Wish you were here part 2

3 0 0
                                    

"Ang sabi ko, Gusto. Kita." May diin niyang sabi.

"Ahh ehh hehehehehe gutom lang yan. Kumain ka na lang ulit." Nauutal kong sabi.

"Seryoso ako Jachelle. Gusto kita. At liligawan kita. Gusto mo rin ako di ba?"

"Uhm. Ano. Ahh. Oo gusto rin kita!" Mabilis kong sabi sabay takbo sa loob ng banyo.

Ahhhhhh! Ano ba yan bat kinikilig ako. Di mawala wala yung ngiti kong to. Ano ba tong nararamdaman ko. Nagpapapadyak padyak ako don na parang tanga.

"Okay ka lang ba dyan?" Tanong ni Seb.

Napatigil naman ako. "Ahh ehh oo hehehehehe."

"Di pa tayo tapos mag usap." Seryosong sabi niya.

Lumabas ako ng banyo ng nakayuko.

"Look at me."

"I can't."

"Why?"

"Basta."

"So payag ka ba na liligawan kita?"

"Uhm. Oo sana kaso...  Di pa ako pwede magboyfriend."

"Kaya kong maghintay." Sabi niya sakin.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Well let's see about that.

Sinagot ko na siya. Hindi na lang kami legal sa side ko. He understands naman. Everything went smooth at nagkakasundo kami. Pero marami kaming magkasalungat na opinion. But that's okay, everyone's like that. Not until...

"Ano Seb nagmamadali na kasi sila Mary Anne kailangan na namin umalis."

"Lagi na lang barkada mo inuuna mo? Pano naman ako? Wala ka ng time sakin!" Hinanakit sakin ni Seb.

"Ano bang pinagsasasabi mo?! Kaibigan mo din sila Seb for goodness sake!"

"I want us alone. Yung tayong dalawa lang."

"Bakit pinagdadamot mo sa amin si Jachelle?" Inis na buntong ni Mary Anne.

"Lagi na naman kayo magkakasama kulang pa ba yon?!" Galit na sigaw ni Seb kay Mary Anne.

"Ano ba Seb?! Pati ba naman sila pinagseselosan mo?"

"Umalis na kayo sige. Baka nakakaistorbo ako sa inyo." Malamig niyang tugon.

"S-seb." I never seen him this cold.

"Tara na Jach. Lalamig din ulo niyan." Aya sakin nila Danica.

Nasa Mcdo kami ngayon at iniiyakan ko pa din yung nangyari dahil ngayon lang kami nag away ng ganon ni Seb.

"Tahan na. Hayaan mo yung hinayupak na yun." Pag comfort nila sakin.

Nagsimula lang siyang maging ganyan magmula nung hindi na kami magkaklase. Siya lang kasi ang nahiwalay saming magbabarkada at kahit magkatabi lang kami ng room bihira lang kami makapagusap. Tanging sa chat na lang communication namin.

"Everything's going to be fine." Sabi ni Rianne.

"I hope so." Malungkot kong sabi.

Nang makauwi na ako. Nakita ko tatay ko na nakaabang sa pinto. He looks furious. What's up with him?

Magmamano na dapat ako sa kanya ng biglang dumapo kamay niya sa pisngi ko.

"P-pa?" Nagtataka kong tanong at napahawak ako sa pisngi ko.

"Malandi kang bata ka! Anong sabi ko sayo! Mag aral ka muna! Hindi yung nagboboyfriend ka na!  Bat di mo gayahin ate mo ha?!" Tiningnan lang ako ni ate with pity look.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wish:One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon