Kelly's POV
"Kelly! Tara, bilis! May sasabihin ako sayo!" pasigaw na pagtawag sa akin ni Gina. Siya ang aking baliw na bespren.
Ako naman si Kelly. Isang babaeng may pangarap sa buhay. At ang pangarap na iyon ay ang magkaroon ng pangarap para magka-pangarap. Okay? Single and free pa ako ngayon. Maraming nanligaw pero hindi ko na pinaasa kaya busted agad sila. Harsh ko talaga.
"Bilisan mo nga!" sigaw ulit ni Gina. Naglalakad palang kasi ako papuntang school eh siya nakaabang sa akin sa may gate. Parang security guard lang eh. -__-
"Eto na nga oh!" sigaw ko pabalik sa kanya. Binilisan ko ang paglakad. Ngayon, nasa harap na niya ako.
"Ano na yun?" tanong ko. "Look at this!" sabi niya sabay pakita ng papel sa akin na may heart designs. Binasa ko ang nakasulat at ito iyon.
Hi Kelly,
Punta ka mamaya sa bahay ah? Gala tayo. Around 2 pm ka pumunta. Surprise nalang sayo kung saan tayo pupunta.
Your handsome friend,
Lloyd
Si Lloyd ang aking boy bespren at ang first love ko. Alam naman niya na may gusto ako sa kanya. Umamin kasi ako noon eh. Pero, hindi naman niya ako ni-reject o tinanggap. At lalong hindi niya ako pinagsasamantalahan. Ang sweet and thoughtful niya nga eh. Mas lalo akong naiinlove sa kanya!
"Saan mo nakuha ito?" tanong ko kay Gina pagkatapos kong tiklupin ang papel at ibinulsa. "Pinaabot sa akin ng kapatid ni Lloyd. Absent daw siya ngayon eh. Awww~ sad si Kelly." pangaasar niya. So, absent pala siya? Ma-text nga. Kinuha ko ang cellphone ko.
To: Lloydie
Ya! Bkit ka absent?
..after 2 mins..
From: Lloydie
Secret. Bakit, miss mo na ako?
Tsk! Iba rin trip nito minsan eh! Hm, saan kaya kami pupunta mamaya? Yey! Parang date namin yun ah. Pero kaming dalawa lang ba?
To: Lloydie
Psh. Utot mo! BTW, ilan tyo mamya?
..reply..
From: Lloydie
Hm. Secret ulit. Surprise nga diba? Mag-aral ka nalang diyan!
Tsk. Bahala na nga. "Tara na." sabi ko kay Gina na nakikipagchikahan sa iba pang mga kaibigan namin. "Oki. Bye guys. Maya sa canteen ah!" sabi niya sa friends namin. Iba kasi section nila eh. Awwww.
Lessons, lessons, lessons. Quizzes, tests, assignments. KRIIIIIIING~!
Yes, uwian na! "Una na ako, Gina! Bye!" sabi ko habang tumatakbo palabas ng room. "O-oi, teka! Keeellllyyyyy!!!!!" narinig kong sigaw ni Gina. Hahaha! Bahala siya, excited na ako eh!
Nakarating ako sa bahay at 1:12 pm na! Waaah! Magpapaalam na ako. "Ma! Pwede ako umalis kasama si Lloyd?" tanong ko. "Nai-paalam ka na niya sa akin, Kelly. Magbihis ka na!" sabi ni mama sakin. "Edi alam mo rin kung saan kami pupunta?" tanong ko. Tapos bigla siyang lumapit at akmang papaluin ako sa puwet. Kaya tumakbo na ako papasok ng kuwarto at nagbihis.
Nag-simpleng t-shirt at below the knee na maong pants lang ako. "Kelly! Tara bilis!" sigaw ni mama. Nataranta naman ako kaya mabilis akong lumabas ng kuwarto. Inakbayan niya ako at bigang sinabi, "Selfie tayo! Smiiilleee!" sabi ni mama sabay click sa cellphone niya. Buti nalang handa ako. Selfie lord kasi ako eh! Pero, si mam naman hindi ah? "Ma, para saan yan?" tanong ko.
"Sige anak, bye na. Baka ma-late ka pa oh!" sabi niya habang tinutulak ako palabas ng bahay. "Ah! Onga pala noh. Bye na!" sabi ko at dumeretsong labas na. Time check: 1:37 pm. Hala! Buti nalang malapit lang bahay ni Lloyd dito!
Nang makarating ako sa bahay nila ay 1:54 pm palang. Whew! Hindi ako late! "Tao po! Lloydie~!"
Imbes na si Lloyd ang lumabas ay yung ate niya ang lumabas, si Ate Kate. "Kelly! Long time no see. Pinabibigay nga pala ni Loy oh." sabi niya sabay bigay ng isang papel na katulad ng papel na natanggap ko kanina. "Eh? Nasaan si Lloyd?" tanong ko.
"Selfie tayo!" biglaan na pagsabi niya sakin. Ako naman, ngiti agad. Teka, ang daming nakiki-selfie sakin ah? Ano meron?
Binuksan ko ang papel at binasa yung nakasulat doon.
Kelly~!
Pagod ka na ba? Hahaha! Nauna na ako sayo, may kailangan pa akong asikasuhin eh. Sunod ka nalang. Nasa bahay ako nila Tita Vee.
Your handsome love,
Lloyd
What the?! Ang gulo niya ah. °^° "Tsk. Una nako, te Kate. Bye! Sa susunod nalang." pagpapaalam ko. Akala ko ba 2:00 pm?! Grabe talaga. Grabe.
Pumunta na ako sa bahay nila Tita Vee. Siya yung family friend ng family ko at ni Lloyd. Super close na namin sa kanya na itinuturing niya na rin kaming mga anak kahit may anak na siya.