Chapter 5

141 4 1
                                    


Abigale's POV


"Hi"  bulong sa aking tenga habang ako ay nasa locker ko kumukuha ng libro para sa susunod kong klase. Nakaramdam ako ng pagtaas ng mga balahibo sa aking buong katawan dahil sa huskiness ng boses na iyon. Napapikit ako dahil ramdam ko ang hininga ng nasa likod ko sa sobrang lapit ng bibig nito sa tenga ko. Sabay humawak siya sa kanang bewang ko, bigla akong napaharap sa misteryosong tao na nasa likod ko.


"He- Hello!" Utal na pasigaw kong bati sa taong iyon. Nanlaki ang mata ko dahil sa di ko inaasahana ang nakita ko. Si Samantha at ang nakakaluko niyang smirk sa kanyang labi. 'Ugh!'


"Sa-Samantha!" Pilit kong pinapanormal ang boses ko. Pero wala e.


"So, Dela Cruz..." tama ba yung nakikita ko?! Is she checking me out? Tila nablanko ako dahil tinawag niya ako ulit.


"DELA CRUZ! "sigaw na tawag saken ni Samantha habang magkalapit ang mga mukha namin sa isa't isa.


"PRESENT!" bigla kong sigaw with taas pa ng kanang kamay.


"Hahaha!" Tawa ng malakas ni Samantha with hawak pa sa tyan. Oh my, ginawa ko ba talaga yun. Nakakahiya! 


"Okay, you weirdo. clearly di ka nakikinig sa lahat ng sinabi ko kanina." Patuloy na pagsasalita ni Samantha habang ako kasing pula pa din ng tomato ang mukha ko.


"Sorry. Ano ba yung sinabi mo kanina?" Tanong ko sa kanya.


"As I was saying..... pwedebakongtumabisayosalunch?" Napakurap ako ng isang beses, tapos ginilid ko ang leeg ko na parang puppy dahil sa sobrang bilis ng pagkakasabi niya, di ko naintindihan. Magtatanong sana ako ulit ng inunahan niya na ko.


"Pwede ba kong tumabi sayo sa lunch? Sabay tayo kumain. Okay lang ba? Sayo?" Normal na ulit ang pagkakasabi niya. Pero ang tibok ng puso ko ay hindi normal. Mabilis ang pagtibok nito pero ang paligid ko ay napaka bagal. Ang lakad at pananalita ng nasa paligid namin ay tila nasa slow motion. Di ako makapagsalita, nakatingin lang ako sa mga mapupula niyang lips at shocks! nakakagat labi ba siya?! Ano kayang lasa ng lips niya. Sana ako na lang ang nakakagat sa lips niya mapupu-.. Di ko natuloy ang pagpapantasya ko dahil bigla siyang nagsalita ulit.


"Sorry.. I understand, sino nga ba naman ang may gustong sumabay kumain sa nambubully sa kanya. I shouldn't ask that from you. Napaka insensitive ko talaga. Ugh! I'm sorry.."


"Sam.." Sabay hawak ko sa braso niya para putulin ang kanyang rant. "Okay." sabay ngiti ko sa kanya at di ko namalayan na hinihimas ko na pala ang braso niya na hawak ko.


"Okay?" paninigarado ni Samantha.


"Okay.. Sabay na tayo maglunch." Ulit ko.


Napakalaki ng ngiti ni Samantha at tila may naachieve siyang maganda sa kanyang buhay dahil sa sagot ko. "GOOD! Okay yan! "Tatawang tawa niya pang sabi.


Nagkatitigan lang kaming dalawa at nasa ganun pa ring pwesto sa locker ko ng biglang tumunog ang school bell hudyat na start na ng next class namin. Natauhan kami bigla at tsaka ko lang narealize na himas himas ko pa rin pala ang braso niya. Napansin niya kaya? Dyahe naman this! Bigla siyang napatalon at lumayo ng bahagya saken pero pareho pa rin kaming nakangiti sa isa't isa at nakatingin sa mata ng nauna na siyang nagsalita ulit.


"See you at lunch, Dela Cruz." sabay kindat, playful niyang sabi habang naglalakad palayo saken.


Nakasandal pa din ako sa aking locker at unti unting pinapa normal ang mabilis na tibok ng aking puso dahil sa kindat na iyon. Napailing iling at nagsimula ng lumakad patungo sa aking next class dahil kung hindi, ito ang kauna unahang tardy ko sa buong buhay ko at di maari yun. 


'Be Still my Heart.' pagalit ko sa puso kong gustong kumawala.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon