S02, EP03

710 20 0
                                    

Woah thankyou sa reads and sa pag add sa library at sa Reading List!!

Ni-Revise ko nga pala yung names ng characters. Katulad na nung name ng characters sa ALSB na pinapalabas sa ABSCBN! ❤️

Jairus Chen- KEN JIANG
Cianne Xi- ZOEY CHEN
Julia Lin- AMBER LIN-LU
Yan Lu- RYAN LU
Bailey Wu- LIAM WU

Zoey's POV

"Ken!! Okay na ba lahat ng gamit natin ha? Nalagay mo na sa kotse?" hi guys, papunta na kami ngayon sa batangas, 7 am palang ng umaga pero excited si Ken eh! Para daw masulit namin yung araw hehe

"Oo na nga, Zoey. Ikaw nalang ang kulang. Ang tagal mo kasi dyan." tss. palibhasa kanina pa siya tapos magbihis.. andon siya sa sala naghihintay hehe

"Ako kaya nahuling magbihis atska inaayos ko pa yung buhok ko no."

"Taaadaaa!! Maganda ba? Huh? Huh? Tara na baby!!" sabi ko sakanya sabay hila sa braso niya, nagbabasa nanaman kasi siya ng libro habang hinihintay ako.. di ba sya napapagod magbasa???

"Baby ka jan" hmp baka may iba pa siyang baby, nagdabog naman ako palabas ng bahay. Inunahan ko siya

"Zoey sandali. Ilolock ko pa yung—" di ko na sya pinatapos magsalita kase nauna na ko sa sakayan ng elevator, mga apat na unit halos yung layo ng unit ko sa elevator

"Ano bang problema, Zoey? Bat ka ba bigla biglang nauuna?" antagal naman kasi ng elevator, badtrip! Hindi ko naman siya sinagot, tumahimik naman din sya

——
Ken's POV

Ano naman kayang problema neto? Bat bigla bigla nalang tumatahimik at nagtataray? May ginawa ba kong mali? Tss.. lahat naman kay Zoey mali to be honest hehe! Pero kahit ganon, mahal ko pa din naman siya!

Nandito na nga pala kaming dalawa sa SLEX. Nag waze kami para hindi kami maligaw, natutulog na ngayon si Zoey sa gilid ko. What a great view!

Lumiko naman ako sa isang gasoline station na may restaurants at fast food para mag drive-thru dahil hindi pa kami kumakain ni Zoey.

"Zoey.." tinatapik tapik ko naman ng mahina yung braso niya para magising

"Hmmmm???!!! Ano ba???" pinapalo palo niya naman yung kamay ko pero tinatapik tapik ko pa din siya

"Teka lang kasi.... 5 minutes.... bangon na.." kala ba neto nasa bahay pa kami??

"Zoey, anong gusto mong kainin? Gumising ka muna saglit."

"Ikaw..." anong ako?! Bigla naman napabangon si Zoey at napatingin sakin

"A-ah ano, Ikaw? Anong gusto mo bang kainin?" ahh ayon naman pala...

"Magbburger lang siguro ako tska coffee.. Ikaw anong sayo?"

"Hmmm,,, Big Mac tapos bff fries yung may flavor, kase diba shake shake fries is backkk!!! Bbq yung powder non tapos monster float na green apple sprite and mcflurry sundae!!" mauubos naman kaya niya to lahat??

"Oo kaya ko ubusin lahat. Tss..." inirapan niya naman ako

"Wala naman akong sinasabi ah" oo nga, kaya nya ba basahin iniisip ko??

"Ewan ko sayo, sa iba ka na" luh nagalit?

"Ano bang problema, Zoey? Kanina ka pa ganyan sa bahay. Sabihin mo na sakin dali na." pabebe pa ng konti to eh, pero okay lang, i can manage

"Wala.. sige na ssunod ka na oh.. isang kotse nalang."

Dumating na nga yung turn namin para umorder tapos umorder na kami syempre...

Zoey's POV

"Thankyou po sir. Orders complete na hihi.." aba't nyetapu naman tong babaeng to??? Aga aga ang harot???

"Ah sige thanks." seryosong sabi ni Ken sabay sarado ng bintana niya, hahaha burnn!! Kala mo ate girl, ako lang titignan ng Ken ko!!

Speaking of Ken, hindi nga pala kami bati ano?! Kase ayaw niyang tawagin ko siyang 'Baby' kanina.... nainis naman ako kasi bakit!???!! Sino ba gusto niyang maging baby?? Ibang babae?? Ganon??

"Zoey, kumain ka na." Ay, nakalimutan ko kakain nga pala ako hahaha

"Kunin mo yung sakin tapos paki open lang yung wrapper" kinuha ko naman sa paper bag yung order niyang McSpicy na chicken burger tapos binuksan yung wrapper para makain niya

Nilapit ko naman yung mismong sandwich sa bunganga niya para makakain siya, hehe kahit galit ako love pa din kita charot!!

Short update muna huhuuu!!! Sorry!! Babawi ako next chapter! ❤️❤️

A Love So Beautiful (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon