• CHAPTER 1•

14 1 0
                                    

                     1st Semester

Jin's Point of View:

Ang hirap naman talagang mag-isip kung habang nag-tetest ay nag-cocountdown ang teacher niyo. Tapos MATH pa ang subject.

Hay...

Sumasakit na ang ulo ko. Hindi ko na kayang mag isip.

"sin30°- cos60°=? Uh Sir? Mukhang di niyo po ata naituro samin ito, hindi ba?" palusot ko lang yon para tumigil na si Sir sa pagbibilang. Pero di ko talaga alam ang sagot e.

Iyon nalang kasi ang hindi ko pa nasasagutan, yung last number. Tama nga sila mahirap na ang Math sa High-School. Kahit naman sa Pre-School e.

Sa sobrang gwapo ko ay tinitigan lang ako nito na parang nagbibingi-bingihan lamang sa mga tanong ko.

Pedophiles ka Sir. I'm not ready. U akteng layk a ked u now ser? Natutunaw na ako sa titig ni Sir.

"Bro, mukhang hindi na kakalas yan sa pagkakatitig sayo. Bahala ka diyan. Haha." bulong ng aming class President na si Zed na ngayo'y katabi ko.

Di nagtagal ay kumibo na ito at nagpatuloy sa pagbibilang. Wala akong napala. Di rin nasagot tanong ko.

"Number 50 ka nalang din? Sorry, Kahit ako di ko alam ang sagot pre." miski ang President ng classroom namin ay walang maisagot sa tanong na iyon.

Napakamot nalang ito sa kanyang ulo at para bang iniisip parin ang tamang sagot.

"Alam ko na. Diba nung nagtanong ka, tinitigan ka lang niya?" ano nanaman bang alam nitong presidenteng ito bukod sa lumande?

"Oo, bakit?" sagot ko.

"He didn't answer you, then it means, there's no answer. It's 0 "

"Oh talaga bro? Sige ikaw nalang." Wag mo na kong idamay diyan" ngumisi ako sa kanya bago ituon muli ang pansin sa test paper.

Matatapos na ang oras at wala pa rin akong sagot. Ang rule pa naman ni Sir ay fill all the blanks. Anong isasagot ko gayong di ko pa alam ito?

"5"

Bakit ba ko kinakabahan? Isang number lang naman to. Wait.

"4"

No, rules are rules. Kung hindi ko alam ang tamang sagot, pano kaya kung manghula nalang ako?

"3"

Ano manghuhula nalang ba ako? Hindi ko na alam.

"2"

God tulungan niyo po akong masagot ito. Uh.

Bigla nalang hinablot ni Zedric ang papel ko. "Hoy anong gagawin mo?!" pinilit kong agawin ito ngunit may isinulat siya sa papel ko.

"Just believe bro." ngumiti ito at tinapik ang balikat ko.

"Oh ito na nga." agad nitong ibinalik ang aking papel bago paman maubos ang oras.

"He really wrote zero? Pag talaga ito mali. Uh, makakatikim ito sakin." bulong ko saking sarili.

Oh God, gabayan niyo po si zero papunta sa tamang landas. Uh.

"1" sabi ni Sir saka pinapasa ang mga test papers namin.

Pinamigay na ni Sir ang aming mga papel sa aming mga kaklase para checkan. Kinakabahan ako.

"Number 49 is x=10" pagbibigkas ni Sir sa mga sagot habang naglalakad sa buong classroom.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

As the God's Will (Next Destiny)Where stories live. Discover now