my inspiration to write this story at the multimedia :)
Mark's POV
Today is the day. Oo, aamin na talaga ako. I am so sick of hiding my feelings towards Kyline. Masyado ba akong nagmamadali? I liked her for a very long time now and I can't see anything wrong with this sudden confession. Naaalala ko pa noong grade 8 pa kami, doon ako unang umamin sa kanya. I was so shy back then and I even have her dandelions na akala ko ay magugustuhan niya, yun pala allergic pala siya doon.
Nakakahiya man pero hindi ako tumigil sa pagpaparamdam sa kanya kung paano ko siya kagusto. I never stopped liking her. At ngayon, mukhang matatagalan ata ako sa pagsipot kay Kyline. Bakit? Kasi pinatawag ako ni Mama. Anong meron? Simple lang, aalagaan ko muna si Manang Eva kasi tinatrangkaso daw. Syempre, kailangan ko siyang alagaan. Mahal ko rin si Manang Eva.
"Iho, mukhang nagmamadali ka yata." narinig kong sabi ni Manang Eva at sumunod naman ang pagbahing niya. "Wala to manang." tanging sagot ko saka nagpatuloy sa pagkuha ng gamot niya. "Kilala kita, Minhyung."
Napabuntong-hininga nalang ako. "Manang kasi, ngayon na sana ako aamin kay Kyline eh." matamlay kong sagot. Her eyes immediately lit up like wala siyang dinadamdam na sakit. "Nako nako! Ako pa ngayon ang nagmumukhang kontrabida sa love story niyo!"
Tumayo siya at kinuha ang gamot niya saka ininom yon. "Puntahan mo na siya iho." dagdag ni Manang Eva saka ngumiti. "Sigurado ka ba manang?" tanong ko. Tumango naman siya at itinulak ako papalabas ng kwarto niya. "Fighting!" napangiti ako sa inasal ni Manang. Tiningnan ko ang wallclock namin.
4:43. Nanlaki naman ang mata ko at nagmadaling lumabas ng bahay. And stupid me, napili kong tumakbo papuntang skwelahan. Tumakbo ako habang ang nasa isip ko si Kyline. Kailangan kong magmadali, kailangan ko siyang maabutan.
Sa wakas, nakarating na ako sa quadrangle at nakita ko siya doon. She's looking at her watch and wandering her eyes around. Little did she know, I was just behind her. "You came." tila nagulat naman siya sa biglaang pagsalita ko. Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa gulat at nilingon ako. My heart started beating like crazy. "Oo naman. May pag-uusapan ba?" naguguluhang tanong niya. I just smiled at her.
"Oo." sagot ko. "Then ano iyon? Gabing gabi na at---"
"Gusto kita."
Finally, I spilled those words without stuttering. She looked at me, shocked. "A-Ako? Gusto mo ako?" tanong niya habang dinuduro ang sarili niya. She's so cute. "Matagal na."
"Alam mo Makuri, may sasabihin din sana ako sayo eh."
"Ano yon?"
"Ayokong magiba ang pagkakaibigan natin kaya pinigilan ko nalang itong nararamdaman ko. Pero since inunahan mo na ako, I guess this is the right time to spill this."
She smiled before whispering, "Gusto din kita, Makuri."
If this was a dream, then please don't wake me up.
BINABASA MO ANG
√ | confession
Fanfiction❝your presence itself makes me hard to confess to you.❞ MARK LEE EPISTOLARY AND NARRATION [COMPLETED] date started : april 11, 2018 ended : may 1, 2018