x43- Lorenzo's Picture

1.6K 41 3
                                    

Chapter 43- Lorenzo's Picture
Lorenzo's Picture
⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙

Someone's Pov

Derederetsyo lang ako sa paglalakad pataas sa mismong office nya pero sinisiguro ko ring di nila ako mahalatang may balak dahil pansin ko may pagka strikto na sila sa mga taong labas pasok dito sa companya na toh.

*ting!*

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay pumasok na ako, buti nalang walang ka tao tao rito.

Damn! How I freacking miss to kill again *smirk* puro aral at pagpapatakbo ng companya ang inatupag ko noon so now siguro I can have fun in my own way and no dad lecture and commands..

*ting!*

Pagkalabas ko ay dumeretsyo na ako sa office at pumasok na sa loob

"Hm.nothing change" sabi ko rito "exept the name in the table" dagdag ko sabay turo sa lamesa at napatawa ng mahina.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa table na yun habang nililibang ang tingin ko sa buong office nya.

Lumapit ako sa mga picture frames na nasa table nya at doon ay may nakita akong litrato ng isang babae at batang lalaki

Hindi ko sila kilala pero napa titig ako sa batang lalaki.

Kaya napaisip akong baka sya pero di mamaari tsaka hindi yan ang mukha ng mama nya sigurado ako.

Agad kong kinuha ang litratong nasa bulsa ko.

Litrato nya toh kasama ang kaibigan nyang lalaki at naka akbay sila.

Pinunit ko ang litrato at binulsa ang kalahati nito tapos inilapit ko ang litrato nya sa litratong nasa picture frame.

Magkamukha sila........... pero teka, di kaya anak nya toh?

Nilapag ko muna ang picture sa tabi ng frame at Hinagulgul ko ang mga drawer ng table nya at di ako nabigong makakita ng kasagutan..

May litrato syang kasama ang batang lalaki at buhat buhat nya.

"Tsk. Anak mo nga Lorenzo"

Bigla akong natauhan ng biglang tumunog ang cellphone ko, mukhang tawag toh kaya kinuha ko na agad at sinagot

"Kuya Umalis ka na jan bilis!, nakita ko nang papunta na jan sa taas si Lorenzo  Chan" sabi nito at pinatay na

Napatingin ako sa oras at mag aala-una na pala

Kaya binalik ko na ang litrato at inayos ang mga gamit na nagalaw ko bago lumapit sa pinto

Mukhang hindi ko napansin na may tao narin sa labas dahil sa halos sabay na pagpihit namin sa door knob kaya Saktong bubuksan ko na ito ay nagkahilaan kami ng taong nasa labas ngayon

"Kuya Renz!!" Rinig kong sigaw mula sa labas

"Oh...Ren" sabi naman ng lalaking nasa pinto ngayon

Narinig ko pa ang mga pagyabag ng mga paa nyang papalayo sa pinto kaya kinuha ko na yung pagkakataong lumabas , mukhang di na nila ako napansin dahil sa ginagawa nila

***
Lorenzo's Pov

Tinawagan ako agad ni Loren dahil meron na daw yung mga papeles na pinapakuha ko kaya dumeretsyo na ako sa office ko dahil baka di na nya ako mahintay at iniwan nalang ito sa table ko pero sa pagbukas ko ng pinto na toh ay parang may kahilaan rin ako na nasa loob kaya di ko toh na buksan

Agad na akong nagtaka dahil siguro may tao sa loob.

Hinawakan ko ang baril na nasa likod ko at aakmang bubukasan ang pinto nang bigla akong tawagin ni Loren kaya di ko na natuloy. Inisip ko naring baka naka lock lang ito at lumapit nalang kay Loren.

Kakalabas nya palang sa elevator ay isinigaw nya na ang pangalan ko at tumakbo na papalapit sakin pero lumapit narin ako.

"Kuya ito na yung mga papeles na sinasabi mo" nakayukong sabi nito habang tinitignan ang mga papeles kaya yumuko rin ako at sinilip to ng makalapit na ako ng tuluyan.

"Uhm,kulang ng isa...ah! Nasa table mo nga pala" sabi nito at ibinigay na saakin ang mga papel na hawak nya.

Pagkabigay nya ay tumakbo na sya palapit sa pinto ng office kaya kinuha ko ang susi sa bulsa ko habang binabasa tong papel at naglalakad narin papuntang pinto "Ren naka lock yata yan....oh" sabi ko habang hindi nakatingin sakanya at inaabot ang susi

"Ano kaba kuya hindi naman toh na lock kanina ah" natatawa nyang sabi saakin.

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sakanya na ikina-taka naman nya

Agad na akong lumapit at binuksan ito

Shit!hindi nga!!

"Kuya may pumasok ba dito?"tanong ni Ren

"Well, I think so!!!" Nanggigil kong sabi

"Ano naman kailangan nila" sabi ni Ren

"Hindi ko alam" sagot ko naman

Pero bakit maayos parin ang buong lugar.. Parang walang nangyari o ano

Hindi ko naman  na rin kailangan tignan ang cctv dahil sigurado akong hindi yun tangga para magpakita sa CCTV,dahil sigurado akong hinack nya toh bago pumasok

Nang makalapit ako table ko maayos rin, tsk.

"Ano naman ginawa ng pumasok rito?" Sabi ni Ren habang kinikilatis ang paligid

Napatingin ako sa mga picture Frame dahil iba ang ayos nito.

"Shit!" Mura ko kaya lumapit saakin si Loren

"Bakit kuya?"

Iba ang ayos nung frame na picture ng mag ina ko nakalagay "nalaman nyang may  anak na ako" wala sa sarili kong nasabi, nagulat naman si Loren.

Bigla ko naman naisipang buksan ang drawer kong pinaglagyanan ko ng picture namin ni Enzo at gaya ng akala ko ay iba narin ang position nito

Napasuntok ako sa lamesa ng wala sa oras..

Wag naman na sana sila....pls ako nalang.....

"Kuya a-ano yan?"tanong ni Ren habang nakaturo sa kamao kong naka lapag sa lamesa ko pero napagtanto kong hindi ang kamay ko ang tinuturo nya kundi isang litrato

Kinuha ko toh at tinignan

"K-kuya b-bat litrato mo yan?" Sabi nito saakin pero pareho lang kaming walang alam.

Isa itong punit na litrato ko nung bata pa ako

"Kuya bat may litrato sya sayo!" May pag aalala at pangamba sa boses ng kapatid ko ngayon

Shit sino ba sya? At anong kailangan nya

Mafia Boss SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon