pagpapatuloy ni Mama. "Para daw mabantayan ka nila at ang kalagayan mo"
inayos nya ang kumot sa paanan ko.
"Ma"
tumingin sakin si Mama at ngumiti.
"Gagaling na ako diba?"
Lumungkot ang mukha ni Mama pero napalitan din iyon ng ngiting nagsasabi na wag akong mawalan ng pagasa dahil gagaling din ako.
"Oo naman anak. Gagaling ka" Niyakap nya ako. "Gagaling ka anak. Gagaling ka."
-----
Nagbabasa ako ng libro ng may pumasok na nurse sa room ko.
"Hello ate. checheck ko lang ang vital signs mo ha?"
" Sige po."
Lumabas na yung nurse matapos nya kong i-check.
Magisa ako ngayon sa room ko. Umalis kasi si Mama para kumuha ng mga gamit na kakailanganin namin dito.
16 years old na ako. At ganun narin katagal ang sakit ko sa puso. Bata pa lamang ako limitado na ang mga galaw ko. Lalo na ngayon. Ang sabi kasi ng doctor di na daw maganda ang kalagayan ng puso ko. Isang maling kilos ko lang dedo na ko.
Ewan ko ba. Etong mga nakaraang buwan lagi nalang ganito. Halos di na nga ko kumikilos sa bahay pero heto, pabalik balik parin ako ng ospital. Kaya napilitan din kaming mag stop muna ako sa skul. sayang nga eh, kalagitnaan na ng school year tumigil pa ko. Last year ko na to sa highschool di pa ko pinatapos.
Lagi lagi akong nagdarasal. Pinagdarasal ko na sana gumaling na ko. Ayaw ko ng ganito. Halos gabi gabi akong umiiyak. Umiiyak hindi dahil sa may masakit sakin. Umiiyak ako dahil ayaw kong nakikita ako ng pamilya kong mahina ako. Ako ang may sakit pero sila ang nahihirapan sa sitwasyon ko. Ayaw ko silang nakikitang ganun. Ayaw ko silang mahirapan dahil sakin. Tama na. Tama nang ako ang masaktan wag lang sila.
Isinara ko ang librong binabasa ko at Humiga na ko ng maayos.
Pumikit ako. at dumilat ulit.
tumulo ang luha sa mata ko. Inaasahan ko ng mangyayari ito.
Ito na. Simula ng magpaunahan ang mga luha kong tumulo. Nagsisimula narin akong magisip ng kung ano ano na maaring mangyari.
Simula narin ng napaka habang gabi para sakin.
-----------
written by: ateMIA