Kelly's POV
"Tita Vee~! Tao po!" sigaw ko habang kumakatok sa gate nila. "Teka lang!" sigaw ni Tita Vee mula sa loob. Pagkalabas niya, "Halika pasok!" masiglang pag-aya niya sa akin. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang 2 lalaking hindi ko kakilala. At tinakpan ang mata ko ng blindfold at yung isa naman ay sa bibig ko nagtakip.
"Fakawvkaalan jjniyob gskako!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga hawak nila. "Iya Ee!" pagtawag ko kay Tita Vee. Hala?! Ano bang nangyayari?!
Click~!
Huh?! Ano yun? Camera ba yun?! Natatakot na ako ah! "Loyshie!!! Shulunhan mo kamiee!" sigaw ko. Maintindihan pa kaya niya ako? "Waaaaaaaahh!!!!" sigaw lang ako ng sigaw habang umiiyak. Wala eh, natatakot na ako eh! Nanginginig na ako sa takot! Huhuhu! Lloyd, tulong!!
"Tara na." sabi ng isang lalaki. Tapos dinala nila ako sa isang lugar at pinaupo ako sa upuan. Raaaapppeeeee!!!!! Waaaaaaah!!!
Tinanggal na nila yung tali sa bibig at mata ko. Hindi agad ako nakadilat. Maliwanag eh. Ito na ata katapusan ko. Hindi ko man lang makikita si Lloyd bago ako mamatay. Nakayuko lang ako habang nakapikit at umiiyak.
"Kelly." alam ko yung boses na yun ah? Dumilat agad ako at inangat ang ulo ko. Pag-angat ko ay nakita ko si Lloyd at magkadikit ang mga ilong namin ngayon. Nakatitig lang ako sa kanya.
Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Siya ba ang mastermind?! Akala ko ba bestfriend ko siya?
Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko at yumuko ulit ako habang humihikbi. Niyakap ako ni Lloyd. "Shh. Tahan na. Parte ito ng surprise ko para sayo." napatigil ako sa paghikbi. ANO DAW?! Tumingin ulit ako sa kanya at saktong, Click~! Nag-selfie siya kasama ako! Ang pangit ko kaya sa picture!
"Nakakainis ka. Ayoko na sayo. Anong klaseng surprise ito? *sniff*" pabulong na pagsabi ko. Grabe, iba na trip niya ngayon eh. -_-
"A-ano? Ui, joke lang naman ito eh. Hindi pa nga tapos eh, w-wag ka muna magalit." pagpapakalma sa akin ni Lloyd. Ano?! Hindi pa tapos?! "So, ano sunod nito, ito-torture mo na ako? Papatayin mo ako noh?!" sinigawan ko siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil halu-halong emosyon na ang nararamdaman ko.
"Hahahaha! Bakit naman kita gaganunin? Eh bespren kita eh. Tsaka.." sabi niya. "Tsaka ano?!" pasigaw na tanong ko.
"Tsaka, mahal na kita eh. Paano naman kita sasaktan?" sabi niya sabay luhod sa harap ko (nakaupo parin ako ah!) hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Kelly, simula elementary palang tayo ay magkasama na tayo. Noong umamin ka sa akin ay hindi kita ni-reject o tinanggap. Dahil nahiya ako sa sarili ko." sabi niya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. "Nahiya ako dahil sa hinaba-haba ng panahon na pinagsamahan natin ay nauna ka pang umamin sa akin. Nilakasan mo loob mo pero ako, hindi ko nagawa yun. Kaya ngayon, sasabihin ko sayo.." tumayo siya at pinatayo niya rin ako. "Kelly Jane Delima, aishiteru, saranghaeyo, j'taime, i love you, mahal kita matagal na." dere-deretsong sabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya. A-ano ba gagawin ko? "Uhm, so, w-will you accept me as your.... boyfriend?" sabi niya sabay luhod ulit at bigay ng flowers sa akin.
I'm speechless. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Bakit? Kasi, sobrang tagal na panahon ko itong hinintay. At hindi ko akalain na magkakatotoo ang isang panaginip lang para sa akin dati. "Kelly?" pagtawag sa akin ni Lloyd. Hinihintay niya nga pala sagot ko! Teka, ano ba? "Tayo." sabi ko. Akala niya siya lang pwedeng man-trip ah?! Gaganti muna pala ako! WAHAHAHAHAHA!
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. "B-bakit?" tanong niya. Hahaha! Halatang kinakabahan siya oh. Sampalin ko kaya? Ay! Wag na. Ayoko siyang saktan. Hmm...ah! "Hindi na kita gusto." seryosong sabi ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko. At, ayun! Nakuha ko. Nakayuko na siya at feeling ko depressed na siya. Oh yeah! "Lloydie." tinawag ko siya at, Click~! "Wahahahahaha!" malakas na pagtawa ko. Nakita kong lumungkot lalo ang mukha niya. Nakonsensya naman ako, tsk! Sagutin ko na nga! "Hindi na kita gusto--" sabi ko pero pinutol niya ako, "Please, wag mo na uulitin. Baka hin--" pinutol ko rin ang sinasabi niya. Tinakpan ko ang bibig niya. Naramdaman kong medyo basa yung pisngi niya. Awww. Umiyak siya! "Hindi na kita gusto, Lloydie. Ma. Hal. Na. Ki. Ta." sabi ko habang pinupunasan yung luha niya. "Aww, kawawa naman boyfriend ko. Umiyak ka tuloy. Gumanti lang naman ako eh. Hahaha!" pagkatapos ko sabihin iyon ay hinalikan ko siya sa pisngi niya.
Nakita kong onti-onti na siyang ngumingiti. "So, t-tayo na pala?" sabi niya ng may nagniningning na mga mata. Ang cute! "Bakit, ayaw mo?" tanong ko sabay talikod. Hihi! Sarap niya talagang pag-trip-an! "H-huh?! Hindi ah! Gusto ko, promise!" sabi niya tapos bigla akong niyakap habang nakatalikod ako. Kyaaaaa! Back hug!
"Edi tara na." sabi ko habang nakayakap pa rin siya sa likod ko. "Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya. "Diba aalis dapat tayo?" sabi ko sabay harap sa kanya at ngiti. Mukhang nagets naman niya ako kaya ngumiti rin siya. "Onga pala noh. Tara na. Pero, teka muna." sabi niya. "Bakit?" tanong ko.
"Selfie tayo!" sabi niya. At nag-selfie na kami bago umalis.
Lloyd's POV
"Loy, eto na yung pics oh." sabi ni Ate sa akin.
1 araw na makalipas ng aminan namin ni Kelly. Nag-date nga kami kahapon eh. Waaa~ ang sarap sa pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo.
Nagtataka kayo kung bakit selfie kami ng selfie noh? Kung hindi, sasabihin ko pa rin ang dahilan. Ang gusto ko kasi, ipa-print lahat yun at ilagay sa frame. Tapos iyon ang regalo ko sa kanya sa 1st monthsary namin. Oh, ang sweet diba? Wahahaha!
[ Yan lang po. Alam ko pong korny. Hahahaha! Leave comments and don't forget to vote po! Thanks!]