"I dreamed a dream in times gone by
When hope was high and life worth living
I dreamed, that love would never die
I dreamed that God would be forgiving
Then I was young and unafraid
And dreams were made and used and wasted
There was no ransom to be paid
No song unsung, no wine untasted."
Ito ang awiting bumabalot sa tahimik na hallway ng Lilibeth Aquino Academy. Rinig sa boses ng kumakanta ang sobrang emosyon na nais lumabas sa kanyang munting katawan. Araw araw maaga siya pumapasok para meron pa siyang oras na makagamit ng Music Room at mag practice ng kanyang vocals at makagamit na rin ng available na Grand Piano sa kwartong iyon. Ngunit ngayong araw, she settles in practicing her vocal range and putting all her emotions into this song.
Matapos ang isang oras na practise at satisfied naman siya sa resulta. Naghahanda na siya lumabas sa Music Room at maya't maya ay tutunog na rin ang school bell na hudyat ng simula na ng klase.
Kung sa araw araw na pagprapractise ay nakuha niya sanang tumingin sa bukas na bintana ng kwartong iyon. Makikita niya sana ang maaliwalas na mukha ng babaeng araw araw din siyang pinapanood at pinapakinggan ng may ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Unexpected
RomanceHello! Ito po ay una kong pagkakataon na magsulat ng istorya pero sa loob ng utak ko napakaraming tumatakbo, dumadaloy na kwento na nagpapaexcite saken. Alam niyo yung pakiramdam na kahit saan ka bigla ka na lang may maiisip na magandang linya o k...