[1] February 14th

1.2K 87 214
                                    

AZURE

ITS PASS seven in the morning when I arrived at Haver High. Pagkapasok ko pa lang naririnig ko na agad ang mga tawanan at sigawan ng mga estudyante. Maraming booths ang nakatayo ngayon sa field at maraming estudyante ang mga nakakalat kung saan-saan.

Today is Valentine's Day, and I'm not even excited because my gut feeling says that I won't be enjoying this day. Ba't naman ako maeexcite? Wala naman akong jowa.

I'm on my way to our classroom at halos lahat nang nakakasalubong ko ay nakasuot ng pulang damit sa pantaas. We're not allowed to wear our school uniform today, so I'm left with no choice, kun'di sundin ang color-coding.

I wore gray-colored long sleeve tops partnered with a jeans and white sneakers.

The color-coding says:

Red - In a relationship/In love
Yellow - Single and Contented
Green - Bitter
Pink - Waiting for Someone
White - Study First
Black - Broken-hearted
Gray - One-sided Love

So yes, wondering why I wore gray? Mahal ko siya pero hindi ako ang babaeng mahal niya.

In short, one-sided love.

Ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Ay mali pala! Nagmamahal din siya pero hindi sa'kin kun'di sa iba. Ang mas masaklap pa diyan ay kaibigan ko pa ang ibang 'yon.

It was two years ago when he told me that he loves my friend, Loryell Salazar.

I expected it to be me. I'm expecting him to say my name instead of Lory, but he didn't.

Of course, I was hurt. I was hurt to the point na ni-risk ko na ang friendship naming dalawa. Nasasaktan kasi ako sa tuwing nakikita ko siya. Naiilang akong makipag-usap sa kanya.

Since that day, 'di na ulit kami nakapag-usap.

I already learned my lesson, "Expecting doesn't hurt, assuming does". Siguro kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan ngayon. I took his actions for granted. I've never seen him being sweet and clingy to others like how he treat me before. Kaya akala ko may gusto siya sa'kin dahil gano'n niya ako itrato. Mali pala ako.

Enough with the past, sinasaktan ko lang ang sarili ko 'eh.

As I entered our classroom, my classmates were busy chit-chatting. They didn't noticed my presence so I quickly went to my seat. Unluckily, nakita ako ng best friend ko nang maupo ako sa tabi niya.

"Naks! Azure Kaye Murrel is wearing gray!?" sigaw nito kaya biglang tumingin ang mga kaklase namin sa amin. He's my boy best friend, Dwight Romero.

Sinamaan ko agad siya ng tingin nang tinawanan niya ako dahil sa kulay ng damit na suot ko. Seriously? Look how supportive my bestfriend is.

"Bakit Dwight? What's wrong with one-sided love?" I asked my evil bestfriend.

Palibhasa kasi may love life siya kaya palagi niya akong inaasar. Sana magbreak na sila! Just kidding!

"Wala naman, but speaking of one-sided love..." Mapang-asar itong ngumiti sa akin bago pinatuloy ang pagsasalita. "... naka-gray rin si Keith, magkaiba lang kayo ng shade."

I just smiled bitterly. Dapat ba akong maging masaya dahil di rin siya mahal ng taong mahal niya o masaktan dahil alam kong patago siyang nasasaktan kay Lory?

Magsasalita pa sana ako pero biglang bumukas ang pinto ng room namin. Pumasok mula do'n ang iba kong kaklase at kasama nila si Keith. Kumabog na naman ng sobrang bilis ang dibdib ko. Nararamdaman ko rin ang unti-unting pag-init ng aking mukha.

Let Me Love You [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon