Chapter 3

32 0 1
                                    


Chapter 3

" Tito,san ang mga kasambahay niyo."tanong ko ng walang sumalubong samin.

"Pinagbakasyon muna namin sila,hija."sambit nito.Tumango tango na lang ako.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay ng makita ko si tita Carol na pababa ng hagdan.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya ngunit napatigil ako ng mapansing namumugto ang kanyang mga mata.

Binitawan ko ang bitbit kong maleta kaya natumba ito dahilan upang makagawa ng kunting ingay.Ngunit di ko yun pinakialaman bagkus ay agad akong lumapit kay tita na ngayon ay nakatingin na sa akin.Kita sa itsura niya pagkagulat pero napalitan din naman ito ng ngiti.

"Hija,buti sumama ka."sambit ni tita.Paos pa ang boses nito.

Hinawakan ko ang braso ni tita na makalapit ako rito."Ayos lang po kayo?"nag-aalalang tanong ko.

Ngumiti naman ng malapad si tita."Ayos na ako ngayon,hija.Ngayong alam ko na,na dito ka titira."

Mahina naman akong napatawa."Bakit tita di po ba kayo ayos nung wala ako kaya ka umiiyak kaya ngayon mugtong mugto na yang mata mo?"

Ngumiti lang si tita at tumango."Sorry, hija..."sambit nito. Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kanya.

Sorry?

Kinakabahan nako sa sorry na yan,huh!kanina si tito ngayon si tita naman. Bakit ba?Bakit ba sila nagsosorry wala naman silang ginawang masama sakin.

Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang sinabi ni Brix sakin kanina.

'No.Hindi ka mapapahamak,okay.Sino namang mananakit sayo sina tito...imposible e nagagalit nga yan e pag nalaman nilang may umaaway sayo,diba? Wag kang paranoid,Kreilyn.Sorry lang yun.Wala yung ibig sabihin.Baka lang talaga ang word of the day nila was sorry...Tama walang ibig sabihin yun.'sambit ko sa aking sarili.

Nabalik ako sa wisyo ko nang tawagin ako ni tita.

"Hija?Ayos ka lang?"

"Ahhh...o-opo,ayos lang po ako."I reply.Bumaling ang tingin ko sa terrace ng bahay nina tito.

Di ko alam pero pakiramdam ko may nagmamasid sakin. Nangunot naman ang nuo ko ng may nakita akong rebulto ng tao sa sulok pero agad naman itong nawala.


Napansin kung sinundan ni tita ang tingin ko.Ngumiti pa siya bago niya ako binalingan.

"Halika na,hija...Ihahatid na kita sa magiging kwarto mo."sambit nito at marahang hinawakan ang aking braso upang igaya sa magiging kwarto ko raw. Umiling ako at binaliwala na lang,kung ano man yung nakita ko at nararamdaman ko.

Nakangiti akong sumama kay tita.

----

I heaved a heavy sighed. Nandito ako ngayon sa magiging kwarto ko.Nakahiga at nakatitig lang sa puting kisame.Kakatapos lang namin mag agahan... Akala ko makikita ko yung Zrayde na sinabi ni tita noon. Pero wala naman silang pinapakilala saking Zrayde kanina.

Tss.Bakit ko ba iniisip yun.

Hay! Napalingon ako sa night table ng tumunog yung phone ko.Mabilis ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag...

Nashock ako ng si Brix pala yun.

Gush...Tatawagan ko nga pala sya once na makarating nako dito...Haist,ba't ko nakalimutan yun. Pipindutin ko na sana ang answer call ng makarinig ako ng malakas na kalabog sa taas.Napabalikwas pa ako sa aking pagbangon at mabilis lumabas ng kwarto upang alamin ang nangyayari.Umakyat ako sa taas kung saan narinig kung nanggaling ang ingay. Pagkarating doon ay nalito ako kung san sa tatlong kwarto nanggaling iyon.Kaya ini isa isa kung binuksan ang kwarto.Walang tao sa dalawang kwarto kaya nabaling ang tingin ko sa isang kwarto na nasa sulok.Nilapitan ko ito,pinihit ko ang door knob kaso naka lock...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ZA's Obsession[ON-GOING]Where stories live. Discover now