"Yan ba si Jazmin Corpuz?? Yung leader ng mga gangsters??" Sabi nung isang babae"Oo yan nga, kinakatakutan ng lahat yan." Sabi nung isang pang babae
Jazmin Corpuz: Lumaki sa isang simpleng pamilya pero sya ang leader ng gangsters. Lumaki sya na inaalagaan ng lolo at lola nya. Lolo's girl sya kaya lahat ng gusto nya nasusunod. Maganda, matangkad, maputi, mabait sa mga kaibigan nya pero war freak.
"Ako ba ang pinaguusapan nyo??" Tanong ko sa kanila
"A-ah! Sorry po! Hindi po namin sinasadya na pagusapan ka! Ang ganda mo po kasi talaga IDOL ka po kasi namin eh." Takot na sabi nung girl na may color purple na hair
"Okay lang, pero mag-iingat lang kayo sa mga sasabihin nyo about sa akin kasi pag hindi alam nyo na mangyayari sa inyo." Nakangising sabi ko
"Opo, pangako po wala po kaming sasabihin ng masama about you." Kinakabahang sabi nung isa pang girl na may maikling palda
"Mabuti at nagkakaintindihan tayo." Mataray kong sagot
Naglakad na kami ng mga barkada ko papunta sa isang building. Yung building na yun ay building nang mga gangsters. Ako ang reyna ng mga gangsters. Alam ko lahat about them kasi ako ang nagtatag ng gangsters na to ang HCP (High Class Palace)
"Queen nasa loob na po silang lahat ikaw nalang po ang hinihintay." Magalang na sabi ni Zack
"Okay mag-aayos lang kami." Sabi ko at naglakad na kami papuntang dressing room
"Uno, anong pagmemeetingan natin ngayon??" Tanong ni Princess sa kanya
Princess: Bestfriend ni Jazmin Corpuz. Halos magkasing ugali sila pero mahilig syang manuntok at mas cold si Jazmin Corpuz kaysa sa kanya mas emotionless si Jazmin kaysa sa kanya. Kanang kamay din sya ni Uno
"About sa Phoenix, dos." Sabi ko
"Diba yan yung kalabang gangsters natin??" Tanong ni Jean
"Oo sila nga." Cold kong sagot
Nagbihis na kami at naglakad papasok sa kwarto kung saan kami magmemeeting. Naupo na kami at may nakita akong mga lalaki bagong papasok sa HCP wow kami ang pinili nila kaysa sa Phoenix good good
"Good afternoon Queen." Magalang na pagbati nilang lahat sa akin
"Good afternoon, pwede na kayong umupo." Nakangiting sabi ko.
Nagupuan naman silang lahat at nakatingin lang sa amin. Nakamask kaming grupo, ang pangalan ng grupo namin ay SSCx
"We will talk about Phoenix, nanggugulo sila sa buong bayan natin ngayon. Kailangan natin silang labanan pero gaya ng dati walang papatay, walang lalagpas sa nasasakupan nila, at walang magmamarunong. Maliwanag ba??" Cold kong sabi
"Yes, Queen" sabay sabay nilang sabi. Napatingin na ako dun sa mga bagong papasok dito sa HCP
"Anong pangalan ng grupo nyo??" Tanong ko sa kanila. Nakamask din sila gaya namin pero mga lalaki sila
"Dead Schedule" sabi nung isang lalaki yung leader yata nila yun
"Bakit dito kayo sasali??? Bakit di sa Phoenix??" Cold kong tanong
"Pumapatay sila. Gaya ng sinabi mo bawal pumatay dito at gusto namin ang patakarang yun." Sabi nung leader nila
"Good kung ganon pero kailangan naming magbotohan para malaman kung makakapasok kayo o hindi. Okay let's vote, it's yes for me." Nakangiti kong sabi
"Yes" sabi nilang lahat
"So makakapasok na kayo sa HCP pero kailangan may grupo kayong salihan. We have six groups here and kung magiging okay kayo kayo ang magiging pang seven dito. So sino ang gustong mag-alaga sa kanila??" Sabi ko
Walang sumasagot sa kanila at nagtitinginan lang ang mga leaders sa kanila. Napangisi nalang ako "Ako na. Ako na ang mag-aalaga sa kanila." Sabi ko
"Pero Queen-" tututol na sabi ni Zild pero hininto ko sya
"Anong gusto mo??? Pabayaan ko sila??" Cold kong sabi at di na sila nagsalita at lumabas na kami at sumunod naman sa amin ang Dead Schedule
To be Continue
Hey gusy thanks po sa pagbasa and pakihintay po yung susunod
Yung iba po nakuha ko sa Fearless Queen kaya po basahin nyo po yun the best po yun promise hahahaha
Chat me kung ano gusto nyong gawin sa susunod
BINABASA MO ANG
Gangster's Queen
FanfictionLumaki sya sa piling ng kanyang lolo at lola Sya ang kinakatakutan ng lahat Jazmin Corpuz ang Queen ng lahat ng gangsters Nagkakita sila ng isang lalaki na ang pangalan ay Iggy Cruz Pero bakit parang iba ang feeling nya?? Sino ba si Jazmin Corpuz...