Wish

6 0 0
                                    

May mga bagay na matagal na nating hinihiling. Pero ipinagkakait ito sa atin. Bakit? Di ko rin alam ang sagot. Pero paano kapag natupad na yung matagal na nating hinihiling? Pero ang mas magandang tanong ay, ito ba talaga ang gusto nating mangyari? But what if you wish for something that you really didn't meant? Nadala ka lang ng galit kaya nasabi mo ito. Napabuntong hininga ako, nag-o-overthink na naman ako. Nandito ako ngayon sa isang sikat na coffee shop. Lugar kung saan kami nagtambay ng isang beses ng kapatid ko. Napangiti ako ng malungkot dahil sa naalala.

"Lizzy? Is that you?" Tinig ng isang babae.

Napaangat naman ako ng tingin. "Marian? Long time no see." Tumayo ako at nagbeso sa kanya.

"Umorder ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

She looked at me intently. "How are you feeling Lizzy?"

Napabuntong hininga naman ako. "Never been good."

And memories flashes in my mind.

One year earlier...

"Vinny! Humanda ka sakin! Wag kang magpapahuli dahil malilintikan ka talaga!" Sigaw ko sa nakababata kong kapatid.

"A-ate, di ko naman sinasadya. S-sorry n-na." Nanginginig niyang sabi.

"Hindi sinasadya?! Di ba sinabi ko na sayo na hindi tayo magkakilala kapag nasa school?!" Bulyaw ko sa kanya.

Nandito na kami sa bahay kaya nagagawa ko na gusto ko. Nakakita naman ako ng stick kaya dinampot ko ito at pinaghahampas sa kanya.

"Aray! Aray! Tama na Ate, nasasaktan na ako." Humahagulgol niyang sabi.

Pero para akong bingi at walang naririnig. "Dapat sa mga katulad mong pabida pinapatay!"

"Ano bang nagawa ko sayo Ate?"

"Ano? Hahaha." Sarkastikong tawa ko. "Everything. Your guts, your face, your existence. I mean look at you? You look like a trash with those big round glasses and not so good fashion. And yet mas minamahal ka ng mga tao?!"

Hahampasin ko na dapat siya ulit pero may pumigil sakin. Nagulat ako ng malamang si Papa ito at nasa likod niya si Mama.

"P-papa?" Natataranta kong sabi.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo ha?!" Sigaw sakin ni Papa. "Di ka na naawa sa kapatid mo?!"

Maawa? Don't make me laugh. Kayo nga never naawa sakin. Hindi na lang ako nagsalita dahil ako rin naman ang mali. Lagi naman, dapat na akong masanay.

"You are grounded for one month! No cellphones too." Sabi niya na ikinagulat ko.

I looked at him in disbelief. "You're so unfair dad." Tumakbo na ako papuntang kwarto ko.

"Aba sumasagot ka na ngayon Lizzy?"

Pero narinig ko pang sabi ni Vinny na "Hayaan mo na muna siya Dad."

Napaismid ako, if I know sobrang saya niya pa dahil napagalitan na naman ako. Pumasok na ako sa kwarto ko at doon umiyak ng umiyak.

***

Papasok na ako ng school ng makita ko si Vinny. Nag init na naman bigla ulo ko lalo na't nakita kong magkasama sila ni Ian na ultimate crush ko. Binalaan ko na siyang wag itong kakausapin. Ni tingnan ay wag niyang gagawin. Tapos ngayon ay masaya silang naguusap na parang close na close. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sila lapitan.

Namutla naman si Vinny nang makita akong papalapit sa kanila. Ngumiti naman ako sa kanya. Isang pekeng ngiti na siya lang nakakaalam.

Wish:One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon