[1: Being DOUBLE-FACED]

36 0 0
                                    

'Lorrilane's Point of View'

Naglalakad ako patungo sa classroom nang may kumalabit sa akin na halos ma-out of balance ako at mapasob-sob sa lupa. Mabuti na lang, nakabalanse ako agad. "Hey, Lorry!", masiglang bati ni Akira sa akin.

Tsk, kung hindi lang ako nasa school grounds at kung hindi ko lang siyang 'kaibigan' or whatever, kanina ko pa siyang sinampal o sinabunutan. But ofcourse, 'di ko ginawa dahil makakasira ng image ko. Yep, that's right. Wala akong pakialam kung masira ang pagkakaibigan namin.

Tipid akong ngumiti sa kanya, well, plastic na ngiti. Magaling ako sa pagpapanggap, kung mag-audition ako sa pagiging Actress ay pasadong-pasado ako.

"Haist, alam mo, mabuti ka pa. Walang in-aabala kun'di ang pag-aaral, eh ako. Maraming paper works, kaya palaging puyat! Minsan gusto ko nang mag-quit sa pagiging President ng Council!" Mahabang litanya niya habang naka-pout. Tss. Eh! Grabe nga yung pangangampanya niya kaya siya nanalo. Halos magmakaawa na siya sa mga tao. Ginusto niya 'yan kaya dapat lang niyang panindigan. Napairap nalang ako sa isip ko.

"Alam mo, we believe in you. Kaya mo 'yan! Tutal last year na natin ito sa highschool kaya make it last." Pag-chi-cheer ko sa kanya. Pero actually ang gusto kong sabihin ay, "Mabuti nga sayo! Panindigan mo 'yan! Last year na natin, kaya magtiis ka!"

"Thanks sa support! Oh- andyan na pala sila! Guys! Brianna! Denise!" Sigaw niya habang kumakaway sa dalawang babaeng papalapit sa amin.

"Napa-early naman yata ang pagdating mo Akira!"pagbibiro ni Denise.

"Aba, syempre! Palagi naman eh, bwahahaha! And guys, guess what?"si Akira.

"What?"Brianna and Denise said in unison.

"Boyfriend ko na si Jefferson! Yipee!", sabi ni Akira na tumatalon-talon.

Napairap na lang kaming tatlo. Psh, masyadong cassanova ang isang 'to. Every week, iba ang boyfriend. Pero sanay na kaming tatlo sa ugali niya.

"Punta na tayo sa classroom, baka ma-late tayo" mahinhin na sabi ni Brianna. Psh. Too sweet, masyado siyang mabait, na minsa'y nagpapairita sa sistema ko.

Nagsabay silang tatlo na maglakad, at dahil maximum of 3 lang ang kaya nang pathway, ay nandun ako sa likod.

Maraming tumitingin sa amin habang naglalakad. Aba, syempre. Magaganda na, matalino pa! At mabait. Pero sa tingin lang nila 'yon!

Hindi ako 'sing bait ng inaakala nila, sila Akira mababait yun, pero ako? Me? Hahaha! Huwag nalang.

Ngumingiti ako sa bawat taong nadadaanan ko. Syempre! Plastikan din 'pag may time. At sigurado din akong plastik sila, for sure, they envy us. Ganyan na ang mga tao sa society ngayon.

Narating namin ang classroom na sobrang ingay. Well, typical high school students.

Umupo na kami sa upuan namin:
W| Brianna | Akira |→
W| Me         | Denise |→

Nagsimula na ang dicussion at halos lahat ng tanong ay kaming apat lang sumasagot. And 2nd Quarter na kaya todo sa pag-aaral lalo nang last year na namin ito sa Highschool. And since napa-early ang pag-aral ko, 15 pa lang ako. Ganun din sina Brianna at Denise. Si Akira ay 1-year na matanda sa amin.

[THAT DOUBLE-FACED SPOILED BRAT]Where stories live. Discover now