Chapter 1

42 3 0
                                    

"napakabango naman po ng niluto mo ina ano po ang meron ngayun?" Tanong ko kay ina dahil masyado silang abala sa paghahanda.


"May darating na bisita anak, kaya mag handa at mag ayos kana dahil panigurado parating nayun sila." Nakangiting sagot ni ina bago bumalik sa pagaayos ng mga pinggan sa hapag kainan.

"Sigi po ina" humalik ako sa pisngi ni ina bago tumalikod upang umakyat ng hagdan papunta sa aking silid.

Sino kayang panauhin ang darating at sobrang abala nilang lahat?


**

nakaupo ako sa harap ng salamin habang sinusuklay ang aking buhok ng may narinig akong katok mula sa pintuan ng aking silid.

Napatingin ako sa pinto at nakita ko si ina na naglalakad papalapit sakin "andiyan na sila anak" sabi ni ina habang papalapit sakin.

"Ina" nakangiti kong tawag kay ina.

Niyakap niya ako saglit at humarap sa akin "Napakaganda ng anak ko " sabi ni ina na may ngiti sa kanyang labi.

"Ina ano po bang mayroon at kelangan kopa mag ayos ng ganito?" Nagtatakang tanong ko kay ina habang inaayos nya ang aking damit.

"Basta anak" sabi ni ina at may isinuot syang hikaw sa akin "halika na anak ko at naghihintay na sila sa salas" sabi ni ina, kaya naman lumabas na kami sa silid.

Habang pababa kami ng hagdan ay nakita ko si ama na masayang nakikipag kwentuhan sa isang di katandang babae at lalaki na mukang mag asawa katabi nila ang isang binatang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang.

"Isabelle anak kahit anong mangyari ngumiti ka lang ha?" Bilin ni ina sabay ngiti.

"Magandang umaga Donya Arcelia at sa iyo binibining Isabelle" nakangiting bati nung di katandaang lalaki.

"Magandang Umaga rin Don Alberto at sa inyo Donya Marguerita at Ginoong Miguel, maligayang pag dating sa aming tahanan" naka ngiting bati ni ina sa kanila.

Bakit kaya sila naandito? Di sila pamilyar saakin e, baka kamag anakan namin?

"Tayo'y kumain na, naghanda kami ng masarap na pagkain para sa inyo " sabi ulit ni ina sa kanila kaya nag deretso na kami sa hapag.

Nasa kabilang dulo si Ama at sa kabilang duko naman ng hapag si Don Alberto at sa gilid ay si Miguel katabi si Donya marguerita, si ina naman ay naka upo sa harap ni Donya Marguerita.



"Maupo kana binibini upang mapagusapan na natin ang nalalapit na kasal na magiging daan ng panghabambuhay na pagkakaibigan at pagiging isa ng ating pamilya" Anunsyo ni Don alberto.


Sino ang ikakasal?



"Marahil ay hindi nyo pa nakikilala ang aking nagiisang anak na si Isabelle, kung kaya't hayaan nyong ipakilala ko siya sa inyo"anunsyo ni ama "Akin nang ipauubaya ang kamay ng aking nagiisang anak na si Isabelle Cruz sa inyong anak na si Miguel Fernandez" dagdag pa ni ama



Ako ang ikakasal? Hindi bat parang napakabata kopa para sa ganoong bagay? Ni hindi ko pa nga nararanasan ang umibig.


Napatingin ako kay ina sa gulat. Kaya pala pinag-ayos ako ng mabuti ni ina dahil dito, hinawakan nya ng mahigpit ang aking kamay at ngumiti sakin.



"Anak sana maintindihan mo.. para rin to sa iyo at sa pamilya natin" bulong ni ina sakin



Pakiusap ina ayoko pang maikasal hindi pako handa TT_TT

My Love From The PastWhere stories live. Discover now