Ain't Just Love

1.7K 99 59
                                    

Written by: Storm_mailove10

Prompt by: itsmealyg_

---

"Hello Asawa ko, Pwede ba tayo magkita? We need to talk," ani Edward sa katipan. Nais niyang makasama at makapiling sa pagkakataong iyon.

"Saan ka ba ngayon? Bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong ni May sa nobyo habang dinig ang paghikbi nito.

"Please punta ka na dito sa Condo ko, I need you!" Tanging tugon niya.

"Okay, Pinag-alala mo na naman ako masyado. Sige hintayin mo ako diyan," Aniya rito.

Dahil sa pagtawag ng binata ay agad kumilos si Maymay at iniwan ang ginagawa. Sa edad na dalawampu't anim ay isa na siya sa isang magaling na Fashion Designer at nagmamay-ari ng sariling clothing line. Kahit hindi pa tapos ang kaniyang ginagawa ay handa niyang iwanan para sa nobyo.

Nagmamadaling umalis ang dalaga papuntang Condo ng nobyo. Sobra siyang nag-alala dahil halos isang linggo na rin itong nakakulong sa Condo nito. Magmula nung nalaman nila ang balak ng Papa ni Edward na ipakasal sa iba ay hindi na ito nakapagtrabaho at mas ginusto ang magkulong aa Unit nito.

"Edward! Ano na naman ba ang ginawa mo? I'm so worried. Nagpakalasing ka na naman! Hanggang kailan ka ba ganyan?" Tanong ni Maymay habang nililigpit ang nakakalat na alak.

"Ayoko na! Gusto ko ng mamatay!" Sigaw nito.

"Hoy! Ano ka ba? Huwag kang magsalita ng ganyan. Kaya natin ito. Kakayanin natin ito!" Aniya rito saka niyakap ang nobyo. "Ed, pakatandaan mong mahal na mahal kita. Malalagpasan natin 'to," saad niya habang hawak ang magkabilang pisngi at hinagkan ang noo nito.

Pareho na silang naiyak habang magkayakap hanggang sa biglang kumalas si Edward at pinagmasdan ang nobya. "I love you, I will always love you," naluluhang sambit nito habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata ng dalaga na bumabadyang papatak gamit ang mga daliri nito.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha at masuyong hinagkan ang mga labi nito. "I need you" bulong nito at muling hinagkan ang nobya at sa pagkakataong iyon ay tinugon naman ni Maymay. Naging maalab ang halikang iyon na naghatid ng sensasyon sa pagitan nila hanggang sa hindi na nila namalayang paano sila nakarating sa kwarto na hindi man lang naghiwalay ang kanilang mga labi.

"Wait-- Do we need to do this?" Seryosong tanong ni Maymay kay Edward sa pagitan ng halik na kanilang pinagsaluhan.

"Bakit ayaw mo ba? Natatakot ka ba? Asawa ko, Look at me whatever happens pananagutan kita. Just please pagbigyan mo lang ako tonight," Tanong at pakiusap ng binata.

"What if? How about your---" hindi na naituloy ni Maymay ang kaniyang sasabihin nang sakupin muli ni Edward ang labi nito.

Nadadala na ang dalaga sa mga halik ng binata sa kaniya. Nag-aalala man ito sa maaaring kahinatnan sapagkat alam niyang fertile siya at posibleng magkabunga ang mangyayari sa gabing iyon. Hindi naman iyon ang una nilang pagniniig ngunit alam niyang hindi gumagamit si Edward ng Condom.

Dahil sa ginagawa ni Edward sa kaniya ay wala siyang nagawa kundi ang tumugon habang marahang tinatanggal ng binata ang damit niya at siya na rin ang nagkusang nagtanggal ng T-shirt ng nobyo. Makalipas nang ilang sandali ay pareho na silang hubo't hubad. Muling pinagmasdan ng binata ang kabuuan ng kaniyang nobya na dahilang nag-init ang buo niyang katawan. He's not surprise how sexy and hot his girlfriend but there's something in her eyes na napansin ng binata.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

"Yeah! I'm fine," sagot ni May saka hinalikan ang nobyo na tinugon naman nito

MES: Picture PerfectWhere stories live. Discover now