1 - first day

56 22 17
                                    

Cathy's POV

*alarm*

{cathy gising na!!!}

5:00 am

Gumising na ako. Hello, E.A .

Bumaba na ako ng room ko. Nag punta na ako sa dining room. Pag bukas ko ng pinto, si kuya ced agad yung nakita ko.

Hyung ced: "aba! Gising na pala si pusa!"

Sabi niya. Pusa kasi nickname ko. Cat.

Mom: "cat kumain ka na. Favorite mo yung ulam."

Hmm? Ano kaya yun???

Umupo na ako sa upuan ko at nakakita ako ng bacon. Yey. Pero wala pa din akong ganang kumain kasi nga iba na school ko. Oo dati sa private school ako.

Pero walang mga bad boys. Lahat mabait. Pero ng mag gra- grade 9 na ako nilipat ako nila mom sa ellise academy. Full of btches and bad boys. Hayst. Sure ako may mag bu-bully sakin.

Kasi mag di-disguise daw ba ako ng pang nerd? Si kuya may pakana nun. Si kuya kiyan. Napapano ba siya? Wait nga matanong ko kung bakit gusto niya akong mag disguise.

Me: "hyung ki! Bakit nga pala gusto mo mag disguise ako?"

Hyung kiyan: "kasi baka pagka guluhan ka dun. Sa ganda mo pa ba?"

Me: "awww. Concerned lang pala si hyung ki. Ok. Mom?"

Mom: "ano yun cat?"

Me: "yung pang disguise ko po?"

Mom: "nasa room mo na. Lahat ng kailangan mo nandun na."

Me: "thanks mom. I love you."

Mom: "i love you too cat."

Pagkatapos ko kumain, umakyat na ako. Kaso naka salubong ko si noona. (noona - ate)

Noona: "hoy. Wag mong aagawin yung mga kaibigan ko dun. Baka gusto mo pa kick out kita."

Me: "noona una sa lahat. May pangalan ako. Hindi hoy pangalan ko. Pangalawa. Bakit ko aagawin sayo yung kaibigan mo? Sayong sayo na. Isak sak mo sa baga mo. Pangatlo. Bakit mo ako papakick out? Principal ka ganun? Ikaw may ari ng school?"

Wala na siyang masabi. Sinasagot ko talaga si noona para manahimik. Nakakainis na eh. Pero kahit papaano mahal ko yan. Kasi kahit baliktarin mo yung mundo, noona ko pa din yan.

Pag pasok ko sa kwarto, nandun na nga yung gamit ko. Naligo muna ako, nag bihis, tas sinuot yung disguise. Kailang itong glasses na ito. Ang kapal ng frame. Hayst. Makaalis na nga.

Mom: "cat! Wag ka na mag drive. Sumabay ka na lang sa hyung mo."

Me: "ok mom. Bye."

Mom: "good luck sa first day mo!"

Hayst. Good luck na nga lang.

Sabi ko sa isip ko.

Sumakay na ako ng car ni hyung ki.

Hyung ki: "pusa! Wala kang lalapitan dun na kaibigan namin ni hyung ced mo neh? Masasama yun. Baka ma bully ka pa."

Me: "sila kyline lang naman eh hyung. Wag ka mag alala sakin. Palaban naman ako."

Hyung ki: "kinakabahan lang ako kasi baka ilagay ka ng mga bad boys sa list."

Me: "anong list?"

Hyung ki: "sa... Gagantihan nila parang ganun. Nvm. Malapit na tayo."

Me: "hyung ced ka tahimik mo yata?"

Hyung ced: "a..ano? T..tahimik? Ay. Wala."

Napapano si hyung? Nauutol pa siya sa sinasabi niya. Pakiramdam ko may tinatago siya e---

Hyung ki: "nandito na tayo! Baba na!"

Sakto pagka baba ko, may tatlong lalaki. Muka sila yung bad boy. Yeesh nakakatakot.

Kyle: "hoy ki sino itong nerd na to? Gf mo?"

Hyung ki: "baliw! Kapatid ko yan!"

Mark: "may kapatid ka palang manang. Wahahahaha!!!"

Me: "ANO?! WAG MO AKONG MATAWAG NA MANANG BAKA MASAPAK KITA JAN!!!"

Kyle: "aba palaban. Wag mo nga kami masagot jan manang. Di mo pa kami nakikilala."

Hyung ced: "wag mo nga sinasabihan ng ganyan si cathy!"

Kyle: "psh. Pake ko. Tara na nga. Nag sasayang lang tayo ng oras dito."

Pagkasabi niya non, umalis na nga sila. Kaso sumama si hyung ki. Bwiset siya.

Kuya ced: "mianhe cat. Pag pasensyahan mo na kuya mo. Malalaman mo din kung bakit kami nilapitan nung mga yun. Ay! Ayun sila kyline oh! Puntahan mo na!"

Tumingin ako sa harap ng school. Nasa parking lot kami kanina. Nakita ko si kyline at erika.

Pumunta ako sa kanila at nag pa alam ako kay kuya na sasabay na lang ako sa kanila.

Kyline: "cath ikaw ba yan?"

Me: "oo ako nga to."

Erika: "bakit ka mukang... Nerd?"

Me: "pinag disguise ako ni kuya eh. Ewan ko ba."

*bell*

Me: "huy nag bell na. Alam niyo kung saan classroom ko? Di ko nakita yung naka paskil eh."

Erika: "pabayaan mo yang bell. Di pa naman yan second bell. Dali! Punta muna tayo dun sa lockers!"

Me: "lockers? Wala naman sakin yung susi ng akin eh."

Biglang may inabot si kyline sakin na susi. Ang cute. May keychain na butterfly.

Kyline: "here. Kinuha na namin yung sayo. Alika na!"

Pumunta na kami sa lockers. Sakin color pink tas sa kanila din. Sa mga boys... Blue? Ano to cr???

Binuksan ko na yung locker ko at boom. May mga stuff. Ewan ko kung sino nag lagay eh may butas yung loker namin.

Hindi ko na tinanong kung para saan yun at pumunta na kami sa classroom.

Why?! Sa lahat ng pwede kong maging katabi siya pa?!?!?!?

At si kyle ang katabi ko. Malas. Umupo na lang ako tapos ang sama ng tingin sakin ng mga babae. Paki ko? Picturan niyo na lang ako. Baka matunaw ako eh.

Sakto, dumating na yung teacher.
Mag pakilala daw ako ganun. Pagkatayo ko, lahat ng classmates ko tumawa. Lalo na si kyle.

Teacher: "cathy. May stain ka sa likod mo."

Huh? Anong stain? Tinginan ko ang likod ko at may dugo. Tapos na pe--- bigla akong tumingin kay kyle. Nakita ko na may paperbag siya sa ilalim ng table niya. Lumapit ako at may nakita akong red paint. Seriously?! Prina prank niya na ako agad?! Humanda siya sakin. Lumabas ako ng classroom at pagka bukas ko ng locker ko may palda. Weird. Agad na akong nagpalit sa cr.

Humanda ka sakin kyle. Hindi pa tayo tapos. Gagantihan kita.

-----------------
Maglalagay na lang po ako ng part two. Thanks for reading!!!

Discovering The Lost World (ON-GOING!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon